CHAPTER THIRTY-NINE - LUCAS THE SUPPORTIVE BOYFRIEND

6.3K 175 7
                                    

Lucas's POV

Nasa studio na kami ni Brandon peru wala pa si Kana, kanina lang ay nakasunod lang siya sa amin peru bigla nalang siyang nawala. Ano na naman kaya ang pumasok sa isip nun.

"Where's Kana?" tanong ko kay Brandon na kausap ang photographer.

"Baka nag banyo muna, yan kasi ginagawa niya lagi bago mag shoot. Iniihi niya ang lahat ng kabang nararamdaman niya." alam kong hindi ito ang tamang panahon para mag biro peru, alam ko din na hindi ito ang tamang oras para mag over react.

Saktong paglingon ko ay pumasok si Kana, malayo palang siya kita ko na sa taas ng iniangat ng kilay niya na may ginawa siyang nagustuhan niya. Naging confirmation pa ng hinala ko ang pagpasok ng nakasimangot na modelong makakasama niya at hindi ko kilala kung sino.

"What took you so long?" tanong ko sa kanya paglapit niya sa kinaruruunan namin ni Brandon.

"Ahm.. May inasikaso lang akong importanteng bagay." she's smirking like a villain who just did something evil to someone.

"If you say so." tanging sagot ko sa kanya.

Nang magsimula na ang shoot ay nasa likod lang ako ng photographer at nakatingin sa kanya. Kung hindi mo siya lubusang kilala ay maaakit ka sa kagandahan niya, ang kanyang mga mata, ang kanyang mga labi at ang buong siya. Peru kapag kilala mo siya ay makikita mo ang totoong siya, na sa likod ng maamong mukha ay ang matapang na parang lion na babae, makikita mo ang pagka palaban niya.

Meron siyang ugali na nakakapikon, peru may lambot naman sa kanyang pagkatao na makakapagpa-amo sa pinakamabangis na hayop na makakaharap niya. Marami na akong taong nakaharap, nakilala peru si Kana para siyang Alien na naligaw dito sa Earth.

Kanina ay nasa ulo ko na ang lahat ng dugo ko at gusto ko nang sumabog peru isang hawak lang niya sa kamay ko, nawala lahat ng galit na nararamdaman ko. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Naguguluhan ako peru ang takot ay unti unting nangingibabaw sa akin, natatakot akong siya ang maging kahinaan ko, natatakot akong magkaroon ng kahinaan dahil sa mundong ginagalawan ko. Ayokong gamitin siya ng mga kakompitensya ko para pasunurin ako, ayokong mapahamak siya dahil sa akin.

Habang patuloy ko siyang pinagmamasdan ay biglang may umagaw ng atensyon ko. Ang katabi niyang modelo ay halatang sinasapawan siya at hinarangan siya. Gusto ko mang makialam na ay hindi ko ginawa dahil alam kong hindi papatalo si Kana.

Nakatayo silang apat sa harap ng photographer, katabi niya sa gitna ang modelong kasunod niyang pumasok kanina. Yung dalawang nasa gilid ay okay naman, they are doing their job well peru yung katabi ni Kana ay medyo gusto siyang agawan ng spotlight. They are all wearing the same jeans, and crop top kaya they need to do their best not to be outshined by their co-model and Kana is just being natural in front of the camera. Being fierce and mysterious while this insecure girl is up to something.

"Brandon are you seeing what I'm seeing right now?" mahina kong saad kay Brandon.

"Yes Mr. St-Pierre, as much as i want to slap that girls face i wont. Kana can handle this." he confidently said.

Kita na sa mukha ni Kana na puno na siya at ubos na ang pasensya niya. She took one step forward and did her natural modeling skills. She posed like  its her solo shoot, she posed like she's alone feeling the moment and having the time of her life. Ang huli niyang ginawa ay hinila niya papalapit sa kanya ang dalawa pang modelong nasa gilid nila kanina at sabay silang tatlong nag enjoy sa harap ng Camera.

"And that's it ladies." sigaw ng photographer.

"That's my girl!" bulong ko sa sarili ko.

Napangiti ako nang irapan ni Kana si Insecure girl bago kami nilapitan. This girl is feisty as hell and so far i am liking it. Akala ko lalaki lang ang pinapatulan niya sa pikunan, pati pala babaeng insecure. Buti nga yun lang inabot niya kay Kana at hindi siya nakatikim ng malakas na suntok nito.

"Yang babaeng yan, kunti nalang talaga pipigain ko na yan hanggang maubos ang dugo niya." gigil na gigil niyang saad.

"You did great back there." puri ko sa kanya.

"Mas bibilib ka pa sana sakin kong nabalian ko yun ng buto eh, peru may chance pa ako mamaya." see? she's really something out of this world.

Tuloy parin ang patalbugan ng dalawa hanggang sa ikalawang part ng shoot peru kita naman si Kana ang nananalo dahil nga sa kahit baguhan si Kana ay lumalaban siya at alam niya kung kailan niya ilalabas ang galing niya.

Pagkatapos ng pangalawang part ng shoot ay balik dressing room kami at pansin ko panay ang tingin sa akin ng insecure girl at hindi ko alam kong bakit. Ito na siguro ang oras para tulungan ko si Kanang inisin ang babae. Nakaupo si Kana sa stool at nakaharap sa salamin habang naghihintay na matapos sa pag-aayus ng gamit nila si Brandon.

Nilapitan ko siya at mula sa likod ay ipinatong ko ang ulo ko sa balikat niya at niyakap ko sa kanya ang dalawa kong kamay, medyo nabigla siya sa ginawa ko peru ipinilig niya ang ulo niya sa ulo ko at inihawak sa kabila kong pisngi ang isa niyang kamay.

"You did great today." bulong ko sa kanya.

"Papayagan mo ba akong manuntok ng insecure na mukhang walis tingting na babae ngayun?" bigla niyang saad na halos makapagpabunghalit sa akin ng tawa.

"I won't stop you, peru ayokong masaktan ang kamay mo." mula sa salamin ay nakita kong numiti siya.

"Baka nga masaktan kamay ko, buto buto siya eh." nag make face pa siya.

"Wag kang mag-alala, tomorrow sa shoot niyo sa beach magdadala ako ng gloves para di masyado masaktan kamay mo." tumawa siya sa biro ko at di ko alam kung bakit peru ang gaan sa pakiramdam na nakikita siyang ngumingiti at tumatawa dahil sa akin.

"Di na kailangan, lulunurin ko nalang siya sa dagat o di kaya ililibing sa buhangin." this girl is really doing something to me, i don't know how but so far i am liking the feeling.

The Billionaire's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon