CHAPTER SEVENTEEN - FERNAN AND THE VISITOR

7.3K 180 3
                                    

Kana's POV

"Oy Kana, medyo matagal ka ding nawala ah, kumusta?" bungad sa akin ni Mang Onyok dahil bigla nalang akong sumulpot sa talyer.

"Okay naman po, na miss ko po kayo dito kaya bumalik ako." pagsisinungaling ko, peru yung na miss totoo yun hah.

"Abay mabuti naman dahil na miss ka na din namin at medyo sumasakit na ang tenga ko sa mga customer na naghahanap sayo. Ikaw talaga ang gusto nilang gumawa sa mga sasakyan nila." medyo lumobo naman ang puso ko doon.

"Talaga po? Hindi po nila alam eh na miss ko din sila, dahil sa laki ng tip nila minsan." humagalpak ng tawa si Mang Onyok sa narinig.

"Oh siya, maiwan na kita at nang makapagsimula kana."

"Sige po, maraming salamat."

Bakit ako bumalik dito?

Simple, bumalik ako dahil wala na akong inaasahan dun sa companya ng hudlom matapos ko siyang sagot sagutin. Sure akong pinalitan na ko ng mas magaling dahil sa inasal ko sa harap niya. Bahala siya! Mas marami namang pwedeng pasukan diyan at mas mababait pa, di katulad niya parang pinsan ni satanas sa sama ng ugali at tigas ng mukha, gwapu pa naman sana.

Ayy hindi siya gwapu, walang gwapu sa mukha ng hinayupak na yun. Kasing pangit ng ugali niya ang mukha niya. Medyo pangit lang pala ang mukha niya, ay hindi! Sobrang pangit niya, walang maganda o gwapu sa kanya period.

"Oy Kana, dahan dahan naman. Kakabalik mulang nagdadabog ka diyan." biglang may nagsalita sa likod ko na hindi pamilyar ang boses.

Paglingun ko nakita kong nakapameywang ang isang lalaking parang sa gym nakatira. Batak sa muscles ang katawan na akala siguro niya ikinagwapu niya peru hindi, nagmuha siyang yung sa cartoons na malaki ang katawan tapos maliit ang ulo at mga binti. Ganun ang itsura niya, nakangiti pa siya sa akin na parang close kami at ngayun palang ramdam ko na kung gaano kalakas ang hangin niya.

"Kilala ba kita?" umiling ito saka lumapit sa akin.

"Ako hindi mo ako kilala peru ikaw, kilalang kilala kita Kana aking prinsesa." napangiwi ako sa sinabi niya at naghanap ng makakapitan dahil may kalakasan ang hangin niya.

"Sino ka ba at ano ang ginagawa mo dito?" sinimangutan ko siya.

"Hindi mo ako kilala?" aba, at parang nabigla pa siya sa nalamang hindi ko siya kilala?

"Presidente ka ba para kailangan kong kilalanin?" umiling ulit siya at ngumiti na kita lahat ng ngipin, hindi naman kaputian.

"Ako si Fernan, ang pinakamakisig, gwapu at romantiko dito sa skwaters area." kailangan ko na sigurong alertuhan ang buong skwaters dahil sa nagbabadyang ipo-ipo.

"Ngayun ko lang ata narinig yan, at ngayun lang ata kita nakita dito?" akala niya siguro hindi ko memoryado lahat ng mukha dito.

"Tama ka, peru bago ka pa man dumating dito ay taga dito na talaga ako hindi lang tayo nagpang abot." kunot noo lang ang isinagot ko. "Alam mo kasi, pagdating mo dito ay sa kasamaang palad nakulong ako. Alam mo na, hindi naman talaga ako ang gumawa at napagbintangan lang." sus! lokohin niya lolo niyang panot. Sa lahat ng pwedeng idahilan yan pa talaga, eh gamit na gamit na yang dahilang yan.

"Teka nga lang, pwede ba bumalik ka na sa kung ano man ang ginagawa mo? Doon mo kay ma'am Charo ikwento yang buhay mo at wag sa akin." babalik na sana ako sa ginagawa peru hindi man lang siya tuminag sa kinatatayuan niya. "Ano?"

"Alam mo maganda ka, peru iba ang tabas ng dila mo. Huhulaan ko, pagdating ng panahon yan ang ikakapahamak mo." nakangiti niyang saad na parang ewan.

Ano na ba ang nangyayari sa mga lalaki ngayun? Bakit halos lahat nalang nabahiran ng kasamaan ni satanas? Mabibilang nalang siguro sa daliri ang mga mabubuti at marunonh gumalang. Pagpalain sana ng panginoon ang mga natitirang mabubuting lalaki sa mundo.

Sa awa ng panginoong maykapal ay hindi na ako ulit nilapitan ni Fernan. Sabi ni Mang Onyok kakalabas palang mula sa preso ni Fernan at ang dahilan? Napagbintangan daw na nanggahasa. Sa mukha niya kahit hindi siya ang gumawa mapagbibintangan talaga siya dahil mukhang manyakis ang mukha niya. Sabi pa ni Mang Onyok ay mabuti naman daw na tao yung si Fernan, mabuti bago pa natutong gumamit ng druga at mekaniko niya daw yun dati dito kaya naawa naman siya at pinapasok niya ulit dahil sa pagbabagong buhay daw nito.

Natapos ang araw ko ng mapayapa. Bago umuwi sa bahay ay dumaan muna ako sa karinderya ni Mona at bumili ng pancit pang haponan. Malayo pa ako sa bahay ay namataan ko nang bukas ang pinto ng bahay ko, hindi na ako nagtaka dahil malamang si Brandon na naman ang nandoon at kung anu ano ang ginagawa sa loob.

"Brandon, sa susunod na papasok ka sa pamamahay ko siguruhin mong sarado ang pinto dahil kahit walang laman ang bahay ko ay baka pasukin ako magnanakaw." saad ko bago isinara ng malakas ang pinto na muntik na masira.

"Sa susunod na dadating ka, pwede bang tingnan mo muna ang paligid mo upang malaman mo kungay bisita ka ba o wala?" sagot naman niya.

Napalingon tuloy ako sa direksyon niya at laking gulat ko nang makitang nandoon nakatayo ang hudlom kasama si Anna. Naka amerikana ng magara ang hudlom at naka pang trabahong suot naman si Anna. Sobrang mahal nilang tingnan habang nakatayo sa maliit kong pamamahay, halos kulangin na nga kami sa hangin dahil sa sikip. Hindi naman kasi talaga kalakihan ang bahay ko.

"Anong ginagawa niyo dito?" tumingin muna si hudlom kay Anna.

"We are here to inform you Kana that the deal is still on, may bisa parin ang kontrata niyo at sisimulan na ang shoot anytime soon." si Anna ang nagsalita, so ano ang gamit niya dito? Display lang siya ganun?

"Sana ikaw nalang ang pumunta Anna." saad ko. Siniko naman ako ng paglalakas lakas ni Brandon sa tagiliran.

"What do you mean?" Magsasalita naman pala ang hudlom.

"Sabi ko si Anna nalang sana ang pumunta dahil parang display ka lang naman dito, hindi nagsasalita eh yung sinabi ni Anna pwede namang ikaw ang magsabi nun."

"That's her job Kana, so siya dapat ang gumawa." Pinameywangan ko siya at tinaasan ng kilay.

"Kaya nga, it's her job kaya siya lang dapat sana ang pumunta. Peru alam ko na, alam ko na kung bakit ka sumama. Naghahanap ka na naman siguro ng ipipintas sa akin at sasabihin mo na namang hindi ako bagay dito na masyado akong mahina para tumira dito na malalakas lang ang mabubuhay dito. Ano tama ako diba?" kinurot na ako ng pagkasakit sakit ni Brandon sa braso peru hindi ako nagpatinag.

"Alam mo ang sama ng ugali mo? Ikaw na nga ang pinuntahan, kami na nga ang nag effort para makarating dito sa madumi at mabahong lugar na to tapos kami pa ang masama?" napipikon niyang saad.

"Kita mo na? madumi at mabaho ang lugar namin kaya bakit ka pa pumunta? At hoy ikaw lang ang masama hindi kasali si Anna." magsasalita sana siya peru bigla namang may pumasok sa bahay ko si Bubwit.

"Ate Kana, may rambolan doon sa kanto. Mga lasing at ayaw paawat sa mga tanod." hinihingal na saad ng maliit na bata.

"Hindi pa tayo tapos Mr. St-Pierre kaya maghintay ka dito at may aaaikasuhin lang ako." saka ako tumakbo sa kung saan mang naroon ang gulo.

Galit ako, bad trip ako dahil sa hudlom na yun. Tapos dadagdag pa tong mga walang magawa sa buhay na mga taong to.

The Billionaire's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon