Kana's POV
Ilang linggo na akong naninirahan sa bago naming lungga ni Brandon. Naninibago parin ako sa lambot ng kama, masakit sa likod dahil nasanay ako sa papag. Pagdating naman sa kusina ay unti-unti ko nang natutunan kung paano gamitin ang mga appliances doon, peru sabi ni Brandon kagandahan lang daw meron ako, wala ang talento sa pagluluto dahil muntik ko nang masunog ang buong building nang subukan kong magluto ng sinangag.
Ang araw-araw na ginagawa ko ay maligo ng maaga dahil aayusan ako ni Brandon, pumunta sa mga photoshoot na hindi ko na alam kung para saan yun, pagkatapos ay uuwi kami at manonood ng tv o matulog.
Simula nang ibigay ulit sa akin ni Lucas ang kwentas ay hindi ko na siya nakita, ang sweet niyang boyfriend dahil alam niyang ayoko siyang makita talaga. Hindi man lang siya tumawag o nag text, ay wala pala akong cellphone.
"Kana labas diyan may bisita ka." gusto ko pang humilata sa kama at magpahinga dahil linggo at wala kaming pupuntahan tapos may bisita? Ang galing ng timing niya.
Hindi ko na inayos ang buhok kong magulo pa sa linya ng kuryente sa skwaters. Hindi na rin ako nag-abalang magpalit ng damit, nakasuot ako ng itim na pajama na halatang mas malaki sa akin dahil halos hindi na makita ang mga paa ko. Isang malaking puting t-shirt naman na may mga butas-butas ang suot kong pang itaas. Nagtatanggal pa ako ng muta nang buksan ko ang pinto ng kwarto ko nang makita ko kung sino ang bisita ko.
"What a great way to greet your visitor Kana." saad niya habang palapit sa akin bitbit ang isang bouquet ng pulang rosas.
Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Maayos ang pagkakasuklay ng buhok niya, sobrang kintab na parang dinilaan ng ahas, fresh ang mukha niya na parang bagong ahit pa. Nakasuot siya ng long sleeved polo na kulay abo na hindi ko alam kung masikip sa kanya o ganun lang talaga yun dahil bakat ang mga muscles niya sa braso at nakabukas pa ang ilang botones sa dibdib, naka tuck-in iyun sa itim na maong na pantalon at nakasuot siya ng itim na makintab na sapatos.
"Hindi mo man lang ba ako babatiin?" saad niya na ilang dangkal nalang ang layo mula sa akin.
Hindi ko siya sinagot at mabilis pa sa alas kwatrong pumasok ulit sa kwarto ko at deritso ang takbo sa banyo, naghilamos, nag toothbrush, nagsuklay at nang sigurado akong maayos na tingnan ang mukha at buhok ko ay agad naman akong naghanap roba dahil alam kong bakat na bakat ang dibdib ko kanina dahil wala akong bra. Muli kong tiningnan ang sarili sa salamin bago muling lumabas at hinarap siyang nakatayo parin sa kinatatayuan niya mula kanina.
"Magandang umaga." agad kong saad saka inagaw sa kanya ang napakagandang mga bulaklak.
"Kailangan talagang agawin? Well para sayo naman talaga yan peru hinintay mo naman sana akong ibigay sayo." reklamo niya.
"Suli ko na nga lang! Ayan o iuwi mo!" ibinigay ko sa kanya ang bulaklak at tinalikuran siya at dumiretso sa hapagkainan na may nakahanda nang pagkain.
Nagsimula akong kumuha ng pagkain, umupo naman siya sa silyang katabi ng inuupuan ko at bumuntong hininga.
"Para sayo." saka niya inabot muli ang bulaklak.
"Ayoko na niyan." pag-iinarte ko, ma asar nga ang taong may pinaka mahabang pasensya sa buong mundo.
"Seriously Kana? Just accept this damn flowers!" see? Mahaba ang pasensya niya.
"Hindi ka ba tinuruan ng tatay mo paano magbigay ng bulaklak sa babae?"
"Hindi ka ba tinuruan ng parents mo kung paano tumanggap ng bulaklak ay mag appreciate ng effort ng isang tao?" para akong nabilaukan sa sinabi niya. Nanikip ang dibdib ko at nawalan na ako ng ganang tapusin ang pagkain ko.
"Ano ba kasi ginagawa mo dito?" matamlay kong saad habang nasa pagkain na tinutusok tusok ko lang nakatingin.
"I want to ask you out, people are asking about us, about what's going on with us. Dahil after that night wala na silang nakitang pictures of us together." so yung palabas pala namin ang isinadya niya dito.
"Paano kong ayoko muna ngayun?" nakita kong kumuyom ang kamao niya.
"You signed the contract Kana, you can't refuse to whatever i say." maawtoridad niyang saad.
Hinga Kana, okay ka lang, wala lang yun, kalimutan mo na yun. Ang isipin mo ang kung ano ang nangyayari ngayun, kung nasaan ka ngayun, kung bakit ka nandito ngayun. Hinga Kana, hinga.
Huminga ako ng malalim bago tumayo at tinungo ang kwarto ni Brandon.
"Aalis daw kami Brandon." matamlay kong saad.
"O bakit matamlay ka?" nag-aalala niyang saad, nasanay kasi sa mukha kong matapang lagi.
"Wala may pumasok lang sa isip ko, ligo lang ako at pakikausap naman yung si Lucas baka kausapin niya sarili niya dun mag-isa." saad ko bago ko siya iniwan at tinungo ang kwarto ko.
Pagkatapos kong maligo ay sakto namang pumasok si Brandon, ang closet ko agad ang tinungo niya. Pinasuot niya sa akin ang isang puting spaghetti strapped dress na umabot lang sa tuhod ko. Tinirnohan niya ang damit ko ng isang itim na 3 inches heels. Ang buhok ko ay binlower niya at kinulot ng malalaki. Kilay, mascara, contour at lipstick ang ginawa niya sa mukha ko at pwede na akonh umalis.
"Teka, bago ka umalis. Kung ano man ang iniisip mo kalimutan mo muna yan okay? Mag-enjoy ka muna na alam ko namang hindi ka mag-eenjoy dahil kasama mo si Lucas peru subukan mo lang." tumango lang ako at ngumiti sa kanya ng pilit. Bago ako lumabas ng kwarto ay muli huminga ako ng malalim.
Paglabas ko ay tinitigan ako ni Lucas mula ulo hanggang paa, tapos mula paa hanggang sa split ends ko na ata. Tapos pabalik na naman sa paa.
"Aalis ba tayo o hindi?" gising ko sa kanya sa kung saang mundo man siya dinala ng utak niya.
"Oh yes, let's go." pinagbuksan niya ako ng pinto palabas at pag-apak ko palang sa labas ng condo unit ay alam ko nang hindi magiging madali ang araw na ito kasama ang hudlom na Lucas na to.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Girl
RandomWalang pinag-aralan, nakatira sa skwaters, madumi, mabaho peru matapang. Yan si Ellise Cruz, dalawamput tatlong taong gulang, nasubok na ng panahon ang katatagan kaya nagkukubli sa pagiging matapang. Sa skwaters na kanyang tinitirahan, tinitingala s...