Lucas's POV
"Sir, you need to see this." biglang pasok ni Anna sa opisina ko at agad binuksan ang tv.
Ang unang nakita ko ay si Kana, she's freaking stopping the demolition team alone while the other people are busy saving their things. Nakikipag tulakan siya mag-isa sa mga malalaking tao na myembro ng demolition team na may mga dala pang martilyo at mga gamit pang giba ng bahay.
"What the hell is she doing!" I can't stop myself from getting mad at her because of her selfless actions.
"Ahm she's trying to stop the demolition team sir?" saad ni Anna.
Alam ko naman na yun nga ang sinusubukan niyang gawin, what I mean is alam niyang naglalakihang tao ang nasa harap niya ay sumugod parin siya. Pwede namang yung mga lalake na kapitbahay niya ang pasugurin niya dun at manood nalang siya, peru knowing Kana and her fearless, selfless and bold self susugod at susugod siya kahit alam niyang bakal na pader ang kahaharapin niya.
"Get out of there, damn it!" nasuntok ko ang mesa nang makitang natumba si Kana dahil sa pagtulak ng lalaking myembro ng demolition team.
Bumangon lang siya at sumugod ulit, ilang beses pa siya muling nadapa at tumilapon at halos mabutas narin ang mesa kakasuntok ko peru sumusugod parin siya. This time she's not alone, nakita na ng mga kasamahan niya ang paghihirap niya kaya tumulong na ang mga ito. Parang lumuwag ang paghinga ko knowing na Kana is not fighting alone na, may tumutulong na sa kanya.
"Bastard! I'm gonna kill that bastard!" dali dali akong naglakad palabas ng opisina nang makita na may gagong sumuntok kay Kana.
That girl made me look stupid the last time we saw each other, that girl made me look bad with what she did, but damn I still love her so much that I can't just keep watching that stupid television and see her suffering.
"Are you sure you're going there sir?" nasa likod ko na pala si Anna na lakad takbo ang ginagawa makahabol lang sa akin.
"Hell yeah Anna." sigurado kong saad.
"Peru ikaw ang nagpa demolish ng skwater diba? Why help them?" napahinto ako sa paglalakad at hinarap si Anna na naguguluhan ang mukha.
"The court gave them three months to leave and I am not that evil to go against what the law said Anna." mas lalong naguluhan si Anna at pati narin ako.
"Kung hindi ikaw ang nag-utos, sino?" tanong niya.
"I don't know, peru I need to go there Anna. Kana needs me there, sinasaktan siya ng mga walang hiyang lalakeng yun!" dumagundong ang boses ko sa buong floor.
Nang bumukas ang pinto ng elevator ay agad akong pumasok doon, sumunod naman si Anna. Kung pwede lang paliparin ang sasakyan ay ginawa ko na sana kanina pa makarating lang agad kay Kana. Dinagdagan pa ng traffic na sobrang bagal ng daloy, I should've used the chopper kung alam ko lang na ganito.
Pagkatapos ng ilang minuto ay narating namin ang skwaters. Marami paring tao, peru hindi na sila nagtutulakan. Nakipagsiksikan ako sa mga tao na nagkukumpulan at may tinitingnan na hindi ko alam kung ano, ang tanging iniisip ko lang is mahanap si Kana at madala siya sa safe na lugar.
Peru nanghina ako at halos matumba nang makita ang nakahandusay na si Kana. Walang tumutulong sa kanya at pinagtitinginan lang siya ng mga tao, habang si Bubwit na nasa tabi niya ay panay ang iyak at pilit ginigising si Kana.
"Anong nangyari?" pilit kong pinapalakas ang sarili ko at agad ko siyang nilapitan, ipinatong ko ang ulo niya sa aking hita.
"May dugo po siya sa beywang Mang Lucas, tapos bigla po siyang natulog at ayaw na niya magising." umiiyak na saad ni Bubwit.
"Kana, wake up. Hey, wake up Lovee! You need to stay with me, you need to wake up Kana. Tumawag kayo ng tulong!" sigaw ko sa mga taong walang ginagawa kundi tingnan lang kami.
Nagkagulo naman sila sa pagtawag ng tulong, pinangko ko si Kana at lakad takbo kong tinungo ang sasakyan ko kung saad naghihintay si Anna. Nakasunod naman sa akin si Bubwit na umiiyak parin at nakahawak sa damit ko.
"Oh my god, what happened to her?" halos mawalan ng kulay si Anna nang makita ang kalagayan ni Kana at ang dugo sa dress shirt ko. Hindi ko na siya sinagot, sa halip agad kong pinabuksan sa kanya ang pinto ng sasakyan at maingat na pinahiga si Kana sa backseat.
"I want you to watch her Anna, hawakan mo ang ulo niya and check her pulse." pinasakay ko naman sa passenger seat si Bubwit at sinigurong naka seatbelt siya bago kami umalis.
"Tabi! This is an emergency!" nagsisigaw na ako sa daan para lang makarating kaagad kami sa pinakamalapit na hospital.
"Kumusta siya?" halos bawat minuto kong tanong kay Anna mula sa likod ng sasakyan.
"She's still breathing sir, peru yung dugo basang basa na ang shirt niya." natatarantang sagot ni Anna.
"Anna, stay calm okay?" tumango naman siya at huminga ng malalim. Agad kong hinubad ang suot kong dress shirt at iniabot sa kanya habang nasa daan ang atensyon ko.
"Itakip mo yan sa sugat, i press mo kunti peru wag lakasan." instruction ko sa kanya na agad naman niyang sinunod.
Nang marating namin ang hospital ay agad kaming sinalubong ng mga nurse at doctor. Agad siyang dinala sa emergency room habang kami ni Bubwit at Anna ay nasa waiting area. Nasuntok ko ang pader dahil sa kaba at takot, hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may masamang mangyari kay Kana dahil sa kabobohan ko.
This happened because of me, this happened because of my selfishness and greed to be on top, to be always number one. I choose to ruin her home, i choose my ambitious project over her and her beloved home at kung agad sana akong umalis at pinuntahan siya ay baka naiwasan pang mangyari to, baka naiwasan pang mangyari to.
"Stupid Lucas!" sinuntok ko ng sinuntok ang pader hanggang sa dumugo ang kamay ko.
"Hindi siya maliligtas dahil diyan sa ginagawa mo." saad ni Anna na nagpatigil sa akin. Tumabi ako ng upo kay Bubwit na panay parin ang iyak at pag-aalala kay Kana nang may malalakas na yabag na parating.
"Where is Kana?" tanong ni Elliot.
"She's insi-" isang malakas na suntok ang biglang dumapo sa aking panga at halos matumba pa ako sa sobrang lakas.
"This is all your fault Lucas! You know that's the only place she loves, thats her home Lucas! But you choose to ruin it, you're evil and you don't deserve someone as good as Kana, you don't deserve anybody!" sigaw niya sa harap ko.
Hindi ako pumalag, hindi ako sumagot. Dahan dahan kong pinapapasok sa utak ko ang mga salitang binitawan niya na totoo naman. I don't deserve Kana, an evil like me deserves to be alone forever.
"Just leave Lucas, you're not needed her anymore." galit niyang saad habang hinahawakan parin siya ng dalawang kasama niya.
I left, i did what he told me to do because he's right. I am not needed here anymore, my part of putting Kanas life in danger is done, my part of hurting Kana is done, my part of breaking her heart is done.
I'm done.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Girl
RandomWalang pinag-aralan, nakatira sa skwaters, madumi, mabaho peru matapang. Yan si Ellise Cruz, dalawamput tatlong taong gulang, nasubok na ng panahon ang katatagan kaya nagkukubli sa pagiging matapang. Sa skwaters na kanyang tinitirahan, tinitingala s...