CHAPTER THIRTY - NEW HOME

6.9K 169 3
                                    

Kana's POV

hindi ko na namalayan kung saan ako dinala ng driver ni Lucas dahil ang tumatakbo lang sa isip ko ay ang pabigla biglang pagbabago ng mood niya, tapos yung pahalik sa noo, baliw nga siguro yung taong yun.

"Ma'am nandito na po tayo." biglang saad ni kuyang driver.

"Ano nga po pangalan niyo kuya?"

"Richard po." tinanguan ko lang siya at lumabas na ng sasakyan.

Sa harap ng isang matayog na building ako ibinaba ni Richard, babalik sana ako para tanungin siya kung bakit dito niya ako ibinaba, akala ko ba bahay ang pupuntahan namin, bakit building na naman tong nasa harapan ko.

Pumasok nalang ako at agad naman akong sinalubong ng magandang babae na hindi biniyayaan ng height. Abot tenga ang ngiti niya at alam ko malayo palang siya ay nasa 90% ang level ng energy niya.

"Good morning po Miss Kana, I am Lucille and I am here po para ipakita sa inyu ang inyung new home." masigla niyang saad na nagpangiti sa akin.

"Okay." ang tangi kong nasabi bago niya ako sinenyasang sumunod sa kanya.

Nasa elevator kami paakyat sa 56th floor at nagsasalita parin siya hindi ko na naintindihan ang iba basta nagsasalita siya. Nang tumunog ang elevator hudyat na bababa na kami ay bumungad naman sa akin ang nakangiting si Brandon.

"Sa wakas andito ka na." mabilis niya akong sinalubong ng yakap. "Akala ko pinatapon ka na ni Lucas sa north pole, o di kaya pinakain sa piranha." saad niya na akala kami lang dalawa ang nasa palapag na yun.

"Ahemm!" saka palang napatingin si Brandon sa likod ko.

"Oh may kasama ka palang dwende." mahina niyang saad na nagpalaki sa mata ko, sinabi talaga niya yun sa harap ni Lucille?

"Nagsalita ang taong bumangga sa harina ang mukha." mas lalong nanglaki ang mga mata ko.

"Hoy maliit na babae!"

"Hoy din lalaking mukhang multo!"

"Teka nga lang! Ano bang nangyayari sa inyu?" inawat ko na sila bago pa nila kainin ang isat-isa.

"Eh kasi yang dwendeng yan ayaw ako papasukin dito kanina dahil exclusive for you lang daw ang floor na ito." paliwanag ni Brandon.

"Malay ko bang kasama ka niya dahil kay Miss Kana lang naman talaga ang nasa instructions na binigay sa akin." parang mga bata.

"Okay naman na diba? Nakapasok ka na Brandon diba? Alam mong nagkamali ka Lucille diba?" sabay pa silang tumango. "Oh di tumigil na kayo, para kayong mga batang nag-aagawan ng candy."

Inirapan lang nila ang isat-isa bago naunang pumasok si Lucille sa malaki at magarang pintuan.

"Welcome to your new home Miss Kana." saad niya bago bumungad sa akin ang napakagandang sala.

Ang maputi at makintab na sahig na pwedeng gawing salamin sa kintab. Ang mga upuan na kulay itim na ang gagara tingnan, mahihiya kang umupo doon promise. Ang ilaw sa taas na parang mga diamanteng kumikislap kislap, ang dingding na sobrang puti na may nakasabit na malalaking picture ko na parang hindi ako. Ang napakalaking TV na parang nakasabit lang sa ding ding at sobrang nipis, ang mahal siguro nun.

"Dito ba talaga ako titira?" hindi ako makapaniwala sa nakikita ko.

"Yes." sabay na sagot nilang dalawa.

Sunod akong dinala ni Lucille at Brandon sa kusina, puti at itim parin ang tema at sasabihin ko sa inyu mahihiya ka talagang gamitin ang lahat ng gamit na nasa kusina dahil ang kikintab, ang gagara at bago lahat. May malaking ref pa na puno ng pagkain at mag lulutuin, mga kabinet na puno din ng mga grocery. Walang kalan dito peru merong high tech na parang touch screen na pipindutin mo lang at ipapatong ang kaldero pwede ka nang magluto.

Sunod naming pinuntahan ay ang kwarto ko. Kung maganda ang sala at kusina mas maganda at malaki ang kwarto ko. Yung kama sobrang lambot at mas malaki pa ata kaysa sa bahay ko, kasya nga siguro mga sampung tao sa bago kong kama. Pag hinawi mo naman ang kurtina ay sobrang ganda ng view sa labas, makikita mo halos buong maynila, hindi buong maynila peru ganun narin yun.

Ang walk-in closet ko naman kung tawagin ni Lucille ang pinuntahan namin na konektado lang sa kwarto ko, malaki parin siya sa bahay ko aa skwaters area, bawat gilid ng silid ay cabinet na salamin ang pinto at lahat yun puno ng damit, at sapatos. Sa gitna ng silid ay parang may lamesa na may drawer mula taas hanggang baba na puno naman ng mga hikaw, kwentas, singsing, relo at kung ano-anu pa. Para siyang buong tindahan ng mga damit at alahas na inilipat lang dito.

Ang banyo, yun ang huli naming pinuntahan na nasa tabi lang ng walk-in closet. Gaya ng inaasahan ko ay malaki parin siya sa bahay ko sa skwaters, meron siyang lababo, salamin maliit na kabinet sa tabi na puno ng sabon, shampoo, conditioner, toothpaste, mouthwash at kung ano-anu pa. Meron din malaking bath tub, shower at ang bowl, mas mahal pa siguro yun kaysa sa halaga ng buong bahay ko.

"So how was it? Nagustuhan mo ba?" tanong sa akin ni Lucille nang makabalik na kaming tatlo sa sala.

"Hindi naman sa hindi siya maganda peru parang hindi ako bagay dito." si Brandon ay umirap lang dahil kilala na niya ako, peru si Lucille ay nanlaki ang mga mata.

"Gusto mo ng mas malaking room?" tanong ni Lucille.

"Hindi, ang ibig kong sabihin sobrang laki ng lahat, sobrang ganda ng lahat at parang nanliliit naman ako, hindi ako bagay dito." bumuntong hininga si Brandon saka sinenyasan si Lucille na sumunod sa kanya sa labas.

"Pinalayas ko na ang dwende para makapag-usap tayo. Alam ko this is too much for you Kana peru lahat ng ito ay deserve mo naman, matagal kang naghirap, matagal tayong naghirap at ngayung nandito na tayo hindi dapat tayo tumanggi sa mga ganitong pagkakataon, minsan lang merong ganito Kana." tama si Brandon, ikanga nila isang beses lang kakatok ang opurtunidad.

Huminga ako ng malalim at pilit na inaabsorba ang mga nangyayari.

"Sige, kakayanin kong mag adjust para sa ating dalawa, para sa kaginhawaan Brandon."

"That's my girl." niyakap pa niya ako ng mahigpit. "Oh akala ko ba ipinambayad mo ang kwentas,  ba't nasayo na?"

" Yun nga, hindi ko alam kung papaano peru si Lucas na ang may hawak niyan kanina at sobrang galit na galit siya sa akin, na ipinambayad ko daw ang kwentas na to na pagmamay-ari ng lola ng lola niya." paliwanag ko sa kanya.

"Baliw ka naman kasi talaga eh, so ano? Mag-iimpake na ba tayo? Babalik na ba tayo sa skwaters?" pagdadrama niya.

"Hindi! Ang OA nito. Peru may mali sa kanya eh, basta."

"Lahat naman ng gawin niya mali para sayo." tiningnan ko siya ng masama.

"Sa kanya ka na kampi ngayun ganun?"

"Hindi ang sabi ko halika at tingnan natin ang kwarto ko."

Na excite ako sa sinabi niya at para kaming mga batang naghagikhikan at naghabulan papunta sa kwarto niya na di kalayuan sa kwarto ko.

Ito na ang buhay na matagal na naming pangarap, ito na yun.

The Billionaire's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon