KANA'S POV
Simula nung bumalik si Brandon noong isang linggo ay hindi na ako pumasok sa talyer, ang dahilan ko ay isasama ako bi Brandon sa mga raket niya, dahil nakakahiya naman masyado kung sasabihin ko kay Mang Onyok na busy kami ni Brandon sa IG. Medyo nalungkot si Mang Onyok peru pumayag naman siya at sinabing pwede akong bumalik kahit anong oras.
Puspusan ang pagtuturo ni Brandon sa akin, sa paglalakad suot ang nakakalulang sapatos na mataas ang takong, ilang beses din akong natumba at muntik nang mabalian. Dahil wala akong trabaho, minsan nag-aalala ako sa pang gastos ko peru hindi na raw ako dapat mag-alala dahil certified na ang account ko sa IG at kumikita daw ako sa mga post na nilalagay niya doon. May tiwala naman ako sa kanya kaya sinusunod ko nalang kahit anong sinasabi niya.
Tinuruan din niya ako ng tamang mga porma kapag kinukuhanan ng litrato, ano ang gagawin sa kamay para hindi magmukhang awkward, ang mga mata ko, ang bibig ko, kung kailan bubuka at kung kailan hindi. Tinuro niya din sa akin ang ibat-ibang ngiti, yung masaya, yung pilit, yung nakakapang-akit, yung parang nagmamayabang, yung parang nangungutya, yung fierce daw at iba pang anik anik.
Sinubukan na rin namin lahat ng make up ba babagay sa akin, yung sobrang kapal, yung natural lang at yung wala talaga. Sa buhok ko naman,sinubukan niyang kulutin, ipusod, at i braid. Sa mga damit naman ay tinanong niya ako kung hanggang saan ka iksi ang kaya ko at nagpasalamat ako dahil natanong niya yun dahil, papatay ko ng lamok kapag pinagsuot ako ng kita na ang kaluluwa ng kaluluwa ko.
Sobrang dami ng itinuturo niya sa akin, isinisingit pa namin ang pagkuha ng picture sa akin para i post niya sa IG. Magdadalawang linggo nang kami lagi ang magkaharap, halos magkapalit na nga kami ng mukha. Minsan nakikitulog narin siya at daig pa namin ang sardinas sa maliit kong papag. Peru wala kaming paki dahil pareho kaming pagod, minsan lang natatadyakan ko siya kasi ang likot niya matulog daig pa ang bulating inilagay sa asin.
"So ano?" biglang tanong niya habang kumakain ako ng haponan.
"Anong ano?" tanong ko din bago sumubo ng spaghetti na binili niya sa jollibee.
"Tatanggap na ba tayo ng trabaho? O sa IG muna tayo?" napaisip din ako, handa na ba ako?
Meron na naman akong kunting alam sa mga pictorial na yan, dahil sa mga tinuro ni Brandon at sa mga napapanood namin sa YouTube gamit ang cellphone ni Brandon. Tatanggap na ba ako ng trabaho?
"Alam ko hindi mo pa napag-iisipan mabuti kaya, bibigyan kita ng ilang days para mag-isip. For now mag upload tayo ng bago mong picture sa IG dahil miss kana ng mga followers mo." kaya nga ba mahal ko tong taong to eh, kilala niya talaga pati ugat ng utak ko.
Tiningnan ko lang siya habang namimili ng mga pictures ko, at napili niya ang picture na kinuha niya habang nag-aayos ako ng sasakyan bago ako nagpa-alam kay Mang Onyok. Nakasuot ako puno ng mantsang puting tee-shirt na ginupit ko ang sleeves, maluwang sakin yun kaya binuhol ko ang laylayan kaya medyo nakikita ang tiyan ko dahil ang overalls ko ay binuhol ko din sa may beywang. Puno ng asete ang kamay ko at may mga bahid pa ang braso ko, nakaside view ako dahil nasa makina ng sasakyan ang atensyon peru sobrang ganda parin ng kuha. Nilagyan niya yun ng "Some serious stuff at work today", hindi ko naman naintindiha ang ibang salita kaya hindi na ako nagpatuloy na tingnan ang ginagawa niya.
Kailangan kong pag-isipan mabuti ang lahat, hindi ako dapat pa dalos dalos ng decision dahil ang magiging buhay ko sa hinaharap ang nakataya, ang magiging buhay naming dalawa ni Brandon ang nakataya. Okay lang ako kung maghirap habang buhay, ang ayaw ko ay pati si Brandon mahirapan dahil sa akin, gusto kong tulungan si Brandon at ang sarili ko. Sawa na ako sa isang kahig isang tuka, sawa na ako sa tumutulong bahay tuwing tag-ulan.
Mahirap maging mahirap, peru mas mahirap gumawa ng desisyon na maaaring magbago ng buhay ko at maaaring magpako sa akin sa kahirapan.
Madali sabihing oo kaya ko na, madali lang yan, kukunan lang naman ng litrato at magkakapera na ako, peru hindi ganun kadali ang lahat. Hindi ako lumaking araw-araw kinukuhanan ng litrato kaya wala akong alam, hindi ako sanay humarap sa nakakataas na mga tao, hindi ako sanay na makipaghalobilo sa kanila.
Komportable na ako sa camera ni Brandon dahil kilala ko naman siya, kilala niya ako, peru paano na ang ibang tao?
Kaya ko na bang humarap sa totoong camera.
Kaya ko na nga ba?
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Girl
RandomWalang pinag-aralan, nakatira sa skwaters, madumi, mabaho peru matapang. Yan si Ellise Cruz, dalawamput tatlong taong gulang, nasubok na ng panahon ang katatagan kaya nagkukubli sa pagiging matapang. Sa skwaters na kanyang tinitirahan, tinitingala s...