CHAPTER THREE - BRANDON AND BMW

9.4K 188 1
                                    

Kanina pa ako naglalakad bitbit ang mapa, sinusundan ko naman kung ano ang nakasaad doon at alam kong tama ako dahil hindi naman ako ganoon ka bobo. Marunong din naman akong magbasa, magbilang at sumunod ng mga instructions. Patuloy akong naglakad hanggang sa nakita ko na, nakita ko na ang kwebang nakasaad sa mapa, ang kweba kung saan nandoon ang mga kayamanan. Kayamanan na magbabago sa aking buhay, mag-aahon sa akin sa kahirapan, ang maglalabas sa akin sa skwaters area.

Tinakbo ko ang kweba, sobrang dilim sa loob. Peru okay lang dahil may dala naman akong flashlight, ha! ano akala niyo sakin hindi alam na madilim ang kweba? Hindi paman ako nakakalayo sa bukana ng kweba ay may naramdaman akong tumulong tubig sa balikat ko, tumingala ako peru wala naman. Hindi naman siguro umuulan dahil nasa loob nga ako ng kweba. Hindi ko nalang yun pinansin at patuloy akong naglakad peru hindi na ulan ang naramdaman ko, parang may bumuhos na ng isang baldeng tubig sa ulo ko, ang lamig sobrang lamig, malamig. Saka ako napabalikwas ng bangon. Basa ang ulo at damit ko.

"Hoy! Prinsesa Kana! Kanina pa ako dito gumising ka na." Panaginip lang pala ang lahat at ang beki kong kapitbahay ang bumuhos sa akin ng tubig.

"Wala ka talagang modo kahit kailan Brandon! Pwede namang sapakin mo ako para magising, binasa mo pa ako! Wala pa naman akong toyong damit dahil sa ula kahapon." Reklamo ko sa kanya habang pinupunasan ang sarili ko.

"Hello! Kulang na nga lang gibain ko tong bahay mo hindi ka parin nagigising, at hello! Brandie Kana! Brandie!" Saad niya habang nakapameywang sa harap ko, suot ang maikli niyang shorts at crop top na pang itaas, may plastic na pulang rosas siya sa tenga at kasing pula ng mansanas ang labi niya.

"Ano ba kasi ang ginagawa mo? Umagang umaga nangbubulabog ka!" Nagpalit na ako ng damit sa harap niya, bakla naman siya at mas babae pa siya kung kumilos sakin kaya wala akong pake.

"Ewww can you atleast wait till i go before you magpalit ng clothes?" Tinaasan ko siya ng kilay dahil alam naman nitong hindi ako ganun ka galing sa english. "Hindi ka man lang ba nahihiyang magpalit sa harap ko? Bakla nga ako yes, pareho tayo ng heart, peru hindi ka ba natatakot or something?" Sarap talaga batukan nito.

"Bat naman ako matatakot? Hindi mo naman siguro ako hahalayin? At Brandon wag mo nang subukan dahil mas malakas akong sumuntok kaysa sa tatay mo, isipin mong mabuti yun." Tumawa lang ang loko habang naghahanap ako ng sachet ng kape na dala ko kagabi.

"Tama ka nga, walang binatbat ang jumbag ni pudra sa jumbag mo." Nakatingin lang ito sa akin habang nagtitimpla ako ng kape.

"Ano ba ginagawa mo dito? Hindi ka ba hinahanap sa inyu?" Ang plastic ng pandisal na tira ko kahapon naman ang inabot ko, isinabit ko sa ibabaw ng bintana dahil pag nilagay ko lang sa mesa, tiyak mauunang mabusog sakin ang mga pusa.

"Andito ako dahil may raket sana akong gagawin na kinakailangan ng maganda mong mukha, katawan, mapuputi mong kutis, blond mong buhok at berde mong mata." Inirapan ko nalang siya dahil alam ko na ang gusto niya.

Matagal na kaming magkaibigan ni Brandon o Brandie, bakla siya na dahilan kung bakit naging magkaibigan kami. Madalas siyang binubugbog ng tatay niya noon dahil sa kasarian niya, ipinagtanggol ko siya kaya naging close kami. Lagi na siyang nakadikit sa akin, o mas bagay sabihin na lagi na siya nangungulit sa akin gaya ngayun.

Isang make-up artist si Brandon sa isang salon sa labas ng skwaters, sabi nila sikat daw ang salon na yun peru wala akong pakialam dahil wala naman akong balak pumasok doon. Matagal na niya akong sinusuyong maging modelo niya para sa isang competisyon sa sununod na taon, malayo pa peru sinisimulan na niyang suyuin ako.

"Alam mo na ang sagot ko diyan Brandon, wala akong oras diyan,  busy ako sa talyer." Tumungo ako sa lababo at hinugasan ang tasang ginamit ko.

"Yun na nga, busy ka sa talyer peru ang liit naman ng kita mo sira pa ang beauty mo. Samantalang sa raket na sinasabi ko, isang picture lang libo libo Kana ang pwede mong kitain." Pangungumbinsi niya sakin.

"Libo libo nga hindi naman ako masaya at komportable." Binuksan niya ang pamaypay nita at namaypay na animo donya.

"Para namang masaya siya sa talyer."

"Hindi nga masaya, komportable naman ako." Iniwan ko siya sa loob ng bahay o barong barong ko.

"Sige na Kana,  para sa carreer ko,  para makalabas na tayo dito." Nakabuntot pala siya sakin.

"Pag-iisipan ko." Hinawakan niya ang braso ko kaya napahinto ako.

"Pag-isipan mo ha Kana,  para sa kinabukasan at para sa economiya." Lumiwanag ang mukha nito na parang batang nakakita ng candy.

"Oo nga pag-iisipan ko nga! Ang kulit." Saka niya ako nilubayan.

Suot ang kupas kong pantalon na nagkapunit-punit na at puting v-neck shirt na maraming mantsa, pinusod ko ang buhok at tumungo sa talyer ni Onyok.

Habang nasa daan ay may nga tambay na bumabati sa akin, mga bata, mga taong katulad ko matagal nang naninirahan dito. Nang malapit na ako sa talyer ay may napansin akong magandang sasakyan, bagong modelo ng BMW kung hindi ako nagkakamali.

Sinuri kong mabuti ang sasakyan, ni minsan wala pang sasakyan na ganito kagara ang napadpad dito. Malaking himala kung isa sa mga nakatira dito ang may-ari nun. Lalapitan ko sana ang sasakyan para magtanong sa kung sino man ang nasa loob peru agad naman iyung umalis. baka naligaw lang, o may hinahanap. Ipinagpatuloy ko ang paglalakad hanggang sa talyer. Hindi lang pala ako ang nakapansin sa sasakyan pati rin pala ni mang Onyok.

"Nakita mo ang may-ari ng sasakyan kana?" Salubong sa akin ni mang Onyok.

"Hindi Boss, lalapitan ko nga sana peru umalis naman agad." Kumunot naman ang noo niya.

"Nakakapagtaka naman ata." Tinawanan ko nalang siya dahil lagi naman siyang nagtataka pag may nakita siyang bagong mukha.

"Baka naligaw lang po boss o may hinahanap." Umiling lang siya at iniwan ako sa labas.

Parang sobrang apektado naman ata ni Mang Onyok sa pagpakita ng sasakyang yun.

*************************
What do you think about Brandon a.k.a brandie? Tell me what you think.

The Billionaire's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon