Kana's POV
"Hindi dapat tumigil ang mundo mo dahil wala na kayo, hindi mo dapat laging binabalik diyan sa isipan mo ang mga masasayang araw na magkasama kayo dahil, bakla mas masarap mabuhay sa reality." speech ni Brandon habang nasa sasakyan kami.
Papunta kami sa isang shoot, kinuha akong maging cover ng isang sikat na local fashion magazine. Dahil sa parents ko, kapatid ko at kay Brandon ay balik trabaho ako ulit, hindi ko naman na talaga kailangan mag trabaho dahil alam niyo na, yayamanin at pinagpala sa pera ang mga magulang ko peru hindi lang ako sanay kaya magtatrabaho ako. Brandon never left my side since Lucas and I's break up, nasa tabi ko siya lagi hindi para i comfort ako kundi para paulit ulit na ipamukha sa akin na dapat bumalik na ako sa reality at kalimutan nalang lahat.
"Mamaya na ang sermon please, pagkatapos na ng shoot dahil kapag hindi ka tumigil mawawalan talaga ako ng focus at magwawala sa location." banta ko sa kanya.
"Kailangan kitang pagsabihan okay? Kahit every hour ay hindi ako mapapagod, alam ko at pansin na pansin ko Kana na mawala lang ako sandali sa tabi mo ay ayun tulaley ka na at puno na naman ng kalungkutan ang mga mata mo. Ayoko ko yun eh, ayokong nakikita kang malungkot dahil hindi ako sanay. Noon kahit naghihirap tayo, naghihikahos never kong nakita ang sobrang kalungkutan na nakikita ko sayo ngayun. Nag-iisa ka noon, walang magulang at hindi maayos ang buhay peru nakukuha mong tumawa at ngumiti na parang wala kang problema, tapos ngayun ang hirap mo nang patawanin na parang nakalimutan mo na kung paano maging masaya at tumawa." sermon niya na naman sa akin, hiningal pa nga siya pagkatapos.
"Sa kanya ko unang naramdaman ang tunay na kahulugan ng pag-ibig Brandon, siya nagturo sa akin kung paano magmahal. Siya ang first love ko, he taught me a lot ang nakakabad trip lang sa kanya ay hindi niya ako inihanda o tinuruan kung paano tanggapin ang sakit kapag iniwan na niya ako. Nangangapa ako ngayun eh, I don't know where to start." at nagsimula na namang tumulo ang mga luha ko, hindi ko lang talaga sila mapigilan.
"I know it's hard, peru wag siya lagi ang isipin mo Kana. Isipin mo din kaming kasama mo ngayun pagkatapos ka niyang iwan, gaya niya kasama mo din kami, ako noon. Hindi ba talaga kami sapat para bumalik ang sigla mo? Are we really not enough Kana?" malungkot ang mga mata niya, yung glow niya ay biglang naglaho habang nakatingin sa akin sa mga mata.
"Napapasaya niyo ako Brandon, peru I can't be happy if I deep inside know that I am broken." umiling lang siya dahil sa sinabi ko.
"Staying broken is a choice Kana at mas lalo ka pang lulunurin ng kalungkutan na yan dahil you chosed to be broken than to just move on and leave everything behind." pagkatapos na pagkatapos ng pagbikas niya ng huling salita ay saktong tumigil ang sasakyan kaya ayun, lumabas siya at sinara ng pagkalakas lakas ang pinto.
Did I really chose to be broken?
Pinili ko ba talagang manatiling nasasaktan?
Hindi ko piniling saktan at iwan ako Lucas, hindi ko piniling wasakin ni Lucas ang puso ko ng pinong pino. Hindi ko piniling masaktan, gusto ko lang ay maging masaya at mahalin niya.
"Excuse me Miss Kana, aayusan ka na po namin." saad ng babaeng hindi ko kilala at hindi ko napansin na bumukas ng pinto.
"Susunof ako." saad ko habang nagpupunas ng mga luha.
Tiningnan ko muna sa maliit na salamin kung presentable ba akong tingnan at hindi ba halatang galing ako sa pag-iyak dahil for sure sangkatutak na naman na paparazzi ang nasa paligid at naghihintay na kunan ako ng picture na sobrang lungkot para ibalandra sa front page ng mga pahayagan. Araw araw nalang ay halos nasa pahayagan ako lagi, inuuna nilang ibalita ang kalagayan ko kesa sa mga mas importanteng nangyayari sa bansa natin.
"Focus Kana, tatapusin natin to ng walang ni isang patak ng luha. Kaya mo to." huminga ako ng malalim.
Bago tuluyang lumabas ng sasakyan ay nag check muna ako ng social media, as usual mga tags ng mga picture ko na mula sa paparazzi ang nasa notification ko. I tried checking his social media accounts peru wala na, he unfollowed me at ang pinakamasakit is he blocked me sa lahat ng social media accounts niya, nagpalit na rin siya ng phone number kaya as much as I want to talk to him, I can't dahil pinutol na niya talaga lahat.
"Miss Kana, we need to do your make up na po dahil may hinahabol po tayong oras." bumalik na naman ang babae kaya sumunod na ako.
Nasa isang parang garden kami, masarap sa mata ang tanawin at sobrang fresh ng hangin kaya sa buong shoot ay nakapag focus ako, sandaling nawala sa isip ko ang lahat dahil sa mga bulaklak sa paligid ko at sa mabangong simoy ng hangin. Nahagip ng mga mata ko si Brandon sa gilid at pansin siguro niya na relax ako at nag-eenjoy ako sa shoot kaya napangiti siya sa akin at tinanguan niya ako.
Matiwasay na natapos ang shoot, nauna na akong bumalik sa sasakyan dahil kausap pa ni Brandon ang isang sikat na designer na napadaan sa shoot. Tinulungan naman ako ng mga bodyguards sa mga gamit kaya agad akong nakapagpahinga sa sasakyan.
Pipikit na sana ako nang nag ring ang phone ko and it's an unknown number. Kinabahan ako ng sobra at hindi ko alam kung sasagutin ko ba o hindi, hihintayin ko ba si Brandon para siya nalang ang sumagot o hindi ko nalang talaga sasagutin. Paano kong emergency or paano kung scammer lang at sasabihin na nanalo ang sim ko ng five hundred thousand pesos, peru paano nga kung emergency. Baka si Ysa, kukulitin na naman ako para payagan ko siyang matulog sa kwarto ko or si Elliot, o di kaya..... bahala na nga si Batman.
"H-hello?" sagot ko.
"I missed you."
--------------------------------------------------------------------
Naniniwala ba kayong choice ang manatiling broken? If yes, bakit? If no, bakit parin 😂😂😂
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Girl
RandomWalang pinag-aralan, nakatira sa skwaters, madumi, mabaho peru matapang. Yan si Ellise Cruz, dalawamput tatlong taong gulang, nasubok na ng panahon ang katatagan kaya nagkukubli sa pagiging matapang. Sa skwaters na kanyang tinitirahan, tinitingala s...
