CHAPTER FORTY-SEVEN - BAD THOUGHTS

6.2K 130 0
                                    

Kana's POV

Mahigpit na yakap, pintig ng puso at mahinang tunog ng paghinga ang gumising sa akin. Masarap sa pakiramdam ang mahigpit at mainit na yakap dahil nilalamig ako talaga kaya hindi ako gumalaw. Peru nang napagtanto kong hindi normal ang nangyayari at agad kong iniangat ang ulo para tingnan kung sino ang yumayakap sa akin.

"Pusang naka daster!" mahina kong saad nang makita kong si Lucas ang katabi ko at nakayakap ako walang saplot niyang katawan.

Agad kong tiningnan ang aking sarili para malaman kung nakahubad din ba ako peru nakahinga ako ng maluwag nang wala namang nagbago sa suot ko. Bigla namang may pumasok na kakaiba sa isip ko at hindi ko malaman kung susundin ko ba o hindi.

"Wag Kana, baka magising siya at itapon ka sa ibang planeta." bulong ko sa sarili ko.

Hindi ko rin napigilan at dahan dahan kong itinaas ang kumot na nakatakip sa ibabang bahagi ng katawan niya. Malapit ko na sanang makita kung nakahubad ba din siya doon o hindi nang hilahin niya ako at pinaunan sa dibdib niya. Nanigas ako at nanlaki ang mata ko nang maitukod ko ang aking palad sa tiyan niya. Isa, dalawa, tatlo, apat, lima, anim. Anim na pandesal ang nakapa ko, matitigas na pandesa.

"Why are you poking my stomach?" paos ang boses na saad ni Lucas na nagising pala sa pagtusok tusok ko sa pandesal este abs niya.

"Ah, ano bakit parang bato ang tiyan mo?" wala na akong ibang maisip na palusot.

"Okay kana?" sinagot niya ng tanong ang tanong ko, abay magaling.

Tumango lang ako bilang sagot. Ayaw pa ata niyang maniwala dahil dinama pa niya ang noo ko at leeg ko. Dahil nakaunan ako sa leeg niya ay pagbangon niya ay kasama din akong napabangon, peru pinahiga niya ako ulit saka siya bumaba ng kama. Doon ko nakompirma na nakapantalon pala siya, ang suot niya kahapon sa opisina nang maabutan ko siya.

Naiwan akong mag-isa sa kwarto, tahimik at hindi masyadong maliwanag. Bumugso na naman ang mga isiping ayokong pumapasok sa utak ko dahil napapagod ako at nagiging emosyonal, nanghihina ako at nawawalan ng pag-asa, nagiging malungkot at madalim. Hinilot ko ang ulo ko at gaya ng sinasabi ng doctor, happy thoughts lang, happy thoughts lang at mawawala siya.

"Okay ka lang?" nasa pintuan pala ng kwarto si Lucas, nakasuot na siya ng pang itaas na damit. Tinitingnan niya akong mabuti.

"Okay lang ako." saad ko.

"Hindi ka okay Kana, malungkot ka, miserable ka, pagod ka, wala kang silbi, wala kang kwenta, wala kang magulang. Mahirap ka, wala kang kinabukasan. Pabigat ka lang sa mga taong nasa paligid mo, naaawa lang sila sayo kaya hindi ka nila iniiwan. Dahil sa awa kaya sila nananatili diba?" sunod sunod na saad ng isip ko na ayokong marinig, ayokong isipin.

"Okay ako, okay lang ako." paulit ulit kong saad.

"Dala mo gamot mo?" tanong ulit ni Brandon.

"Hindi, hindi yata." sagot ko naman.

"Habang buhay kanang malungkot Kana, hindi yun kayang baguhin ng gamot." Hindi! Hindi ako malungkot.

Pilit kong nilalabanan ang mga isiping nagpapalungkot sa akin peru mahirap kaya napapaiyak nalang ako at nagtalukbong ng kumot. Gusto kong matulog ulit, para hindi ko na sila maisip.

"Wag kang aalis dito hah, i'll call Brandon." nag-aalalang saad ni Lucas.

Pinilit kong makatulog at nagawa ko, nakatulog ako ng hindi ko alam kung gaano kahaba. Nagising ako dahil sa mahinang mga tapik sa balikat ko, saka may tumatawag sa akin. Si Lucas, peru hindi iba ang boses at hindi kay Lucas. Si Brandon, tama boses ni Brandon at tinatawag ako ni Brandon.

"Kana, gising na." Dahan dahan kong idinilat ang aking mga mata at tama ako, si Brandon nga ang nakangiting gumising sa akin. "Ayan, gising na ang mahal na prinsesa at pwede na siyang kumain." masigla niyang saad.

Bumangon ako at bumungad sa akin ang tray na may lamang pagkain. Pritong itlog, chorizo, hotdog at sinangag ang aking mga paborito. Iginala ko ang aking mga mata para hanapin si Lucas peru wala siya.

"Nasaan si Lucas?" tanong ko.

"Ang mahal na prinsipe? Ay pumasok na siya sa trabaho kasi marami daw siyang dapat asikasuhin." paliwanag ni Brandon.

"Mas mahalaga kaysa sa akin?" malungkot kong saad.

"Ay hindi, kasi may negosyo siyang kailangan puntahan. Mahalaga ka sa kanya, inalagaan ka nga niya buong gabi dahil may sakit ka. Wag kang mag-alala at babalik agad yun." inalagaan ako ni Lucas, mahalaga ako.

"Kain na tayo?" biglang nabalot ng sigla ang pagkatao ko nang maisip na mahalaga ako para kay Lucas.

"Tapos na ako peru sasamahan nalang kita dito. Kain ka marami Kana, mukha ka nang si pido dido oh." natawa ako bigla, hindi ko alam peru nakakatawa lang ang sinabi ni Brandon.

"Kain ka lang." sumisingot na saad ni Brandon at nang tingalain ko ay umiiyak pala siya.

"Bakit ka umiiyak?"

"Kasi dalawang buwan ka nang hindi tumatawa, ngayun kang ulit. Ang sarap lang pakinggan." Dalawang buwan? Bakit parang kahapon lang nang huli akong tumawa?

Ipinagpatuloy ko ang pagkain at naligo pagkatapos. Dinalhan ako ni Brandon ng spaghetti strapped floral dress na hanggang tuhod lang, yun ang isinuot ko at binraid ko ang mahaba kong buhok. Nilagyan ni Brandon ng concealer ang ilalim ng mata ko dahil medyo nangingitim, kunting blush on at lip tint at pwede na akong umalis para puntahan si Lucas. Flat sandals ang suot ko kaya mabilis akong nakakapaglakad. Hindi siguro ako inabot ng isang segundo at narating ko agad ang elevator.

Wala si Lucas sa opisina niya pagbaba ko, kaya naglibot muna ako sa paligid gaya ng ginagawa ko noon kapag hinihintay ko siya.

"Welcome back po Miss Kana." saad ng unang empleyadong nakasalubong ko at sinundan pa ng isa, dalawa hanggang sa hindi ko na mabilang ang bumati sa akin. Lahat sila nakangiti at masaya nang makita ako, yung ibang nakakausap ko noon ay napapayakap pa sa akin dahil miss na daw nila ako. Nakakataba ng puso ang mga pabati nila sa akin.

"Kana." tawag sa akin ng pamilyar na boses at pag lingun ko ay nandoon nakatayo si Lucas, nasa likod ang mga kamay at nakasuot ng magandang ngiti.

"Lucas." saad ko.

"Kanina pa kita hinahanap kasi sabi ni Brandon bumaba ka daw." dahan dahang siyang lumapit sa akin at nang isang dangkal nalang ang layo naming dalawa, saka niya ipinakita ang kanina pa pala niya itinatagong mga bulaklak.

"Ang gaganda." sa tanang buhay ko, ngayun lang siguro ako nakakita ng sobrang puputing mga rosas.

"That's for you, pinag-alala mo ako sobra Kana. Don't do that ever again okay? Nandito ako lagi para sayo tandaan mo yan." saka niya ako niyakap ng mahigpit.

Magaang sa pakiramdam.

Masarap sa pakiramdam.

The Billionaire's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon