Brandons POV
She's been missing for a week now, we don't know where to find her, we don't know where to go. Her parents are doing everything to find her, they have been talking to a lot of people just to find her. It hurts seeing them sad, sleepless and worried twenty-four hours a day, they experienced this situation before and I know it's more difficult now. Kana isn't that expressive to how happy she is that finally they are together, she isn't showing them much of what she really feels, but she never forgets to tell them that they will never be apart again.
"Tita, Tito.... Ahm lunch is ready." tawag ko sa parents ni Kana na nasa sala, parehong nasa tabi ng telepono at nag-aabang ng tawag mula sa mga tauhan nila na naghahanap sa kanya.
"We will eat later." sagot ng malungkot at puno ng pag-aalala Mommy ni Kana.
"Yeah, we will eat later Brandon. We will wait for Kana to call us." saad naman ng Daddy ni Kana.
"But you guys haven't eaten anything since this morning." saad ko.
"Just leave us alone Brandon." mahinang saad ng Mommy ni Kana.
Laylay ang balikat akong tumalikod at tumungo sa dining area. Sobrang tahimik ng mansion, wala ang kasama kong mag ingay sa bawat sulok ng bahay kapag wala kaming trabaho, naniniwala kasi siya pati narin ako na kapag sobrang tahimik ng bahay ay may posibiladad na tirhan ito ng mga maligno, multo at iba pa. Wala yung baliw na babae na reklamo ng reklamo kung bakit sobrang layo ng kwarto niya at kung bakit sobrang laki ng bahay nila.
Hindi ako kompleto kapag wala siya, parang package kasi kaming dalawa at kulang talaga kapag wala ang isa. Ilang gabi na rin akong hindi nakakatulog dahil sa kakaisip sa kanya kung kumakain ba siya, nakakatulog ng maayos at nakakaligo. Pinipilit ko nalang palakasin ang loob ko dahil kapag pati ako nagpakalunod sa lungkot dahil sa pagkawala ko niya ay hindi ko alam kung ano nalang ang mangyayari sa mga tao dito sa pamamahay na to.
Sinubukan kong tumulong na hanapin siya peru sinabihan lang ako ng private investigator na manatili nalang ako dito kasama ang parents ni Kana dahil baka ako naman ang sunod na mawala. Si Lucas ay ganun din ang unang ginawa, tumulong siyang hanapin si Kana peru wala din siyang nakita, na frustrate lang siya at naging mainitin ang ulo gaya ng dati. Araw araw siyang nandito sa mansion nila Kana, kausap ang parents ni Kana o di kaya kausap ang mga imbestigador. Minsan ay kasama niya si Ysa na nakakairita sa tenga, minsan naman ay ang parents niya.
Alam kong nagtatago lang si Lucas sa matapang niyang mascara peru hindi niya alam na ramdam ko at kita ko sa mga mata niya ang takot at pag-aalala para kay Kana. Minsan ay sa kwarto ni Kana siya namamalagi at parang aso na inaamoy amoy ang mga gamit ni Kana. Hindi ko siya nakitang umiyak, peru his eyes are sad and full of worries, hindi man niya ipakita ang pag-aalala gamit ang actions niya peru kitang kita naman sa mga mata niya.
Habang tinitingnan ko ang mga picture namin ni Kana sa social media ay nagulat ako nang biglang mag vibrate ang cellphone ko, may follower na nag DM at agad ko iyong tiningnan. Hindi ko siya kilala peru nakafollow siya sa akin, nag request siya na iaccept ko ang message niya na may picture.
"Jesus Christ!" nanlaki ang mga mata ko, nanigas ang buo kong katawan at nanginig ang kamay at mga tuhod ko dahil sa picture na ipinadala ng hindi ko kilalang follower.
Hi Brandon, alam ko hindi maganda ang pinagdadaanan niyo peru may nakita kaming babae sa lugar namin na humihingi ng tulong. Hindi namin siya nakilala nung una dahil bugbog sarado ang mukha niya peru malakas ang loob ko na si Kana to. Pakitingnan nalang ang picture.
"Oh my god Kana!" sunod sunod na tumulo ang mga luha ko sa picture na nakita ko.
Nakahiga sa stretcher si Kana, punit punit ang damit, putok ang labi, my sugat ang kilay, kulay ube na ang magkabilang pisngi at namamaga ang buong mukha. Wala talagang makakakilala sa kanya sa lagay niya ngayun t kung sino man ang gumawa nito ay magbabayad.
"Kana....." napahagulhol ako ng iyak habang awang awa sa kalagayan ni Kana, hindi niya deserve na maranasan ang ganitong karahasan, she's to kind to experience this violence.
Dahil siguro sa paghagulhol ko ay hindi ko namalayan na nasa harap ko na pala ang parents ni Kana at parehong curious sa kung bakit ako umiiyak.
"What happened?" bakas ang kaba sa boses na tanong ng mommy ni Kana.
"Someone... Ahm someone found Kana." umiiyak ko paring saad.
Ipinakita ko sa kanila ang picture at napaupo sa sahig ang mommy ni Kana dahil sa nakitang sinapit ni Kana.
"Why my princess! She's been through a lot, she grew up alone and now this? Why! Why my daughter..." napahagulhol ang Daddy ni Kana.
Nagyakap silang dalawa habang umiiyak, ako naman ay tinakpan ko ng aking mga palad ang aking bibig dahil ayokong humagulhol ng malakas at sobrang sakit makita ang mga magulang ni Kana na nasasaktan at sobrang sakit makita ang nangyari kay Kana.
"We need to go see her." mahina kong saad.
"I can't look at my daughter like that, I can't accept what happened to her." saad ng Mommy ni Kana.
"Be strong Sofia, we'll get through this together. We need to see her, we need to see our princess." Saad ng Daddy ni Kana habang niyayakap ng mahigpit ang asawa niya.
"I'm going to call Elliot and Lucas. They need to be here." agad kong dinial ang number ni Elliot at sinabihan siya na umuwi agad dahil nakita na si Kana. Sunod ko namang tinawagan si Lucas na agad din naman akong pinatayan ng telepono nang marinig na nakita na si Kana.
"Ellisio, our daughter doesn't deserve such heartless violence. She doesn't deserve to be hurt like that." saad ng Mommy ni Kana.
"I will kill whoever did that to our Princess Sofia. I won't spare his or her life for what they did to our little girl." saad naman ng Daddy ni Kana.
Masakit makita ang kalagayan ni Kana, masakit makita na puno siya ng sugat at mga pasa. Kung pwedeng ako nalang ang sinaktan ng kung sino mang kumuha sa kanya, ako nalang sana.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Girl
RandomWalang pinag-aralan, nakatira sa skwaters, madumi, mabaho peru matapang. Yan si Ellise Cruz, dalawamput tatlong taong gulang, nasubok na ng panahon ang katatagan kaya nagkukubli sa pagiging matapang. Sa skwaters na kanyang tinitirahan, tinitingala s...