Kana's POV
Kanina pagkabanggit na pagkabanggit ni Lucas ng swimming ay alam ko na agad kung ano ang isusuot ko. Peru nang naghahalungkat na ako sa bag na dala namin ni Brandon ay wala na akong maisip kung ano ang dapat isuot kaya ang ending ay shorts at t-shirt ang nasuot.
"Saan ka pupunta?" bungad sa akin ni Brandon paglabas ko ng tent, kakarating lang din niya mula sa pakikipag-usap sa staff ng shoot.
"Mag suswimming daw kami ni Lucas." pagkasabi ko sa kanya ng swimming ay tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa at mula paa hanggang ulo.
"Girl, sa suot mo parang sa palengke ang punta mo at hindi sa dagat. Pasok dun at ako ang pipili ng susuutin mo!" saad niya na para akong batang pinagsasabihan niya.
Ilang minuto kaming hindi magkasundo sa dapat kong soutin peru ang ending ay siya lang din pala ang masusunod. Pinagsuot niya ako ng two piece bikini na kulay itim, ayoko siyang isuot nung una at pinaglaban ko ang shorts na suot ko kanina peru hindi ako nanalo. Kaya ito ako ngayun nagdadalawang isip na lumabas dahil sa kapiranggot na tela lang ang suot ko.
"What's taking you so lo-" hindi natapos ni Lucas ng sasabihin niya nang makita ako sa loob ng tent.
Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa at mula paa hanggang ulo. Pareho sila ni Brandon parang mga tanga kung makatingin. Hindi ko mawari kung nagugustuhan ba niya ang suot ko o nalalaswaan siya.
"Sabi ko na nga ba eh, labas ka muna magbibihis lang ako." saad ko na may halong hiya.
"No! Wag kang magbihis." mabilis niyang saad.
"Eh ang pangit ko tingnan sa suot ko at ang liit liit para akong walang suot. Ang sagwa sagwa ng pakiramdam ko sa sarili ko." saas ko habang tinatakpan ng twalya ang sarili ko.
Kinabahan naman ako nang lumapit siya sa akin at pilit inaagaw sa akin ang twalyang pinambabalot ko sa aking sarili.
"No, don't cover yourself. You look beautiful, gorgeous and stunning." saad niya habang tinatanggal ang tuwalya at nakatitig sa aking mga mata.
Biglang parang hinahabol ng kung ano ang pintig ng aking puso, nanuyo ang lalamunan ko at uminit ang mukha ko. Hindi ko alam kung ano sasabihin at gagawin, blanko ang isip ko peru ang puso ko ay daig pa si Regine kung bumirit sa mga oras na ito.
"Ahm.. Ano kasi nak-" bigla nalang niyang tinakpan ang labi ko gamit ang kanyang isang daliri kaya hindi ko na natapos ang sasabihin ko.
"Don't say anything, you're beautiful and that's all." sa bilis ng pangyayari ay hindi na ako nakapag protesta nang bigla nalang niya akong pinangko at tinakbo papunta sa dagat, wala naman akong nagawa kundi kumapit sa leeg niya at tumili.
"Uupakan talaga kita! Ibaba mo ako Lucas ngayun din!" sigaw ko.
"No way Jose!" saad niya habang tumatawa.
"Ibaba mo ako sabi! Pag ako talaga nasaktan Lucas susuntukin talaga kita!" sigaw ko sa tenga niya bago niya ako inihagis sa dagat.
Oo, tama ang dinig niyo. Inihagis ako ng hudlom sa dagat! Okay lang sana kung malalim peru amp*ta, hindi nga umabot sa tuhod sa babaw eh. Sakit tuloy ng likod ko at parang may tubig pang pumasok sa ilong ko at ang hapdi. Baliw talaga tong lalaking to, pa kilig kilig pa ako sa mga pinagsasabi niya kanina tapos ihahagis niya ako dito sa dagat. Inihulog niya ako peru hindi din pala niya ako sasaluhin. Peru lintik lang ang walang ganti.
"Aray! Ang sakit ng paa ko arayyy!" saad ko habang himas himas ang paa kong napilayan din noon. Akala niya ha, siya lang ang mahaba sungay.
"Oh my god, I'm so sorry Kana. Saan ang masakit, dito ba?" napaluhod siya bigla sa tabi ko at agad menasahe ang paa ko.
"Araayyy!" tinodo ko na ang arte kaya mas lumapit siya sa akin.
Nang mas malapit na siya sa akin ay saka ko siya pinaliguan ng buhangin at agad akong kumaripas ng takbo papalayo.
"You can't get away from me you silly girl!" sigaw niya habang mabilis ding tumatakbo kasunod ko.
Tumatawa akong tumatakbo palayo sa kanya dahil sa nagantihan ko siya sa ginawa niya sa akin. Pag lingon ko ay wala na siya kaya huminto akong hingal na hingal at tatawa tawa pa. Nang lumingon ako ulit ay isang dangkal nalang ang layo naming dalawa.
"Boo!" sa gulat ko ag parang humiwalay ang kaluluwa ko sa katawan ko ng mga dalawang segundo.
Tatakbo sana ulit ako peru mabilis na niya akong nayakap sa beywang mula sa likod saka binuhat at pinaikot-ikot. Hindi ko mapigilang tumawa sa nangyayari at sa sarap ng pakiramdam na para akong lumilipad. Dinig ko din ang halakhak ni Lucas na parang wala lang sa kanya ang bigat ko. Nang binaba na niya ako ay pinaharap niya ako sa kanya saka siniil ng halik sa labi.
Nanlaki ang mata ko sa pagkabigla, kung kanina paikot-ikot ako, ngayun ay parang tumigil naman ang mundo. Hindi ako nakagalaw, nanigas ako at hindi ko alam ang gagawin ko. Nang magsimulang gumalaw ang labi ni Lucas ay uminit ang buong katawan ko at ang puso ko ay sobrang bilis ng pintig na parang ano mang oras ay aatakihin na ako. Ang malalambot niyang labi ay parang inaanyaya ang mga labi ko na makipagsayaw sa mga ito. Hindi ko napigilan at ginaya ko ang ginagawa niya na pinagsisihan ko naman dahil mas lalong lumala ang hindi pamilyar na pakiramdam, mas lalong lumala ang init ng aking katawan.
Napahawak ako sa leeg niya habang palalim ng palalim ang halik na pinagsasaluhan namin. Ang mga kamay naman niya ay nasa likod ko at dahan dahang humahagod na nagbibigay kiliti sa aking balat.
"Excuse me love birds, peru kailangan na nating umuwi dahil tayo nalang po ang naiwan dito sa beach at may lakad pa ako in thirty minutes." biglang saad ni Brandon, agad naman kaming naghiwalay dalawa.
"Ahm ano, ahm." parang hinigop na lahat ni Lucas ang mga salitang natutunan ko at wala na akong matinong masabi.
"Ahm, magbibihis ka Kana at ikaw naman Mr. St-Pierre ay magbibis ka rin. Sa kabilang Tent si Kana at sa kabilang tent ka Mr. St-Pierre." si Brandon na ang nagsalita at nagsabi ng kung ano ang mga gusto naming sabihin ni Lucas.
Hindi ko na hinintay na magsalita si Lucas at naunan na akong maglakad pabalik sa tent. Hindi ko alam kung kaya ko pa bang tumingin sa kanya nang hindi naaalala ang nangyari. Bahala nalang si Batman.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Girl
De TodoWalang pinag-aralan, nakatira sa skwaters, madumi, mabaho peru matapang. Yan si Ellise Cruz, dalawamput tatlong taong gulang, nasubok na ng panahon ang katatagan kaya nagkukubli sa pagiging matapang. Sa skwaters na kanyang tinitirahan, tinitingala s...