"Good morning Kana." Nakangiting bungad sa akin ni Brandon pagbukas ko ng pinto ng bahay ko.
"Hindi parin Brandon."
"May dala akong breakfast oh." Napahinto ako dahil naubusan ako ng kape at kumakalam ang sikmura ko, pag lingun ko sa kanya may bitbit siyang plato na nagpatulo halos ng laway ko.
"Sinangag, chorizo, scrambled egg, at bacon." Inagaw ko sa kanya ang plato at bumalik sa loob ng bahay saka nilantakan ang napakasarap na pagkain. "Dahan dahan naman Kana girl, dihins naman competition to. Baka mabilaukan ka mapagkamalan pa akong pumatay sa beauty mo." Hindi ko siya pinakinggan at ipinagpatuloy ang pagkain.
"Bhuku numun mhuy khupulit tu hu!" (Baka naman may kapalit to hu!) saad to habang puno ng pagkain ang bibig.
"Don't talk when your mouth is full Kana girl, and to answer your beautiful question. Wala! gusto lang kita talagang pakainin dahil medyo may pumasok na swerte kahapon kaya, it's better to give than to recieve." Sus! alam ko naman na kung iisipin mabuti parang suhol na din to sa request niya sa akin.
"Wag ka ngang magsinungaling." Saad ko bago ininom ang isang basong tubig na dala din niya.
"Hindi naman talaga ako nagsisinungaling, hindi naman ako ganun ka desperada para magsinungaling. Peru pag-isipan mo lang, isang beses lang talaga Kana, isang beses lang at maaaring mabago ang buhay nating dalawa." Nakatingala niyang saad na parang nangangarap ng magandang kinabukasan.
"Ano ba gagawin ko diyan sa raket na yan?" Lumiwanag na parang bombilya ang mukha niya, na parang nakabitan ng kuryente ng meralco.
"Lalagyan kita ng make-up, dadamitan tapos aawra ka lang. Kukuhanan kita ng picture tapos ipapasa natin sa sasalihan kong competition." Masigla niyang saad.
"Saan naman?"
"Ang iniisip ko, irerepresent natin ang pinagmulan natin, ang tinitirhan natin, ang kahirapan natin. Gusto kong ipakita na sa likod ng pangit at mabahong skwaters area ay may mga taong magaganda ang mukha at magaganda ang ugali. Na kahit mahirap tayo ay pinipili nating maging mabuting tao kaysa maging masama at manlamang ng kapwa." Nangunot ang noo ko sa sinabi niya, hindi dahil sa masama ang sinabi niya kundi sobrang galing ng sinabi niya.
"Hindi naman ata yan ang sagot sa tanong ko, ibig kong sabihin ay saan naman ako kukunan ng picture?" Napakamot ito sa ulo.
"Yun nga kasi, dahil ang skwaters ang irerepresent natin eh dito din tayo aawra sa lugar natin, dahil alam ko namang hindi ka comportable sa labas."
Hindi din naman pala ganun kasama at kahirap ang gagawin, para din naman sa kinabukasan ni Brandon ang gagawin ko at para narin malaman ng mga tao na hindi dapat pandirihan ang mga taga skwaters katulad namin, dahil tao din kami nakikipagbuno para mabuhay. Tao din kami na hindi lang pinalad sa buhay peru patuloy na nagsusumikap makatawid lang sa pang araw-araw.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin agad yan? Edi sana noon pa pumayag na ako." Hindi ko mapaliwanag ang mukha niya dahil sa sinabi ko. Parang gusto niyang sumigaw na gusto niyang tumili, na parang papunta na siya sa stroke.
"Payag ka na?" Hinawakan pa niya ang magkabila kong balikat.
"Oo na, payag na ako." Saka pa siya tumili ng pagkalakas lakas at nagtatatalon. "Wag ka ngang tumalon, baka magiba tong bahay ko."
"Salamat talaga Kana, salamat talaga." Niyakap niya ako ng pagka higpit-higpit na parang hindi na ako makahinga.
"Papatayin mo ba ako Brandon? Sige na alis na, salamat sa agahan. Papasok pa ako sa talyer, may naiwan akong trabaho dun." Pasayaw sayaw pa siyang nilisan ang bahay ko bitbit ang plato at basong dala niya kanina.
Hindi naman siguro ako ipapahiya ni Brandon dahil pag talagang pinahiya niya ako, hindi ako magdadalawang isip na kalbuhin siya o putulin ang ugat niya sa ibaba.
Hindi paman ako nakakalapit sa talyer ay sinalubong na ako ni Bubwit.
"Ate Kana, sarado po ang talyer ngayun." Talagang hinarangan niya ang daanan ko.
"Alam mo ba kung bakit Bubwit?" Nakakapagtaka naman ata, ni minsan hindi pa nagsara si Mang Onyok ng Talyer, kahit nga holiday ng kung anong holiday bukas kami, at kahit nga undas, pasko at bagong taon bukas kami.
"Hindi ko din po alam, sabi po sa pinto ng talyer sarado eh."
"Nakakabasa kana?" Ngumisi lang siya saka nagkamot ng ulo.
"Hindi po, pinabasa ko po kay aling Judie. Nagkataon kasi na dumaan siya naglalako ng puto."
Ginulo ko ang buhok niya, tumawa lang siya. Isa si Bubwit sa batang nakatira dito sa skwaters, isa sa mga batang dapat sana ay nasa skwela at nag-aaral. Peru hindi, nandito siya natutoto kung paano magbanat ng boto, nandito siya maagang nararanasan ang pait ng buhay. Peru kahit ganun bibong bata si Bubwit at kaya bubwit ang tawag sa kanya dahil sa liit niya. Limang taong gulang palang siya at medyo kulang ng sustansya ang katawan kaya hindi lumaki. Katulad ko kilala si bubwit sa buong skwaters dahil siya lagi ang tumatawag sa akin pag may gulo, tinatawag na nga siyang side kick ko daw. Kahit sa talyer ay nasa tabi ko siya minsan, taga abot ng mga tools na gagamitin ko o kaya kausap ko lang pag walang customer. Wala na siyang magulang, nakatira siya sa kapatid ng nanay niya kaya medyo hindi din siya napagtutounan ng pansin dahil marami din itong anak.
"Mukha magugutom ata ako ngayung araw bubwit dahil walang trabaho." Parang sumaya naman ata siya sa sinabi ko.
"Sama ka nalang po sa akin ate Kana." Tinaasan ko lang siya ng kilay. "Lagi ka nalang po kasing nandito, hindi ka po lumalabas ng skwaters." Mas lalo ko siyang tinaasan ng kilay.
"Bakit ikaw ba nakalabas na? Sa liit mong yan? Naku! Siguro naapakan kana ng mga tao o di kaya nasagasaan." Humagikhik lang ito at basta basta nalang akong hinila.
"Tara na po kasi, maganda po dun maraming magagandang building at sasakyan." Mukhang ikakasaya naman niya kaya nagpahila nalang din ako.
Kung ano-anu ang pinagsasabi niya habang naglalakad kami palabas ng skwaters, na kung paano daw siya inaya ng ibang bata na lumabas na ang saya niya daw pag nakakakita ng magagarang sasakyan na bibili daw siya ng ganun paglaki niya.
Hindi ko namalayan nakalabas na pala talaga kami ng skwaters at parang lumiit ang tingin ko sa sarili ko. May mga tao naglalakad, magagara ang suot, malilinis ang mga mukha at sobrang nakaayos ang mga buhok.
"Nasaan ba tayo Bubwit?" Halos pabulong kong saad sa bata, baka kasi marinig ako ng mga tao at tingnan nila ako.
"Tinatawag po ito nila Boknoy na business city at kita niyo po ang nakahilirang building diyan na dinaanan natin kanina?" sinunod ko ang tinuturo niya, at may mga building nga na nakahilira.
"Ano ba meron diyan?" Oo nga, ano ba meron diyan sa nakahilirang building?
"Sa likod po niyan mga isang daang lakad, doon po tayo nakatira." Isang daang lakad na hinding hindi lalakarin ng mga tao dito dahil nakakadiri ang skwaters.
"Bakit mo ba alam ang lahat ng yan?" Oo nga, ang bata pa niya tapos alam na niya ang pasikot-sikot nga syudad?
"Tinuruan po ako ni Boknoy para daw po pag nagkataon na napahiwalay ako sa kanila ay alam ko kung paano umuwi." Tumango lang ako, matalino din ang Boknoy na yun.
Patuloy kaming naglakad hanggang sa medyo nalayo na kami sa mga magagandang taong naglalakad. Nang may napansin kaming babaeng pinagsisipa ang gulong ng sasakyan niya.
"Tulungan natin ate Kana, nasiraan ata ng sasakyan." hinila na naman ako ni Bubwit.
Habang papalapit kami ay mas lalo kong nakikita ang mukha ng babae, ang ganda niya kahit nakabusangot. Namumula ang magkabila niyang pisngi at puno na ng pawis ang noo niya. Nakasoot siya ng sleeveless na pang itaas at skinny jeans sa pagibaba. Nakatakong siya kaya ang tangkad niya tingnan peru kahit naka takong siya parang magkasing tangkad parin kami.
Napansin niya kami ni Bubwit at ganun nalang ang paglaki ng mata niya.
"Please, wala akong pera. Wala kayong makukuha sakin." Sigaw niya saka mabilis pa sa alas kwatrong pumasok sa sasakyan.
Nagtinginan kami ni Bubwit na parehong naguluhan sa sinabi niya.
*********************
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Girl
RandomWalang pinag-aralan, nakatira sa skwaters, madumi, mabaho peru matapang. Yan si Ellise Cruz, dalawamput tatlong taong gulang, nasubok na ng panahon ang katatagan kaya nagkukubli sa pagiging matapang. Sa skwaters na kanyang tinitirahan, tinitingala s...
