CHAPTER FIFTY-THREE - YSA'S CRUSH

6.1K 143 4
                                    

Kana's POV

"OMG Kana! Nakikita mo ba ang nakikita ko?" Sabay kaming tumigil dalawa ni Ysa sa gitna ng lobby ng SPI ( St-Pierre Industries) dahil sa kung ano mang nakita niya.

"Ahm sa tingin ko masyado na tayong matanda para gayahin si B1 at B2 Ysa." natatawa kong sabi.

"What I mean is, nakikita mo ba yan." sabay turo kay Lucas at Elliot na nasa harap ng elevator at nag-uusap.

"Well hindi pa naman ganun ka labo ang mata ko so yes, nakikita ko nga. Ano naman meron diyan?" ang weird na talaga ni Ysa lately, nakakatakot na siya minsan at kung ano-anu nalang ang pumapasok sa utak.

"Lucas is talking to Elliot!" hindi ko maipaliwanag kung nagugulat, natatakot o excited ang reaction niya.

"Eh ano naman ngayun?" Nakakagulat na ba ang mag-usap ang dalawang tao ngayun?

Pusang naka duster! Paano kung tama ang iniisip ko noon na bakla ang Elliot na yan at kaya siya palaging nandito dahil pinopormahan niya ang Lucas ko? Hindi maaari, gaya ng sabi ko noon ay dadaan muna siya sa butas ng pinakamaliit na karayom sa mundo.

"OMG! Hindi mo kilala yang kausap ng boyfriend mo na kapatid ko?" seryoso, okay lang ba talaga tong si Ysa?

"I know him, nagkita na kami ilang beses at kilalang kilala na niya ang sapatos ko, este kung sino ako." Hindi ko talaga mapigilang mapangiti sa tuwing naiisip ko yung paghalik ng sapatos ko sa mukha niya.

"OMG! So you mean nakapag-usap na kayo ni Elliot?" namimilog ang mata niyang saad.

"Hindi lang kami nag-usap, nabato ko na rin siya ng cellphone at sapatos. Ganun na kami ka close, peru teka nga kanina ka pa nawiwindang sa presensya ng taong yan, ano ba meron sa kanya?" parang na dislocate ang balikat ko nang bigla nalang niya akong hinila papunta sa lounge area at sapilitang pinaupo sa tabi niya.

"You don't know him?" kung makatingin si Ysa sa akin parang malaking kasalanan ang hindi makilala ang Elliot na yan.

"Kung taga skwater yan naku, kilalang kilala ko. Peru hindi eh kaya natural na hindi ko siya kilala." huminga muna siya ng pagkalalim lalim bago niya ako hinarap muli at tiningnan diretso sa mata.

"That Elliot Herrera is the heir of Herrera International Kana. The multi billion company from Spain, they build airports, malls, subways, stadiums at iba pang uri ng building. They are known all over the world Kana, all over the world." Wala akong masabi sa impormasyong meron si Ysa tungkol sa Elliot na yan, parang kapitbahay lang niya at kilalang kilala niya.

"Ano naman ngayun?" kinorot niya ako sa tagiliran dahil sa sinabi ko. Wala namang mali sa sinabi ko ah.

"Seeing him here means may business venture something sila ni Lucas at sure na magtatagal sita dito." nawindang ako nang pagtingin ko sa mata ni Ysa ay may heart na ang mga ito.

"Pusang naka duster tinamaan ka ata ng pana ni kupido Ysa at malala ka na, wala nang gamot yan." saad ko.

"Lagi ko na siyang makikita at may chance pa na magkakilala kaming dalawa. Damn I've been crushing on him for years na." ramdam na ramdam ko ang kilig niya, as in.

"Kaya pala kung maka react ka kanina wagas, bet mo pala yung lalaking yun. Buti nalang hindi nasira ng sapatos ko ang mukha niya." Hinampas niya ako ng sobrang lakas sa balikat.

"Don't you dare hurt my Elliot again Kana, ako makakalaban mo." may pa talim talim pa siya ng matang nalalaman.

"Sakit nun ah, isusumbong kita kay Lucas." kumaripas ako ng takbo papunta sa kinaroroonan ni Lucas kanina.

The Billionaire's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon