Kana's POV
"Love, please talk to me." kanina pa nangungulit si Lucas na kausapin ko siya peru ayoko, galit ako sa kanya.
Pinipilit niyang tanggalin ang kumot na nakatabon sa akin para kausapin ako, pwede naman niyang sabihin ang gusto niyang sabihin kahit hindi nakikita ang mukha ko dahil hello! hindi ko nga siya nakikita peru naririnig ko naman siya.
"Please, you need to understand Love. I need to go back to the Philippines because of something important, the company needs me." saad niya habang niyayakap ang balot ng kumot kong katawan.
"So mas importante pa sayo ang companya mo?" malungkot kong reklamo sa kanya.
"Ikaw at ang baby natin ang mas importante sa akin okay? You need to always remember that, peru paano ko kayo bubuhayin kung wala na ang companya?" tanong niya.
"My parents can help us, kaya tayong buhayin nila Mommy kahit umabot pa ng isang dosena ang anak natin kaya nilang buhayin." sagot ko na medyo nagpatawa sa kanya na mas ikinainis ko naman.
"Yeah you're right, peru that's not how things works okay? I'm the father of our child, i'm your partner, I'm the head of the family so ako dapat ang mag provide Love dahil hindi tayo pwedeng umasa sa parents natin palagi, yeah we could ask for help and guidance but not all the time. Peru yung isang dosenang anak okay na okay sakin yun love." alam kong nakangiti siya habang sinasabi ang tungkol sa isang dosenang anak, bakas na bakas sa boses niya ang kalokohang umaandar sa utak niya.
"Tigil tigilan mo ako Lucas ha, seryoso tong sinasabi ko wag kang ano diyan!" siniko ko pa siya ng slight.
"Kaya nga, seryoso din naman ako sa sinabi ko." saad niya.
"But Mom said we could stay with them as long as we want." reklamo ko na naman.
"Of course Tita would say that because she's your Mom, she loves you, cares for you so much and she wants to be by your side forever. Peru nga kailangan natin matuto on how to live on our own, we need to learn things together as a couple and soon to be as parents." mas lalo lang akong nagalit dahil sa pinagsasabi niya kaya inalis ko na ang kumot na nakabalot sa akin at saka ko siya tiningnan ng masama.
"So wala na talaga akong tamang nasasabi dito? Puro nalang ako mali ha?" naiyak na ako sa inis na nagpataranta sa kanya.
"No, please don't cry. Wag ka umiyak love, lalabas na malungkot ang baby natin kapag ganyan ka lagi." saad pa niya habang pinupunasan ang mga luha sa pisngi ko.
"Kasalanan mo naman kung lalabas na malungkot ang anak natin. Gusto ko lang naman dito ka lang sa tabi ko lagi, paano kung mag crave ako in the middle of the night sino ang maghahanap ng gusto kong kainin? Tuwing nasusuka ako sino ang tutulong sa akin sa banyo, sino ang hahawak ng buhok ko?" i can't really stop myself from crying so much na halos hindi na ako makahinga sa pag-iyak at sobrang barado pa ng ilong ko.
"I'll ask Brandon to do that for me while I'm away." he said while wiping a lot of tears in my cheeks.
"No Lucas, ikaw ang ama ng dinadala ko kaya you should be the one na gumagawa ng bagay na yan with me. Ano gusto mo sabihin ko sa anak natin paglaki niya? Na si Brandon ang gumawa ng mga bagay na dapat ikaw ang gumawa?" he hugged me so tight na mas lalong nagpahirap sa akin huminga.
"I'm sorry, okay, okay I won't leave you. I'll find a way nalang just please stop crying okay, masama sayo yan kasi." medyo sumaya ako dahil hindi na siya aalis peru at the same time ay I felt bad naman.
"I can't stop crying, nagiging sagabal na ako sayo. I'm stoping you from doing your job, I'm sorry." iyak na naman ng balde balde, hindi ko na talaga alam kung ano ang ending nito.
"No don't feel bad, I can find a way naman para makapag work ako while I'm here. Okay lang okay? Now stop crying and smile for me." Hinawakan ng kamay niya ang pisngi ko habang nakangiti ng abot tenga.
"I can't smile while I'm crying." reklamo ko.
"Then stop crying and just smile for me Love." sinubukan ko naman peru fail lang din dahil may mga luha parin talagang humahabol sa pagtulo.
"Hindi ka na talaga aalis?" nakangiti siyang tumango.
"Dito lang ako sa tabi mo." inakbayan pa niya ako.
"Promise?"
"Promise." hinalikan pa niya ako sa noo.
"Kiss mo nga ako dito kung hindi ka talaga aalis." tinuto ko ang cheeks ko na agad naman niyang hinalikan.
"Dito din." Tinuro ko naman ang leeg ko na again ay hinalikan niya.
"Here also." ang ilong ko naman.
"Dito nam-" hindi na ako natapos magsalita dahil pinupog na niya ako ng halik sa buong mukha hanggang sa mga braso ko at sa kamay, tawa naman ako ng tawa habang pinapaliguan niya ako ng halik.
"Ayan na nakiss ko na lahat." nakangiti niyang saad.
"May magtatampo love, hindi mo daw siya nakiss." nagets naman agad niya ang sinabi ko at agad kiniss ang tiyan ko.
"Love ka rin ni Daddy baby ha." saad niya pagkatapos.
"Ayoko Daddy tawag sayo ng anak natin." nagsalubong ang kilay niya.
"Eh ano gusto mo itawag niya sa akin?" tanong niya.
"Tatay at sa akin naman ay Nanay."
"Bakit naman?" taka niyang tanong.
"Mas mabilis kasi bigkasin at mas madaling matutunan at pinoy na pinoy." nagkibit balikat lang siya.
"Kahit ano naman itawag niya sa atin basta ba lumaki siyang mabuti, may respeto sa kapwa, matulungin, mapagmahal at gwapu katulad ko." nataasan ko siya ng kilay tuloy, isiningit pa talaga eh.
"Ewan ko talaga sayo Lucas, kapag talag magmana sayo tong anak mo ay naku maaga akong tatanda." biro ko.
"Kahit mangulubot ka na sa sobrang tanda ay mamahalin parin kita ng sobra." kinilig ako dun peru hindi ko pinahalata dahil ipagmamalaki na naman niya sa aking ng ilaw na marunong na siya mag pick-up lines kahit ang layo naman.
"Naku, tingnan lang natin kapag matanda na ako at gumagala ka parin at tumitingin sa iba ay naku Lucas, puputulin ko talaga yan kahit One hundred years old ka pa at ipapakain ko sa mga aso." napangiwi siya dahil sa sinabi ko at saka tinakpan ng unan ang lap niya.
"Parang kailangan ko atang mag banyo dahil diyan ah." hindi paman ako nakakasagot ay tumakbo na siya papuntang banyo.
Habang nasa banyo si Lucas ay nasa cellphone ko naman ko nakatingin, panay search ng mga dapat at bawal gawin kapag buntis ang pinagkakaabalahan ko lately, actually pangalawa lang siya kasi number one sa list ko ang paghahanap ng mga baby clothes, masarap kasi sila sa mata tingnan sobrang cute at ang liliit. Hanggang tingin muna ako ngayon kasi hindi pa namin alam ang gender ni Baby kaya hindi pa daw ako pwede mamili sabi ni Lucas at sinegundahan naman ni Brandon. Habang nakangisi akong nakatingin sa phone ko ay nag ring ang cellphone ni Lucas, tiningnan ko kung sino hindi naman naka register sa contacts niya. Wala naman kasing ibang may alam ng local number niya dito maliban sa akin, parents ko, parents niya, si Brandon, si Ysa, si Lee at secretary niya.
"Hey Luke! I didn't know you're here in Spain pala, Lee told me kanina lang and last day na namin dito tomorrow, tatanong ko lang if you want to hang out or talk anytime tomorrow?" ngayun nagsisi na ako kung bakit sinagot ko pa, wala talagang magandang nakukuha ang pagiging pakialamera Kana kaya matuto ka na. Peru bakit boses babae! Bakit gusto niyang makipag hang out sa boyfriend ko?
"Luke? Ahm yeah just text me if you're free, I'll send you my hotel address nalang, bye." Hotel address? Ano to?
Kalmadong kalmado na ako kanina eh, as in sobrang cool ko tapos dahil lang sa isang tawag ay nasa utak ko na naman lahat ng dugo ko sa katawan.
"Love?" nasa harap ko na pala si Lucas, nakapameywang pa siya.
"May nag text sayo, hindi ko na tiningnan hindi naka register eh." pinilit kong hindi sumabog dahil ayokong sabihin niyang nag-aasume ako o di kaya ay naghahanap lang talaga ako ng away.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Girl
De TodoWalang pinag-aralan, nakatira sa skwaters, madumi, mabaho peru matapang. Yan si Ellise Cruz, dalawamput tatlong taong gulang, nasubok na ng panahon ang katatagan kaya nagkukubli sa pagiging matapang. Sa skwaters na kanyang tinitirahan, tinitingala s...