Kana's POV"So ano Kana, bawal tanggihan ang bata." Hindi ko alam kung seryoso ba si Lucas o hindi dahil yung mukha niya eh, malayo sa nagbibiro at malayo din naman sa sobrang seryoso na ewan.
"Dapat po mag kiss ang mag boypren at girlpren dahil ibig sabihin po nun ay lab po ninyu ang isat isa." paliwanag ng pahamak na si Bubwit.
Uminit ng sobra ang pisngi ko at tinablan ako ng hiya na hindi ko na kayang tingnan si Lucas. Si Lucas naman ay nakapako ang tingin sa akin na tila naghihintay ng sagot.
"We are waiting Kana." saad ni Lucas.
"Hoy! Kayong dalawa tumigil nga kayo sa kiss kiss na yan! Wala, walang kiss na mangyayari." natataranta kong saad.
"Ibig sabihin po ba hindi niyo lab si manong?" Hindi ba pwedeng tumigil na ang batang to sa mga lab lab na binabanggit niya?
"Ang sakit Bubwit, hindi pala ako love ng ate Kana mo. Habang ako walang ibang ginagawa kundi ang mahalin siya." alam niyo yung may narinig kayo at halos mapaihi kayo sa kiliti at hindi niyo alam kung bakit? Yun, yun ang nararamdaman ko ngayun.
Isipin mo Kana, sinasakyan lang ng hudlom na yan ang inosenting si Bubwit kaya wag kang papadala, wag kang maniniwala sa mga pinagsasabi niya dahil lahat ng yun ay pawang kasinungalingan lamang.
"Hoy! hoy! Lucas wag ka ngang magsalita ng ganyan, pinagmumukha mo pa akong masama kay Bubwit! Suntukin kita diyan eh." inirapan ko siya ng sobrang sobra na kung pwede na siyang masugatan ay masusugatan talaga siya.
"Tingnan mo Bubwit? Sinaktan na niya puso ko, sasaktan niya pa ako ng pisikal. Hindi niya talaga ako mahal Bubwit." Iniba pa niya ang boses niya na parang papunta na sa pag-iyak habang si Bubwit naman ay lumaki ang mata dahil sa narinig at nakita na mukhang iiyak na si Lucas.
"Ate Kana naman, wag mo naman saktan si Manong. Boypren mo siya kaya dapat mahalin mo siya at hindi mo siya sasaktan, magbati na nga kayo." hay naku! Ang mga bata sa panahon ngayun.
"Okay na, bati na nga tayo. Ayan Bubwit hah, bati na kami ni Lucas. Diba Lucas? Bati na tayo diba?" Nginitian ko siya ng pilit at tinaas baba ang kilay para senyasan siya na sumang ayon para tumigil na si Bubwit.
"Diba pag bati na nagyayakapan Bubwit?" tanong nito sa bata na mas lalong nagpa-usok sa ilong ko.
"Opo, pag nagyayakap po ibig sabihin bati na at lab niyo isat-isa." ang kilay naman ni Lucas ang nagtaas baba habang nakatingin sa akin.
"So paano ba yan Kana?" inirapan ko siya at tumayo na para lumapit sa kanya.
"Tayo!" pinandilatan ko siya ng mata.
"Ganyan ba makikipagbati?" hindi siya gumalaw mula sa kinauupuan.
"Lucas, boyfriend ko tayo na at magbabati na tayo diba?" pinalambot ko ng mga limapung beses ang boses ko at halos matawa si Lucas dahil dun, sa awa ng diyos ay tumayo naman siya.
"Yeheey! Magbabati na sila." pumapalakpak pa si Bubwit sa gilid namin.
Ako na ang unang yumakap sa kanya ng mahigpit at halos mahimatay ako sa bango niya at parang ayaw ko nang umalis mula sa pagkakayakap sa kanya.
Hoy Kana, umayos ka, pinaglalaruan ka lang niyan at sure na tumatawa ng malakas ang kaloob looban niyan dahil nasunod ang gusto niyang mangyari kaya umayos ka!
"Hoy! Ikaw hudlom ka, hintayin mo lang at makakaganti din ako sa mga kabaliwan mong ito. Peru alam ko naman eh, alam kong sinasakyan mo si Bubwit dahil na miss mo ako, na miss mo ako kaya ka biglang sumulpot sa condo at inaya mo akong lumabas diba?" bulong ko sa kanya.
Niyakap niya lang ako ng mahigpit at huminga ng sobrang lalim bago hinawakan ang magkabila kong pisngi at tiningnan ako ng diretso sa mata.
"Wag masyadong mahangin Kana hah, baka matangay ka ng sarili mong hangin at makaabala ka pa ng ibang tao sa pag rescue sayo." hinalikan niya ako sa noo bago bumalik sa upuan niya.
Masaya na sana yung may pahalik sa noo eh, peru hindi naman ako mahangin at nanghuhula lang ako. Siya kaya tong punong puno ng hangin sa ulo at akala eh gusto siya ng lahat ng tao, gusto naman talaga siya ng mga babae eh. Halos lahat nga gusto siya maliban lang sa akin, dahil hinding hindi ko siya gusto at magugustuhan.
"Lab niyo nga ang isat-isa ate Kana ang tagal niyo natapos mag yakap eh." saad ni Bubwit pagbalik ko sa kinauupuan ko.
Napakain ako ng marami dahil sa inis kay Lucas. Hindi ko na nga alam kung ano yung mga pinapasok ko sa bunganga ko basta kung ano matusok ng tinidor eh dinadala ko sa bibig ko.
Pagkatapos namin kumain ay nilisan namin ang restaurant at dumiretso kami sa mall. Hawak ko ang isang kamay ni Bubwit at hawak naman ni Lucas ang kabila habang sabay kaming naglalakad. Binilhan ni Lucas ng damit si Bubwit at mga laruan, kami ni Bubwit ang pumipili ng mga damit at si Lucas naman ang naghihintay sa counter para magbayad. Sunod naming pinuntahan ay ang mga laruan, seryosong seryoso si Lucas habang nakasunod sa amin at kami ni Bubwit at nagbaril barilan at naghabulan.
Hinahabol ko si Bubwit nang nagkamali ako ng apak at natumba ako. Unang lumapat sa malamig na sahig ng mall ang kaliwang balikat ko at sobrang sakit ang naramdaman ko. May nakakita sa akin na sales lady at agad akong nilapitan at tinulungan makaupo.
"Okay lang po ba kayo ma'am?" nag-aalala niyang tanong.
"Ang paa ko ang sakit." ang kanang paa ko ang sobrang sakit na hindi ko pa ata kayang iaapak.
"What did you do to her!" dumagundong ang boses ni Lucas sa palapag ng mall.
"Tinutulunga-" hindi na natapos ng sales lady ang sasabihin niya dahil inagaw na ako ni Lucas mula sa pagkakahawak niya.
"Anong nangyari? Bakit nakaupo ka dito?" nag-aalala niyang saad.
"Nagkamali ako ng apak, natapilok ako at ang kanan kong paa hindi ko maiapak, ang sakit." nakangiwi kong saad.
"Saan ba masakit?" itinuro ko ang kanan kong paa at menasahe niya ito at halos matadyakan ko siya sa sakit.
"Aray!" daing ko.
Bigla nalang niya akong pinangko at tinawag tinungo ang pianakamalapit na elevator.
"Relax lang okay? Dadalhin kita sa hospital." muntik na akong matawa dahil sa sinabi niya peri pinigilan ko dahil baka ihulog niya ako.
"Ikaw kaya mag relax, para naman akong mamamatay na. Natapilok lang ako at isa o dalawang araw lang na pahinga at okay na ako." saad ko sa kanya.
"Just shut up okay?" ayan na naman siya, bumalik sa pagiging hudlom.
Paglabas namin ng elevator ay nasa parking area na kami at mabilis pa sa alas kwatro niya akong pinasok sa sasakyan niya at isang segundo lang ata dumaan at nasa daan na kami. Natapilok lang ako at dadalhin niya ako sa hospital, peru itong pagpapatakbo niya sa sasakyan ata ang papatay sa amin.
Lord, gabayan niyo po sana kami.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Girl
De TodoWalang pinag-aralan, nakatira sa skwaters, madumi, mabaho peru matapang. Yan si Ellise Cruz, dalawamput tatlong taong gulang, nasubok na ng panahon ang katatagan kaya nagkukubli sa pagiging matapang. Sa skwaters na kanyang tinitirahan, tinitingala s...