Kana's POV
"Wake up Baby, wake up." may bumubulong at umaalog sa akin, peru ayoko munang magising.
"Wake up Baby." may bumulong ulit.
"Hmmmmmmm." ayoko pa ngang magising, napakasarap ng kinakain ko sa panaginip ko.
"Let me handle this. Ayaw kasi nito ng mga santong dasalan eh. Tito, watch and learn okay?" masakit sa tenga na boses, nakakairitang boses.
Pinilit kong matulog ulit dahil wala na ang umaalog sa akin at wala na ding nag-iingay, papasok na sana ako sa pintuan ng mahimbing na tulog peru may parang humila sa akin palabas at saka ako pinaulanan, literal na ulan dahil nararamdaman kong may pumapatak sa mukha ko. Peru bakit mukha ko lang ang nababasa? Idinilat ko ang mga mata ko at tumambad sa akin ang pinagpalang si Brandon na may bitbit na spray at may laman atang tubig na ginamit niya pang spray sa mukha ko, akala ko totoong ulan na.
"Gusto mong masaktan ha!" agad siyang tumakbo papunta sa likod ni Daddy na nasa gilid pala at masaya kaming pinanood.
"Tito, oh your daughter is being violet. She doesn't respect me, I'm her all around yaya and she doesn't respect me." sumbong niya kay Daddy na napahalakhak ng tawa dahil sa pinagsasabi niya.
"Fix yourself Ely and we will have breakfast together, your Mom cooked something for you and your brother arrived last night and he wants to see you." naexcite ako sa kung ano ang niluto ni Mommy, peru mas na excite ako dahil nakauwi na pala si Elliot.
"Ayusin mo daw sarili mo dahil mukha ka daw zombie." pangungutya ni Brandon paglabas na paglabas ni Dad.
"Ikaw mukha kang, mukha kang...."
"Ano nga nga teh? Walang masabi?" humalakhak pa siya na parang witch bago ako tuluyang iniwan na mag-isa.
Agad akong naghilamos at nagpalit ng damit, nagsuklay ng buhok at nag apply ng concealer dahil nangingitim na naman ang ilalim ng mata ko at mas mukha akong si sadako kaysa sa zombie. Sobrang putla ko pa dahil hindi na ako masyado mabibilad sa araw at lagi nalang akong nandito sa loob ng bahay. Pagkatapos kong mag ayos ay diretso na ako sa kitchen at doon ay naabutan ko silang lahat na nasa hapag kainan na.
"Good morning everyone." nakangiti kong saad.
"Ely!" excited na sigaw ni Elliot pagkakita niya sa akin.
"Leo!" tumakbo naman ako papunta sa kanya at agad ko siyang niyakap.
"Looks like someone missed me so much." biro niya habang tumatawa.
"Miss din kita Leo." pabebeng saad ni Brandon sa gilid.
"Awwww I missed you too Brandon, but I missed this Brat more." sa kakatreat nila sa akin na parang bata talaga, gusto ko na tuloy bumalik sa pagkabata. Hindi ko naranasan ang ganito noon eh at sobrang sarap pala sa pakiramdam talaga.
"Okay, that's enough I'm starving." saad ni Dad na ikinatawa ni Mommy, nakulitan na siguro sa amin.
Panay ang kwento ni Elliot ng mga ginawa niya sa Italy at France, mas marami ang tungkol sa negosyo, para siyang nagrereport kay Dad at ang mga nakakatawang bagay na ginawa niya naman ay kay Mom niya sinasabi dahil gusto ni Mommy ng mga nakakatawang kwentu. Kaya nga ata perfect match silang dalawa ni Daddy dahil kung gaano ka serious si Daddy ganun naman ka carefree at easygoing ni Mommy. Medyo may edad na sila peru makikita mo parin ang pagmamahal nilang dalawa sa isa't isa, they way they look at each other ay parang first time nilang makita ang isa't isa ulit, nandoon pa ang spark.
Nasa kalagitnaan kami ng agahan nang biglang pumasok ang isa sa mga security ng estate, dumiretso siya kay Dad at meron siyang binulong kay Dad na nagpabago ng facial expression niya saka siya napatingin sa akin na punong puno ng pag-aalala ang mga mata.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Girl
LosoweWalang pinag-aralan, nakatira sa skwaters, madumi, mabaho peru matapang. Yan si Ellise Cruz, dalawamput tatlong taong gulang, nasubok na ng panahon ang katatagan kaya nagkukubli sa pagiging matapang. Sa skwaters na kanyang tinitirahan, tinitingala s...
