Kana's POV
Isang linggo na mula nang gawin namin ni Brandon ang raket niya at isang linggo ko na din siyang hindi nakikita. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa niya, baka nanalo na siya sa contest at maganda na ang buhay at nakalimutan na niya ako. Hindi naman siguro gagawin ni Brandon sa akin yun, kahit naman lagi ko siyang sinisungitan at sinisigawan mahal ako nun kaya alam kong hindi niya ako iiwan dito.
Wala akong pasok sa talyer dahil nagmilagro na naman si Mang Onyok at sarado na naman ang talyer, buti nalang maaga akong dinalaw ni bubwit at sinabihan para daw hindi na ako mag-aksaya ng oras pumunta. Inaya pa niya akong bumalik sa business city kung tawagin nila peru tumanggi ako dahil tinatamad ako ngayun, matutulog ako buong araw.
Pagkatapos kong mag agahan ay naglaba muna ako, naglinis ng kunti sa aking maliit na tahanan at saka humilata sa aking pang isahang papag. Mahaba pa ang araw kaya sure akong mahaba din ang pahinga ko. Nagsisimula palang akong hilahin ng mahimbing na tulog nang biglang bumukas ang pinto ng bahay ko at iniluwa si Brandon na nagsisisigaw na animo nanalo ng lotto.
"Kanaaaaaaaaa...." Sigaw niya kahit halos pumasok na sa tenga ko ang bibig niya. Bumangon ako at binatukan ko siya ng pagkalakas lakas.
"Kahit kailan talaga wala kang modong lalake ka! Halos masira mo pa ang pinto ng bahay ko Brandon." Sigaw ko sa kanya. Tumayo siya sa harap ko, nameywang at nangangalit ang mga mata.
"Oo wala akong modo, peru Kana babae ako! Pangalawa hindi ko sinira ang pinto nitong palasyo mo dahil matagal nang sira yan!" Nag ala ate Glo pa siya kaya natawa nalang din ako.
"Ano ba kailangan mo, at saan ka galing? Bakit ngayun ka lang sumulpot?"
"Isa isa lang pwede?" Maarte niyang saad saka tumabi sa aking umupo sa papag.
"Sige, unahin ko ang ano ginagawa mo dito?"
"Nandito ako dahil dito." May kinuha siya sa bag niya na cellphone. Binutingting niya yun saka may ipinakita siya sa akin."Dahil diyan Prinsesa Kana, sikat kana girl." Excited niyang saad.
"Ano yan? Instagram? Ano namang meron diyan at sinasabi mong sikat na ako?" Sikat daw? Siguro nag adik tong baklang to ng isang linggo kaya baliw nang bumalik ngayun.
"Ayan tumira kapa sa Kweba, kaya wala kang alam sa social media." Binutingting niya ulit ang cellphone."Ginawan nga kasi kita ng Instagram account, tapos nag upload ako ng pictures mo mula sa photoshoot natin, tapos ayun hindi ko inaasahan nag hundred thousand followers kana agad eh sampong pictures lang yung na upload ko at isang linggo palang ang nakakalipas." Ipinakita niya ang sinasabing account ko daw sa Instagram, at meron ngang pictures ko mula sa photoshoot.
Parang hindi ako ang nasa litrato, parang ibang tao ang nakikita ko. Taong sobrang ganda na parang walang pinoproblema sa pang araw-araw, peru ang mga mata niya maraming gustong ipahiwatig ang mga mata niya, maraming gustong sabihin ang mga mata niya.
"Ano naman ang makukuha natin diyan sa isandaang libong followers na yan?" Ano nga bang maitutulong nila sa kalagayan ko ngayun?
"Baliw ka ba? Makakatulong yan sa contest dahil isa sa mga pictures na naka upload ang official entry." Lumaki ang mga mata ko.
"Tayo ang napili ng salon na pinagtatrabahoan mo?" Masaya kong saad.
"Oo, patapusin mo nga muna ako! So ayun isa sa sampung pictures ng account mo ang official entry tapos nakatag yun sa account ng magazin at padamihan ng likes girl at diyan makakatulong ang isandaang libong followers mo. Peru wag kang mag alala dahil as of today leading tayo nasa threw hundred thousand plus na ang likes ng picture mo kaya malaki ang chance nating manalo, Kana!" Tumayo na siya at nagtatatalon, napatayo na din ako at niyakap siya.
Kung mananalo kami makaka alis na kami dito, gaganda na ang buhay namin ni Brandon. Makakalipat na kami ng tirahan, hindi ko na kailangan problemahin ang pagkain ko araw araw, hindi ko na poproblemahin ang mga butas sa bobong tuwing umuulan. Giginhawa na ang bubay ko.
"Makaka-alis na tayo dito Kana." Nangingiyak na saad ni Brandon.
"Gaganda na ang buhay natin."
Napalingon ako sa bintana at nakita ko ang mga batang naglalaro ng patintero sa labas at nagtatawanan. Ang mga tambay sa kanto, ang mga tsismosa sa tindahan, ang mga mag-asawang nagbabangayan sa di kalayuan. Mga taong hindi ko kaanu-ano peru napalapit na sa puso ko. Pag umalis ako dito paano sila? Kaya ko ba silang iwan? Kaya ko bang magpakasaya habang ang mga taong tinuring kong pamilya ay nakabaon parin dito at hindi makalabas? Kaya ko kaya?
Napansin ni Brandon ang pagbabago ng mood ko. Umupo ako ulit sa papag at tumabi naman ulit siya sa akin.
"Ayaw mo ba? Hindi ka ba masaya?" pag-aalala niya.
"Alam mong matagal na nating pangarap ang makaalis dito Brandon at ngayun malapit na siyang matupad. Peru paano sila?" naguluhan siya nung una peru agad din naman niyang naintindihan ang ibig kong sabihin.
"Alam ko Kana, napamahal na sila sa atin, lalo na sayo. Ikaw ang tagapamayapa dito, ikaw ang peace maker dito. Halos nakadepende na ang lahat dito sayo pag may gulo peru paano sila matututong tumayo sa sarili nila at manindigan kung hahayaan mo silang dumepende sayo?"
"Peru kaya ba nating magpakasaya sa kung saan man tayo dadalhin ng raket na yan habang sila sadlak parin sa kahirapan dito?" Tiningnan ko siya sa mata. Ginagap niya ang kamay ko at hinawakan ng mahigpit.
"Kaya natin Kana, dahil sure ako sasaya sila na makita tayong natupad natin ang pangarap natin, at baka nga dahil sa pag-alis natin magsusumikap na din sila para sumunod sa atin. Hindi naman natin sila tuluyang iiwanan, syempre dito tayo lumaki kaya dadalaw tayo dito." Tama, hindi naman dahil nakaalis na kami eh hindi na kami pwedeng bumalik at dumalaw.
"Tama ka, dadalaw parin naman tayo at para namang pupunta tayo sa ibang planeta. Isang sakay lang nandito na tayo." Niyakap niya ako na nagpagaan ng loob ko.
"At hindi pa naman tayo talagang nanalo girl, hindi pa sure kaya wag ka munang malungkot." Tumawa siya ng malakas nang tingnan ko siya ng masama.
"Kung gusto nating manalo, angkinin na natin para maging atin Brandon." Positibo kong saad sa kanya, bawal na nega.
"That's the spirit." Sigaw niya na sure akong umabot sa kalawakan dahil sa lakas.
Makakalabas kami dito, itaga niyo sa bato.
**************************

BINABASA MO ANG
The Billionaire's Girl
AléatoireWalang pinag-aralan, nakatira sa skwaters, madumi, mabaho peru matapang. Yan si Ellise Cruz, dalawamput tatlong taong gulang, nasubok na ng panahon ang katatagan kaya nagkukubli sa pagiging matapang. Sa skwaters na kanyang tinitirahan, tinitingala s...