CHAPTER TWENTY- PHOTOSHOOT

7.2K 171 0
                                    

Kana's POV

Unang araw ng photoshoot, unang araw ng pagiging model/product endorser ko. Ang saya diba? nakaka-excite diba?

Peru hindi yan ang nararamdaman ko ngayun, mabilis pa sa takbo ng kabayong ipinanglalaban sa karera ang tibok ng puso ko. Malamig pa sa north pole ang mga kamay ko at malakas pa sa ulan ang tulo ng mga pawis ko, eksaherada peru hindi ko talaga maintindihan ang nararamdaman ko. Gusto kong umalis at umuwi sa bahay ko at magkulong doon habang buhay, kinakain ako ng hiya at mga negatibong bagay. Paano kung hindi ako magustuhan ng photographer?

"The shoot will start in five minutes Miss Cruz." saad ng staff na sumilip lang sa pinto ng dressing room at umalis din agad pagkasabi noon.

Nasa building kami ng SPI,nasa 35th floor kami at dito gagawin sa studio nila ang shoot at kasalukuyan akong inaayusan ng glam team ko daw sabi ni Brandon mula ngayun. Kanina pa nila ako hinihila-hila para sa buhok ko, make up,  damit ko, sapatos ko at kung ano-anu pang inilalagay nilang kolorete sa akin. Hinayaan ko nalang sila, ika nga ni Brandon "Just go with the flow" kaya ito kanina pa ako nagpapatianod at kinakabahan dito.

"Ready na ba ang modelo ko?" biglang sulpot ni Brandon sa likod ko.

"Gusto mo ng totoong sagot?" tinaasan niya ako ng kilay na ang ibih sabihin ay oo. "Sa totoo lang parang sasabog na ako sa kaba na hindi ko alam kung bakit ako nandito at balit ko pinasok to, bakit nga ba? Ipaalala mo nga ulit sa akin nang mawala ang lahat ng kaba ko at matapos na ang trabahong to?" isang hingahan lang yun ha,  kaya daig ko pang nag jogging sa hingal.

"Nandito tayo dahil nakakaimbyerna na maging poor, nakakawala ng beauty ang skwaters kaya kailangan natin to. Umayos ka Kana dahil kakalbuhin talaga kita kung bigla ka nalang umalis sa kaba." pananakot niya na akala naman niya tatalab sa akin.

"Magsisimula na po tayo." biglang sulpot ng staff na pumunta din dito kanina.

"Susunod kami." sagot ni Brandon sa staff na agad ding umalis. "Okay, bago tayo lumabas doon gusto kong mag relax ka para natural ka lang sa camera. Inhale and exhale Kana, hinga ng maluwag at isipin mo ako lang ang kumukuha sayo ng picture at mga kapitbahay natin sa skwaters ang nanonood sayo okay?" ginawa ko naman ang sinabi niya, huminga ako ng malalim at medyo nakatulong naman.

Nakasuot ako ng sapatos na mahaba pa sa building ng SPI ang takong, hindi na ako natutumba pag nagsusuot ng mga ganito dahil sa turo ni Brandon peru mas mabuti nang umiwas kaysa mabalian, maliliit na hakbang lang ang ginawa ko habang nakahawak sa balikat ni Brandon bilang suporta. Nakasuot ako ng hapit na sa katawan at bukas hanggang beywang sa likod na gown, pula ang kulay nito kapareho ng suot kong lipstick. Nakalugay ang buhok ko na naka big curls sabi ng hairstylist ko kanina. Sobrang nagandahan ako sa sarili ko sa make up na ginawa ng glam team sa akin, todo papuri pa sila sa akin kanina na ang ganda ko daw eh sila din naman ng nagpa ganda sa akin dahil sa talent nila.

"We're here." masiglang saad ni Brandon kaya napalingon sa amin ang lahat at hindi ko inaasahan ang mga mukha nila, halos sabay na napa bukas ang mga bibig nila at nanlaki ang mga mata na nakatitig sa amin.

"Bakit ganyan ang reaction nila? Sabi ko sayo hindi talaga ako bagay dito." bulong ko kay Brandon.

"Trust me, positive ang mga reaction nila. Sobrang pinagpala ka lang sa ganda kaya ganyan." inirapan pa ako ng bakla.

Nang makarecover na sila sa ganda ko este sa mga reaction nila ay pinapunta na ako sa harap ng camera.  Nakakakaba talaga na ewan peru iniisip ko nalang talaga ang sinabi ni Brandon kanina.

"Okay Miss Cruz gusto ko hawakan mo ang bottle ng SPS at mag pose ka kasama yan. Mysterious Beauty tayo today kaya kailangan maging misteryoso ka. Hindi ko kailangang sabihin sayo na mag-iba ka ng pose okay? Mag pose ka lang ng pose at kami na ang bahala." yun lang ang sabi ng photographer at binigyan agad ako ng bottle ng SPS, napagpraktisan na namin ni Brandon ang mga basic kaya medyo may alam na ako, peru mas maganda parin daw na on the spot ang mga gagawin ko para mas natural.

"We will start in 1.. 2.. 3.. pose." sigaw ng photographer.

Nag pose agad ako ng kung ano lang ang maisip ko, hindi ako nananatili sa isang posisyon, iniba iba ko para mas maraming pagpipilian. Halos makipaghalikan na ako sa bottle ng SPS sa mga ginagawa kong pose.

"That's good, lapit mo sa pisngi mo ng kunti, great that's great! Eyes in the camera,  talk to the camera Miss Cruz. Kausapin mo siya, akitin mo siya Miss Cruz." sinunod ko lahat ng sinabi ng photographer at kung lalaki at tao lang ang camera siguro boyfriend ko na siya ngayun.

"Okay and last shot for Mysterious Beauty." sigaw ng photographer.

Nang matapos ang unang shoot ay para akong nabunutan ng tinik, nawala yung kaba ko kanina at naisip ko ganun lang pala yun? Parang naglalaro lang ako dun sa harap ng camera at milyones na ang kikitain ko?

"Ang dali lang diba?" salubong sa akin ni Brandon.

"Oo nga, hindi naman pala ganun kasama." sagot ko na nakangisi.

"Now let's go back to your dressing room para makapagpalit ko for your next shoot." sumunod ako kay Brandon peru hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at lumingon ako.

"Anak ng pusang nakadaster!" umakyat na naman sa utak ko lahat ng dugo ko sa katawan. "Aba't hindi talaga marunong sumunod sa usupan ang hudlom hah! Pwes pagsisisihan mo yan mamaya! Akala mo siguro hindi kita nakita." kausap ko sa sarili ko. Mukhang magiging masaya ang susunod na shoot ah.

The Billionaire's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon