Lucas's POV
Hindi ko dapat ginawa ang lahat, kung alam ko lang talaga na magiging ganito ang kakalabasan ay tinanggihan ko nalang sana ang invitation ni Sophia. Hindi ko siya dapat sinigawan, hindi ko siya dapat pinaiyak, hindi ko dapat pinapasama ang loob niya dahil makakasama sa bata. She's been too emotional, way too clingy at nasa level two hundred na ang pagiging selosa niya lately, inaamin ko masarap sa pakiramdam yung nagseselos siya kahit wala naman akong ginagawa, peru habang tumatagal ay nakakapikon na dahil siya lang din ang nasasaktan, nalulungkot at umiiyak sa huli. Ayoko siyang nakikitang umiiyak dahil parang sinasaksak ang dibdib ko sa bawat luhang tumutulo sa mga mata niya, ayoko siyang nakikitang matamlay dahil hindi okay yun, nakilala ko siya bilang sobrang tapang na babae, sobrang ingay at masigla kaya as much as possible bawal siyang malungkot. I'm trying my best to be the best boyfriend, nagkulang lang talaga ako sa pasensya at nasigawan ko siya.
Ngayun ay nandito ako sa guest room, nahihiyang lumabas at sobrang nagsisisi dahil sa nagawa ko. Wala na akong mukhang maihaharap kay Kana, paano kung umiiyak parin siya hanggang ngayun? Hindi siya pwedeng maging sobrang malungkot, paano kung may masamang mangyari sa kanya at sa baby? It'll be my fault, all my fault. Peru kailangan ko siyang kausapin, kailangan kong humingi ng tawad dahil sa nagawa ko, sabi nga ng mga matatanda na hindi dapat natutulog hanggat hindi naayos ang ano mang hindi pagkakaunawaan.
Agad akong lumabas ng guest room at tinungo ang kwarto ni Kana at nang kakatukin ko na sana ang pinto ay saka naman tumunog ang phone ko nang tingnan ko ay pangalan ni Daddy ang nag flash sa screen kaya agad ko iyong sinagot dahil baka importante.
"Dad?" sagot ko.
"You need to come home as soon as possible son." saad niya.
Sa boses palang niya ay ramdam na ramdam ko na ang tensyon, takot at tapang. Kung ano anu naman ang pumapasok sa isip ko na pwedeng maging dahilan kung bakit kailangan kong umuwi agad ng Pilipinas. Something must be wrong dahil kapag tumatawag si Dad ay laging kumusta ang intro at puno ng confidence ang boses niya, peru ngayun his voice is a little bit shaky which is not a good sign.
"What's wrong Dad? May nangyari ba sa company?" tanong ko ulit.
"It's your sister." Si Ysa?
"What about Ysa? Is she sick?" anong meron kay Ysa? She's healthy when I left the Philippines at wala naman siyang problemang sinasabi sa akin.
"She's missing." then my father cried, I heard him cry for the first time in my life.
"What do you mean she's missing? You know her Dad, she can't stay in one place. Baka nag travel lang, you know her obsession with beaches and tan." I'm trying to be positive, I'm trying to sound positive for my parents who are worried sick thousands of miles away from me because of Ysa.
"She texted your mom yesterday morning about their spa day and that she will pick your mom at home, but she never came. We thought something came up with her work, so we didn't call her. Peru kaninang umaga, may nakakita sa kanyang sasakyan sa tabi ng daan na nakabukas at may mga dugo peru wala siya doon." para akong nanghina and I don't know what to do, uuwi ba ako ngayun agad agad or kakausapin ko muna si Kana at magpaalam sa kanya?
Tumakbo ako agad palabas ng mansion, I went straight to the car where I left my important belongings and then called Kanas father. Hindi ako makakauwi agad kung sasakay ako sa commercial flights na palaging may delays, kailangan kong humingi ng permiso sa father ni Kana kung pwede kong gamitin ang private jet nila. I need to be in Manila as fast as I could, hindi ako pwedeng magsayang ng oras dahil buhay ng kapatid ko ang nakasalalay kung nasaan man siya ngayun. Laking pasasalamat ko nang walang pag aalinlangang pumayag ang Dad ni Kana na gamitin ko ang jet, pagkababa ko ng tawag ay agad kong tinungo ang airport.
I tried calling Kana peru hindi siya sumasagot hanggang sa hindi ko na ma contact ang number niya. I'm in a very bad situation right now, umalis akong hindi pa kami nagkakausap ni Kana at galit siya sa akin, habang hindi ko naman alam kung may dadatnan pa akong kapatid pag uwi ko ng Pilipinas. A lot of things are running through my mind right now, who did it? Who abducted her? Why? Anong kailangan nila, why my sister? Saan siya dinala? Anong kalagayan niya at ang pinakamabigat na tanong, buhay pa ba siya?
Sa kakaisip ko ay hindi ko namalayang nag riring pala ang cellphone ko.
"Hello?" hindi ko na tiningnan kung sino ang tumawag.
"Where are you?" boses ng tila naalimpungatang si Kana.
"I need to go home in the Philippines." naging sobrang tahimik ng kabilang linya, hindi siya nagsalita hanggang sa narinig ko ang mahina niyang pag iyak.
"If you're leaving because of what I did I'm so sorry, I didn't mean to do it. I'm sorry." humahagolhol na siya na nagpasikip ng dibdib ko.
"No, it's not because of you. I need to rush home because of an emergency okay?" she's sad and I can't tell her what's going on back home dahil mag aalala lang siya at baka gustuhin niya pang umuwi na hindi pa pwede sa kanya.
"No it's all my fault Lucas, you're right I should've trusted you. I'm so stupid, I'm sorr-" bigla nalang naputol ang linya at nang tingnan ko ang phone ko ay patay na pala dahil low bat na.
Hindi man lang ako nakahingi ng tawad dahil sa nagawa ko, Ipapaliwanag ko nalang sayo pagbalik ko Kana, peru ngayun ay kailangan ko munang hanapin ang kapatid ko ang kumuha sa kanya. Kung sino man siyang kumuha at nanakit kay Ysa ay pagbabayarin ko ng sobra pa sa nagawa niya. Walang pwedeng manakit sa kapatid ko, walang pwedeng manakit sa kahit kaninong tao na wala namang ginagawa kundi maging mabuti sa mundo.
********************************************
Ang bagal bagal naman Lucas ehhh! Hindi naman aabot ng five seconds ang pagsabi ng I'm Sorry eh.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Girl
SonstigesWalang pinag-aralan, nakatira sa skwaters, madumi, mabaho peru matapang. Yan si Ellise Cruz, dalawamput tatlong taong gulang, nasubok na ng panahon ang katatagan kaya nagkukubli sa pagiging matapang. Sa skwaters na kanyang tinitirahan, tinitingala s...