Kana's POV
Masakit.
Kumikirot.
Pakiramdam ko ay may isang bundok na nakadagan sa akin. Masakit ang buong katawan ko at may kumikirot sa tagiliran ko, parang namamaga ang pisngi ko na hindi ko maipaliwanag. Hindi ko na sinubukan pang gumalaw dahil alam ko masasaktan lang ako. Idinilat ko nalang ang mga mata ko para malaman kung nasaan ako.
Parang pelikula ang nangyayari ngayun, yung pag gising nasa puting silid na at dalawa lang ang ibig sabihin nito. Kung wala ako sa hospital ay malamang nasa langit na ako at hinihintay na mainterview bago tuluyang makapasok.
"Kana, kumusta pakiramdam mo? Gusto mo ng tubig o pagkain, ano gusto mo?" saad ni Brandon nang makitang dilat na dilat na ang mata ko.
"Para namang isang taon na akong tulog kung maka uhaw at gutom ka naman diyan." biro ko sa kanya.
"Ikaw kasi, pinag-alala mo kami ng sobra. Akala ko iiwan mo na ako at mauuna kanang haharap kay Papa God, tapos ako maiiwan dito mamimimiss ka ng sobra." naiiyak niyang saad.
"Ano ba daw tama ko at alalang alala kayo sakin?" ano nga ba nangyari?
"Sa sobrang tapang mo, ayun nasaksak ka sa tagiliran. Hindi siya nakapinsala ng mga organs mo peru muntik ka paring mag goodbye sa world dahil sa dami ng dugong nawala sayo?" may sumaksak sa akin? Mga duwag na lalaking yun, kung suntukan ay suntukan lang walang hihingi ng tulong sa mga matutulis na bagay.
"Saang lupalop kayo kumuha ng dugo? Wala naman atang dugo ng alien dito sa Pilipinas." biro ko sa kanya.
"Tumigil ka nga, dinadaan mo diyan lahat eh kaya ka napapahamak."
Marami pa siyang kwentu sa akin, kung gaano siya nag-alala sa akin at kung ilang beses siya nagdasal para sa akin. Mangiyak ngiyak niyang kinuwento ang lahat sa akin. Habang ako nasa kanya ang tenga ko nakikinig peru kay Lucas naman ang isip ko.
Paano niya nagawa sa akin to, wala na ba talaga ako sa kanya at hinayaan niyang mangyari to. Ganun na ba talaga ako ka walang kwenta sa kanya at kahit ikamatay ko okay lang sa kanya?
Minahal niya din kaya ako noon o tungkol parin sa negosyo niya kaya siya nakipag mabutihan sa akin.
"Thanks god you're awake." nabigla ako nang niyakap ako ng mahigpit ni Elliot.
"Aray, aray ko po." sa sobrang higpit ng yakap niya ay halos mapisa na ako.
"I'm sorry. I'm just happy you're fine and please Kana I'm begging you don't ever do that again, we can't afford to lose you again." teary eyed na saad ni Elliot.
Masaya ako dahil sa kabaitan na ipinapakita at ipinaparamdam niya sa akin, gaya ni Brandon ay lagi siyang nakikinig sa akin at sinasakyan ang lahat ng kabaliwan ko. Nung hindi na kami nag-uusap ay siya ang laging nasa tabi ko para kahit papaano ay maibsan ang kalungkutan na nararamdaman ko. Puno man ng pambabatikos ay hindi siya umalis sa tabi ko.
"What do you mean you can't afford to lose me again?" naguguluhan kong saad.
"I know this is not yet the right time, the right place for this but you need to know this Kana." seryoso niyang saad na nagpakaba sa akin.
Hindi ko pa man alam peru yung kaba ko ay abot langit na, parang hindi ako mapakali na ayokong makinig at gusto kong umalis dahil sa kaba. Tiningnan ko si Brandon at alam niya agad ang expression ng mukha ko, tumabi siya sa akin at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko.
Hinintay kong magsalita si Elliot peru biglang bumukas ang pinto ng kwarto at pumasok ang dalawang tao. Isang nasa mid fifties na lalaki at isang mga nasa late forties na babae. Hindi sila pinoy for sure dahil kamukha si Elliot at ang lalake, siguro magulang niya to. Dadalaw nga kasi sana sila sa bahay, kaya lang nagkagulo at naospital pa ako.
"Are they your parents?" tanong ko kay Elliot.
"Yes Kana. They are my parents." nakangiti niyang saad.
"Hi, welcome to the Philippines." awkward kong saad.
Sa pagka ilang at takot ko sa kanila dahil mukha silang mga striktong tao, na parang nasa hollywood movies na malditang step mother at akala mo kung sinong step father na mga datingan. Ganun na ganun na sila at tingin palang ay naku manginginig ka na, gaya ng nararamdaman ko ngayun. Natatakot ako at kinakabahan.
"Kana." mahinang saad ng babae na may american accent pa.
Dahan dahan siyang lumapit sa akin at pinag-aralan mabuti ang mukha ko. Pati pores ko binilang niya nga ata at pati hibla ng kilay ko ay sinama na din niya sa pagbilang dahil sa sobrang titig niya sa akin.
Isang mahigpit na yakap.
Nagulat ako nang kulungin niya ako sa mahigpit na yakap, nasasaktan ako peru nagugustuhan ko naman. Ayokong umalis siya, ayokong tanggalin niya ang mga kamay sa pagkakayakap sa akin. May isang pares pa ng kamay ang yumakap sa akin at mas lalong gumaan ang pakiramdam ko. Parang gusto kong matulog habang nasa loob ako ng mga yakap nila. Masarap sa pakiramdam.
"Our baby." biglang saad ng babae na parang nagpagising sa akin sa katotohanan.
"Ahm excuse me ma'am and sir." pilit kong inalis ang mga braso nila na yumayakap sa akin.
"Are you okay Kana?" tanong ni Elliot na nabigla dahil sa ginawa ko.
"I'm fine, I'm just confused."
"Girl, sure kang okay ka lang?" paninigurado ni Brandon.
"Narinig mo yung sinabi niya?" tanong ko.
"Yung alin?" baka guni guni ko lang yun.
"Wala, kalimutan mo nalang."
Muli kong tiningnan ang mga magulang ni Elliot. Magkahawak kamay silang mag asawa at para silang nasaktan dahil sa ginawa ko at nakokonsensya naman ako dahil baka nga guni guni ko lang yun.
"I'm sorry ma'am and sir for what I did." nakayuko kong saad.
"No it's okay, you don't need to say sorry." saad ng lalake na katulad ng accent ni Elliot.
"We are so happy that we already found you Ellise." napatingin ako sa babae dahil sa pagtawag niya sa pangalan ko.
"What do you mean?" naguguluhan kong saad.
"We have been looking for you for so many years." naiiyak na saad ng babae na mas lalong nagpagulo sa utak ko.
"What do you mean? Why are you looking for me?" tanong ko.
"You are our long lost daughter Kana. You are Ellise Cruz Fields Herrera our daughter and Elliots sister." ang lalake naman ang nagsalita.
Napatingin ako kay Elliot at tumango lang siya. Si Brandon naman ay niyakap ako ng mahigpit at ramdam ko na gaya ko ay gulat na gulat din siya sa mga narinig.
"How did you know I'm your daughter and when?" tanong ko ulit.
"The first time I saw you i felt something Kana, you look like the younger version of mom. Your face, your hair, your eyes screams mom. Then I found out you're an orphan and your name is Ellise Cruz, that pushed me to have a DNA test." paliwanag ni Elliot.
"I never went to the doctor with you or to any laboratories." paano niya nagawa ang DNA test?
"Remember the jacket that you left in your house? There's a few strands of hair there that i used for the test." falling hair, may pakinabang din pala.
"Brandon nangyayari ba talaga to?" tanging tango lang ang sagot sa akin ni Brandon.
"I'm your daughter, you're my parents." parang ipo ipo na nag sink in lahat ng nangyayari sa utak ko at dumilim ulit ang paligid.
![](https://img.wattpad.com/cover/128621057-288-k97384.jpg)
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Girl
RandomWalang pinag-aralan, nakatira sa skwaters, madumi, mabaho peru matapang. Yan si Ellise Cruz, dalawamput tatlong taong gulang, nasubok na ng panahon ang katatagan kaya nagkukubli sa pagiging matapang. Sa skwaters na kanyang tinitirahan, tinitingala s...