CHAPTER NINETY-SEVEN - BUWAN

5.7K 108 12
                                    

Kana's POV

Wala kaming imikan ni Brandon habang pauwi ng bahay, hindi kami nag away or ano wala lang talaga ako sa mood makipag-usap dahil alam kong ang magiging topic ay ang nangyari kanina at ayoko muna sanang pag-usapan yun. Gusto ko munang mag sink in talaga sa akin na nangyari nga yun, na nakita ko at nasaksihan ko mismo ang pangyayaring yun. I think hindi naman siya ganun kasama kung titingnan positively dahil kasalanan ko naman dahil sinundan sundan ko pa siya, na wala talaga akong tiwala sa kanya dahil sa ginawa ko, peru normal naman na mag react ako ng ganun diba? I'm his girlfriend, the soon to be mom of his child kaya siguro naman sapat na karapatan lang yun para mag react ako ng ganun, I trust him with all of my heart. Natakot lang ako dahil hindi ko kilala ang Sophia na yun at baka kung ano ang gawin niya sa Lucas ko.

Sino nga ba siya? Bakit parang sobrang close nila ni Lucas at hindi siya nahiyang hawakan sa kamay si Lucas at hilahin palayo sa amin. Wala siguro siyang social media accounts, TV or hindi siya nagbabasa ng newspaper dahil parang hindi niya alam na girlfriend ako ni Lucas eh, or she's acting lang na kunwari hindi niya alam para basta basta nalang niya mahila si Lucas kung saan niya gusto, yung gaya sa mga teleserye na nakakagigil. Si Lucas naman nagpahila din ang sarap batukan at may pa lingun lingun pa siyang nalalaman habang papalayo sa amin, pag umpugin ko ulo nila eh!

"Lora, please for the universe sake get me some ice cream as quick as possible. Para sa kapayapaan at katahimikan ng buong kalawakan dalian mo!" narinig kong tili ni Brandon habang mabilis akong pumanhik papunta sa kwarto ko.

Dalawa lang ang gusto kong gawin ngayung nakauwi na kami, gusto kong matulog or kumain ng marami. Hindi sila pwedeng pagsabayin kaya kailangan ko mamili. Nagbihis muna ako ng comfortable na pambahay bago ako naupo sa kama at nag-isip ulit kung ano nga ba ang gagawin ko.

"Here, I know you need this." inilagay ni Brandon sa kandungan ko ang chocolate ice cream at kutsara.

"Salamat." tangi kong saad bago sinimulang kainin ang napakasarap na ice cream.

"Kumain ka lang alam ko masarap yan, okay din yan para sayo dahil ayun sa aking analysis mayroon kang 99.9% na sumabog ngayun at kinakailangan mo ng something cold." saad niya habang pinapanood lang akong lumamon ng ice cream na parang kumakian ng kanin.

Nang maumay na ako sa Ice cream ay nag tooth brush ako at natulog. Wala talaga ako sa mood gumalaw, hindi ko alam peru I felt bad about what I did kanina at galit naman ako kay Lucas at the same time. Nawala na sa tamang katinuan ng feelings ko, nalilito na siguro siya dahil sa dami ng mga nangyari sa akin at sa amin ni Lucas. Kung nagpahatid ba ako sa kanya dito hindi ako magiging ganito katamlay or kung pinigilan ko ba siyang sumama doon sa babaeng yun hindi na ako malulungkot?

Gusto ko sana humingi ng advice sa parents ko kaso nasa Rome sila kasama ni Elliot, susunod dapat kami ni Lucas doon bukas peru hindi nalang siguro, ayokong makita ng parents ko na malungkot ako.

"Kana, mag dinner na tayo. Dinala ko nalang ang food dito dahil sobrang laki ng dining table ninyu at tayong dalawa lang ang gagamit." hindi ko pa man namumulat ang mga mata ko ay hinila na niya ang comforter na yumayakap sa akin.

"Busog pa ako, ayoko kumain." saad ko.

"Kung hindi ka buntis hahayaan kitang hindi kumain kahit isang taon pa, peru buntis ka at hindi makakabuti sa baby kapag hindi ka kumain at isipin mo din hindi maganda sa baby kapag malungkot ka dahil malulungkot din siya." Dinaig pa niya Mom ko sa sermon niya.

Wala akong nagawa kaya bumangon ako at sabay kaming kumain sa may mini sala ng kwarto ko. Nag focus lang ako sa pagkain habang si Brandon naman ay kung ano anu ang kinukwento, nakikinig naman ako peru hindi ko lang talaga siya sinasagot. Hindi ko naman mapigilan ang sarili ko na hindi tumingin sa oras, alas siyete na ng gabi wala parin si Lucas. Pagkatapos ligpitin ni Brandon ang pinagkainan namin ay iniwan na niya ako mag-isa, pinatay ko ang ikaw at hinayaang ang liwanag ng buwan ang magbigay ilaw sa kwarto ko.

The Billionaire's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon