Kana's POV
Pagkatapos kong makipagbugbugan sa mga dayong kumag na yun ay ang hudlom na St-Pierre naman ang hinarap ko, medyo duguan pa ang kamay ko peru hindi ko pinansin yun para matapos na ang kung ano mang kailangan nila. Peru sa huli si Brandon lang din ang naka-usap nila dahil kumukulo talaga ang dugo ko pag nakikita ko ang pagmumukha ng hudlom na yun. Napagkasunduan nila na ipagpapatuloy ko ang pagiging endorser ng SPS at dadagdagan nila ang bayad kung gusto ko, sabi nga ni Hudlom sa usapan hindi siya sanay na siya ang humahabol sa mga modelo peru gagawin niya dahil kailangan daw nila talaga ako. Gusto ko ngang lumuhod siya at magmakaawa sakin, peru sobra naman ata at hindi naman ako diyos para may lumuhod sa akin.
"Kana, nakikinig ka ba?" bulong sa akin ni Brandon.
Nakalimutan kong nasa kalagitnaan pala kami ng meeting kasama ang staff ng marketing department at ipinapakita nila sa akin ang mga produkto at kung ano ang mga gagawin ko sa shoot, saan gagawin at kung ano ang isusuot ko.
"Sorry may sumagi lang sa isip ko, saan na ba tayo?" nanggigil naman ang mukha ni Brandon, na kunti nalang talaga ay kukurutin na niya ako sa singit.
"Nandito na po tayo sa third location Miss Cruz, ang third location po natin is sa isang beach for the summer collection. You will wear a red two piece bikini at maglalakad ka lang sa beach, tapos because of your wearing a SPS summer collection the guys will follow you, sniffing like dogs." paliwanag ng babaeng nakalimutan ko ang pangalan, nakikinig lang ako bawat salita pinoproseso ng utak ko peru tumigil sa pag ikot ang utak ko nang marinig ang two piece bikini.
"Bikini? Magsusuot ako ng bikini?" tiningnan ko silang lahat at sabay silang tumango habang gulat ang mga mukha, napalakas ata ang pagkakasabi ko.
"Subukan mo kayang mag pantalon at long sleeves sa beach kung maganda ka ba tingnan at hindi ka pagtatawanan." pang-iinsulto ni Brandon.
"Ayoko ng bikini, pasensya na sa inyung lahat ha peru pasuotin niyo na ako ng basahan wag lang yang bikini." napalitan ng pag-aalala ang mga mukha nilang lahat.
"Kasi basahan naman talaga ang suot niya araw-araw noon." bulong naman ni Brandon sa tabi ko.
"Sino ba kasi ang nag suggest ng bikini?" bigla kong tanong sa kanila.
"Ahm-si ano po Miss Cruz, si-" nauutal na saad ni Miss Aranda.
"I suggested it." biglang may nagsalita sa pintuan ng kwartong pinagmemeetingan namin at hindi na ako magtatanong kung kaninong boses yun dahil hindi ka pa man siya nakikita, ramdam ko na ang mga sungay sa boses niya.
"Ikaw pala nakaisip edi ikaw magsuot." bulong ko sa sarili ko na narinig ata nilang lahat dahil nanlaki ang mga mata nila at nakatikim ako ng siko sa gilid mula kay Brandon.
"What did you say Miss Cruz?" hindi ako humarap sa kanya peru siya ang lumapit at tumayo sa tapat ng inuupuan ko.
"May sinabi ba ako?" pagmamaang maangan ko.
"Yes, hindi ako bingi para hindi marinig yun." Nagngangalit niyang saad, lumalabas na ang ugat sa leeg niya at bumilis ang paghinga niya.
"Narinig mo pala eh bakit nagtatanong ka pa?" naningkit ang mga mata niya habang galit na nakatingin sa akin.
"I want all of you out now!" tumayo ang lahat kaya tumayo na rin ako. "Except you Miss Cruz." napabuntong hininga nalang ako, ang bobo ng taong to.
"Teka nga, meron bang palalabasin lahat peru may maiiwang isa? Pag lahat, lahat yun at walang maiiwan kaya bahala ka diyan." sumunod na ako sa iba, pagkalabas ko sa pintuan hindi pa man ako nakakalayo ay naabutan niya ako at mahigpit na hinawakan ang braso ko.
"Ano bang problema mo?" sigaw niya sa akin.
"Ikaw ano bang problema mo?" sigaw ko din.
"Ikaw ang problema ko, akala ko pag nakuha ka na namin everything will go smoothly at malo-launch ko na ang SPS peru you kept on delaying it with you silly attitude." nakaramdam ako ng sakit mula sa pagkakahawak niya sa braso ko peru hindi ko ininda yun.
"Manhid ka ba? Hindi mo ba alam na ikaw din ang problema ko? Kung naging mabuting tao ka sana edi sana tapos na tong photoshoot na to at nakita na ng lahat yang letseng SPS na yan! Kung hindi lang sana kasing taas ng mayon ang tingin mo sarili mo okay na sana ang lahat." hindi ko ba napagilan ang sarili ko.
"Baka nakakalimutan mo Miss Cruz na ako ang nagdidisesyon ng lahat? They make what i want them to make, kaya kung gusto kong magsuot ka ng bikini you shouldn't complain and wear that god damn bikini." dumagundong ang boses niya sa buong 21st floor ng SPI.
"Baka nakakalimutan mo din Mr. St-Pierre, pwede kong i-cancel ang kontratang to kahit kailan ko gusto bago ko pa makalimutan, maghanap na kayo ng papalit sa akin na magsusuot ng bikini mo dahil ayoko na!" tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa braso ko na namumula na at mabilis na tinalikuran siya.
Paglabas ko sa elevator ay nasa lobby na ako ng building, pagkalabas ko ay naabutan ako ni Hudlom na tila hinihingal pa sa kakatakbo.
"Wait, let's talk about this." magpapatuloy sana ako sa paglalakad peru hindi, tumigil ako at hinarap siya.
"Ano na?" tinaasan ko siya ng kilay.
"Fine, you don't need to wear that damn bikini." napipilitan niyang saad na nagpangiti sa akin, titiklop ka naman pala eh pinatagal mo pa.
"Aba'y mabuti." tanging sagot ko.
"Ano pa ang ayaw mo? Dahil baka may makita ka na namang ayaw mo at mag inarte ka na naman at umalis." itinduro ko siya at nagsalubong ang kilay niya.
"Ikaw." tipid kong sagot.
"Ako?" hindi maipinta ang mukha niya na puno ng pagtataka at pagkalito.
"Ayokong makita ka sa lahat ng photoshoot at meeting na gagawin namin." determinado kong saad.
"Hindi yan mangyayari." tumawa pa siya ng hilaw.
"Okay, wala na tayong pag-uusapan dito." tatalikud na naman sana ako peru agad naman siyang nagsalita.
"Fine, you won't see me anywhere near you. Peru i need to approve all the shots na gagawin ang if i don't like it you need to do it again ang again."
"Deal." inilahad ko ang kamay ko sa kanya na agad naman niyang tinaggap.
"Deal Miss Cruz." sagot niya.
In fairness hah malambot pa sa unan ko sa bahay ang kamay niya, parang kamay ng bagong panganak na sanggol. Hindi naman ata nakakagulat yun dahil parang pati sa pagkain may nagsusubo sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/128621057-288-k97384.jpg)
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Girl
RandomWalang pinag-aralan, nakatira sa skwaters, madumi, mabaho peru matapang. Yan si Ellise Cruz, dalawamput tatlong taong gulang, nasubok na ng panahon ang katatagan kaya nagkukubli sa pagiging matapang. Sa skwaters na kanyang tinitirahan, tinitingala s...