CHAPTER SIXTY-TWO - DEMOLITION

5.7K 110 4
                                    

Kana's POV

Isang buwan.

Isang buwan na ang dumaan matapos akong humingi ng tulong sa mga tao para sa mga kaibigan ko sa skwaters. Isang buwan na din simula nang lumipat kami pabalik ni Brandon dito sa skwaters at isang buwan ko na ding hindi nakikita si Lucas.

Hindi ko inakala ang suportang natanggap ko mula sa mga tao, humingi ako ng kalahating milyong pirma para sa petition peru umabot sa dalawang milyong pirma ang nakalap namin, may mga artista din na sumuporta at ang libo libong fans nila ay pumirma din. Nagkalat sa pahayagan ang nangyari, mga newspaper, magazines, balita sa tv, tabloids at sa lahat ng social media.

"LuNa no more?"

"Kana broke up with Lucas after finding out about his plans to demolish her home."

"Friends over Boyfriend; Friends wins."

Iilan lang yan sa mga headlines ng media. Lahat ng social media accounts ko ay inuulan din ng tanong at pambabatikos, may mga nakikisimpatya peru meron ding nanghuhusga.

Pagkatapos ng fashion show ay hinanap ko si Lucas peru hindi ko na siya makita sa venue, naglaho siyang parang bula. Nung gabing din yun ay nag alsa balutan kami ni Brando at bumalik dito sa bahay ko sa skwaters. Walang tawag, walang text o di kaya dalaw akong natanggap mula kay Lucas. Gusto ko man siyang makita at mayakap peru paninindigan ko to, mahirap na ang sitwasyon ng pamumuhay dito sa skwaters at mas lalong magiging mahirap kapag mawawalan pa ng tirahan ang mga tao dito. Mahirap magsimula ulit, lalo na kapag alam mong mahina ang usad ng lahat kahit magtrabaho ka ng bente kwatro oras.

Bumalik narin ako sa pagtatrabaho sa talyer ni Mang Onyok at nakakapanibago dahil laging wala si Mang Onyok dahil may inaasikaso daw na papeles sabi ng pinagkakatiwalaan niyang magbantay ng kaha. Gaya parin ng dati ang trabaho maliban lang sa bastos na kasama ko sa talyer, si Fernan. Wala siyang ibang gagawin buong maghapon kundi mag abang ng mga babae  kalsada at tawagin ang mga ito ng mga hindi kaaya aya sa tengang mga salita.

Nagpapalit ako ng gulong ng isang lumang pick up nang tumunog ang cellphone ko. Ayoko pa sanang sagutin peru hindi tumigil sa kakatawag ang kung sino mang tumatawag sa akin. Nang hindi tinitingnan kung sino ang tumatawag ay sinagot ko ito at inipit sa tenga at balikat ko ang cellphone saka ipinagpatuloy ang ginagawa.

"Hello." Sagot ko.

"Hey Kana, am i disturbing you?" kung sasabihin ko bang oo papatayin mo ang tawag? pilosopong utak naman to oh.

"No,  not at all." kilala ko na kasi ang boses at alam ko na mabibilang lang sa daliri ang tagalog niya.

"Will it be fine if me and my parents will come over today?" nagbibiro ba to? Baka masaktan ang ilong ng mga magulang niya pagpasok palang dito sa skwaters.

"Are you being serious right now?" tumawa pa siya sa kabilang linya dahil sa reaction ko.

"Yes, I kind of told them a lot about you and that made them want to meet you." anak ng pusang gutom din tong lalaking to ah, hindi man lang ako makakapaghanda nito.

"What time are you guys coming?" tanong ko. Umaasa ako na sana may oras pa ako para magligpit ng kalat namin ni Brandon sa bahay.

"Four hours from now, we will arrive there after lunch so don't stress about preparing something." tumawa pa siya.

"I'll see you guys later then."

"Yupp, see you later Kana." pagbaba niya ng tawag ay napahinga ako ng malalim.

"Magaling Elliot, sobrang galing mo." napailing nalang ako at agad tinapos ang trabaho para makauwi na ako.

Laging nadadalaw dito si Elliot at bawat dalaw niya ay front page agad kami ng newspaper kinabukasan. Na kuno iniwan ko si Lucas dahil kay Elliot, na kaya ko pinili si Elliot dahil di hamak na mas mayaman ito kay Lucas, na pera lang ang habol ko sa kanya. Sa tuwing binabanggit ko naman kay Elliot ang mga laman ng balita ay itinatawa lang niya at lagi akong pinapaalalahanan na yung ibang tao ay gagawa ng maling balita para magkapera at hindi dapat yun pinapatulan dahil mas ipagkakalat nila na totoo ang maling balita nila kapag pinansin mo.

"Ate Kana, salamat sa candy ahh." saad ng bungal na batang si Caloy.

"Walang anuman, basta mag sipilyo ka pagkatapos kumain ng candy para hindi masira ang natitira mong ipin." tumawa pa ito dahil sa sinabi ko.

Di kalayuan ay natanaw ko sila Bubwit at Boknoy kasama ang ibang batang kaibigan nila na naglalaro ng habulan at nang matanaw nila ako ay halos sabay silang tumakbo papunta sa akin.

"Ate Kana, kailan tayo kakain ulit ng chicken joy?" tanong ni Bubwit.

"Oo nga, at yung patatas na pinrito!  Prench pries ba yun?" saad naman ni Boknoy.

"Naku, sa susunod na linggo pa tayo babalik dun at French Fries yun Boknoy." kinatyawan si Boknoy ng mga kaibigan nila.

"Kasama po ulit kaming lahat?" tanong ng kaibigan nila.

"Abay syempre, kahit sama niyo pa pusa niyo eh." biro ko na ikinatawa nilang lahat.

Mas matatanggap ko pang hindi makilala ang mga magulang na nag iwan sa akin noon kaysa mawalan ng titirahan ang mga batang to, tama na ang hirap na makahanap ng makakain sa isang araw, grabe na kapag madadagdagan pa ng hirap sa paghahanap ng bagong matitirahan.

Dumiretso na ako sa bahay at nagsimulang magligpit ng mga gamit na nagkalat. Hindi pa man ako pinagpapawisan sa paglilinis ay nakarinig ako ng sigawan at parang pagsabog. Dali dali akong lumabas at nakita ko ang mga kapitbahay ko na nagtatakbuhan papasok sa mga bahay nila, naghahanap sa mga anak nila, may mga batang nag-iiyakan dahil hinahanap ang mga magulang nila. Tumakbo ako papunta sa kinaruruonan ng pagsabog at nagulat ako sa nakita.

May mga nasa dalawampung kalalakihan na pawang may bitbit na pang giba. Nagsisimula na silang gibain ang mga bahay na nasa tabi ng kalsada at ang kawawang may-ari ay nagmamakaawa at umiiyak habang pinipigilan sila.

"Itigil niyo yan!" sigaw ko.

Binilisan ko pa ang takbo ko kahit nagkakabungguan na kami ng iba pang nagmamadaling mag hakot ng gamit.

"Itigil niyo yan sabi!" sigaw ko ulit saka sinubukang agawin ang martilyo na hawak nung isang lalaki.

"Ma'am pasensya na po peru ipinag utos na po na gawin ang demolition ngayung araw na to, binigyan na po kayo ng isang buwan para lumipat peru hindi po kayo umalis." saad ng lalaki.

"Tatlong buwan! Tatlong buwan ang ibinigay sa amin ng korte manong at may kopya po ako ng papeles!" saad ko sa kanya peru imbis na pigilin ang mga kasama niya ay sinabihan pa niya ang mga ito na bilisan ang trabaho.

Doon na ako nakipag agawan ng martilyo, pinagtutulak ko sila para lumayo peru masyado silang marami.  Ilang beses akong nadapa dahil pilit nila ako itinutulak sa tabi para ipagpatuloy ang pag giba ng mga bahay peru tumatayo ako para pigilin ulit sila. Nakita ako ng mga kapitbahay ko kaya tumulong na sila, nagkagulo na ang lahat. Pinagtutulak namin sila palayo sa mga bahay, pinagtutulak namin sila papunta sa kalsada. Habang buong lakas kong tinutulak ang isang lalaki ay nakaramdam ako ng sakit sa aking tagiliran at sobrang hapdi habang tumatagal peru hindi ko ininda at pinagpatuloy ko ang ginagawa. Nasuntok ako sa gilid ng labi ng lalaking tinutulak ko kaya napaatras ako, hindi ako sumuntok pabalik sa halip itinulak ko lang siya. Nang malayo layo na sila sa mga bahay ay naghawak kamay ang mga kapitbahay ko para proteksyonan ang mga bahay nila.

"Hindi ka na ba talaga makapaghintay na patayuan ng letseng mall na yan ang lugar na to? Hindi ka na ba talaga makapaghintay na mawalan ng tirahan ang mga tao dito ha! Alam mo na may tatlong buwan pa kaming palugit, peru ano to! Tinitira mo kami ng patalikod! Hindi ka patas maglaro, alam namin na makapangyarihan ka peru kunting consideration naman, hindi kami katulad mo na makakabili at makakahanap agad ng titirhan kapag gusto namin!" masakit man ang putok na gilid ng labi ko ay pinipilit kong magsalita, sobrang hapdi na rin ng tagiliran ko peru hindi ko na iniinda. Alam kong nanonood siya sa kung saan man, kaya kailangan niya tong marinig.

"Kunting awa naman  sa amin oh, tatlong buwan lang hindi mo pa mahintay? Anong klaseng tao ka?" sigaw ko, wala akong nakitang reaction mula sa demolition team. Peru narinig kong humahagolhol na ang mga kasama ko.

Nanlalamig ang labi ko at parang namamanhid ang mga tuhod ko, nakaramdam ako na may humawak sa kamay ko at si Bubwit na umiiyak ang nakita ko.

"Ate Kana bakit ka may dugo sa diyan?" itinuro niya ang tagiliran ko at doon na ako biglang nawalan ng lakas at dumilim na ang buong paligid.

The Billionaire's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon