Kana's POV
Gising Kana.
Wag kang matutulog.
Idilat mo ang mata mo.
Yan ang paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko. Unti unti na akong nanghihina dahil sa gutom. Sobrang dry na ng mga labi ko at nagka-crack na siya at sobrang hapdi pa, uhaw na uhaw na ako na kahit isang patak lang ng tubig ay sasaya na ako. Hindi ko na maidilat ng malaki ang mga mata ko dahil sa antok, kunti nalang talaga ay mamamatay na siguro ako at mamamahinga habang buhay.
"Hoy Kana! Bibilhan lang kita ng pagkain ha, wag kang magtatangkang umalis diyan dahil papatayin talaga kita pag nahuli kita." tanga to, nagpaalam pa talaga siya sa akin.
Hindi ako sumagot kaya umalis na siya, nang wala na akong marinig na mga yabag ay agad kong tinanggalan ng tali ang mga paa ko. Agad akong tumayo para sana tumakbo peru nabigo ako dahil wala nang lakas ang mga paa ko, hindi ko kayang tumakbo o kahit maglakad man lang. Pinilit kong tumayo ulit peru ganun parin, natumba lang ako pabalik. Sinubukan ko ulit peru hindi na talaga ako kayang bubatin ng mga paa ko.
"Kaya mo to Kana, kaya mo to!" saad ko sa sarili habang sunod sunod na tumutulo ang mga luha ko, sobrang sikip ng dibdib ko dahil sa parang sinukuan na ako ng mga tuhod ko peri pilit naman akong tinutulak ng isip ko na kaya kong malampasan to.
"Makakalabas ka dito, makakalabas ka dito Kana." saad ko ulit sa sarili ko saka pinunasan ang mga luha sa pisngi ko.
Dahil wala nang lakas ang mga tuhod ko ay gumapang ako papunta sa pinto. Habang gumagapang ay naisip ko ang mga magulang ko, kung ano nararamdaman nila sa pagkawala ko. Si Brandon, siguradong nabaliw yun kakahanap sa akin, si Ysa at si Lucas. Siguradong nag-aalala na si Lucas sa akin, alam na kaya niya na nawawala ako? Umuwi kaya siya? Hinahanap kaya niya ako? Maraming tanong na masasagot lang kapag nakalabas ako dito kaya kailangan kong makalabas bago pa bumalik si Fernan.
Sa katangahan ni Fernan ay hindi niya na lock ang pinto kaya agad akong nakalabas. Napapikit ako dahil sa nakakasilaw na sikat ng araw, ilang araw na rin akong ginawa nakakulong sa warehouse na tanging ilaw lang ang magbibigay ng liwanag. Muli ay gumapang ako papunta sa hindi ko alam kung saan basta palayo sa warehouse. May mga sirang sasakyan, mga gulong, mga malalaking makina na kinain na ng kalawang na nakahilira mga limang hakbang sa labas ng warehouse.
Hindi ako nagpahinga at patuloy lang akong gumapang, masakit na ang mga palad at mga tuhod ko dahil sa mga bato peru hindi ko iyun iniinda, ang gusto ko lang ay makaalis at muling makasama ang pamilya ko.
"Kanaaaaaaaaaaaaaa!" nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang malakas na sigaw ni Fernan.
Agad akong naghanap ng mapagtataguan at ang pinakamalapit sa akin ay isang nalalubog nang L300 Van. Agad akong gumapang at pumasok sa loob habang malakas ang tibok ng puso na baka mahanap ako ulit ni Fernan. Kinontrol ko ang aking paghinga para hindi matunton ni Fernan ang pinagtataguan ko.
"Bibilang ako ng tatlo Kana, kapag hindi ka pa lumabas sa pinagtataguan mo hahanapin kita at tatadtarin kita ng bala putang ina ka!" sigaw niya.
Gusto kong sumilip kung nasaan siya peru baka kapag sumilip ako ay makita niya ako at baka kapag gumalaw ako ay makagawa ako ng ingay at marinig niya. Kailangan kong maghintay na makalayo siya bago ako lalabas at hihingi ng tulong.
"Isa Kana, Isa!" sigaw niya na medyo malapit sa kinaroroonan ko dahil dinig na dinig ko siya at malakas ang boses niya.
"Dalawa! Labas na Kana, labaaasss!" napapikit ako dahil sa takot, napaiyak ako sa takot. Hindi niya ako pwedeng makita, hindi niya ako pwedeng makita.
"Tatlo! Putang ina, mamamatay ka ngayun Kana kaya magdasal kana!" tinakpan ko ng aking mga kamay ang bibig ko dahil hindi ko na mapigilang humahulhol.
Kung ito man ang huling araw ko sa mundo, lord sana iparamdam mo sa pamilya ko na mahal na mahal ko sila. Iparamdam mo kay Lucas na hanggang sa huli kong hininga ay siya lang ang nasa isip at puso ko, sa mga magulang ko sana ipaalam mo sa kanila na kahit sa maikling sandali na nakasama ko sila ay masaya ako na naranasan kong mayakap sila ng mahigpit. Iparamdam niyo po kay Brandon na sobrang swerte ko dahil nagkaroon ako ng kaibigan na katulad niya. Lord, kung ito man po ang huling araw ko dito sa mundo, sana po ay mapatawad niyo ako sa aking mga pagkukulang sa inyu, kung hindi man po ako palasimbang tao, patawarin niyo po sana ako dahil sa mga pagkakamali ko. Patawad po.
"Kanaa, yohoooo lumabas kana at papatayin na kitang hayop ka!" sigaw ulit niya na medyo malayo sa akin, alam kong malayo siya sa akin dahil yung boses niya ay mahina.
Sinubukan ko munang i-stretch ang mga paa ko at nang masiguro na kaya ko nang tumakbo ay saka lang ako dahan dahang sumilip, nang hindi ko siya makita ay dahan dahan akong lumabas ng L300 Van at mabilis na tumakbo, hindi ko alam kung saan ako pupunta peru tumakbo lang ako ng tumakbo.
"Takbo Kana, ito na yun Kana makakauwi ka na." umiiyak akong tumakbo.
Natanaw ko ang gate ng warehouse kaya agad kong tinungo iyun, nakasara ito peru hindi naman naka lock kaya kahit sobrang bigat at mahirap buksan ay binuhos ko ang natitira kong lakas para tuluyang makalabas sa impyernong ito.
Mas lalo akong napaiyak nang paglabas ko ng gate ay may namamataan akong mga sasakyang dumadaan, may mga taong naglalakad di kalayuan. Kunti nalang at susuko na ang buong katawan ko sa pagod peru pinilit kong tumakbo papunta sa mga tao para makita nila ako at makahingi ako ng tulong.
"Tulong!" sigaw ko nang malapit na ako sa kanila.
"Tulong please, tulong!" huling sigaw. Huling sigaw na sa awa ng diyos ay may nakarinig at agad akong nilapitan.
"Tumawag kayo ng ambulansya!" sigaw ng isang lalake.
"Sino yan?"
"Kawawa naman."
"Saan kaya siya galing?"
"Walang awa ang bumugbog sa kanya."
"Teka, pamilyar yan ahh." saad ng isang babae.
"Hindi naman yan taga rito, paanong naging pamilyar?" tanong namang boses matandang lalaki.
"Si Kana yan eh, yung sikat na model yung taga kabilang squatters. Diba na kidnap siya at nawawala?" Nakahinga ako ng maluwag dahil sa wakas ay may nakakilala sa akin.
Hindi na ko makagalaw peru naririnig ko pa ang mga tao sa paligid ko, hindi ko lang maimulat ang mga mata ko.
"Tama, si Kana yan. Isang linggo na yang laging laman ng balita, bilisan niyo dalhin niyo sa hospital!" huling salita, huling boses na narinig ko bago ako tuluyang nagpatalo sa pagod at sakit ng katawan.
Pwede ka nang pumikit, pwede ka nang matulog dahil ligtas ka na, wala ka na sa kamay ng mga hayop na yun. Magpahinga ka na, ligtas ka na.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Girl
RandomWalang pinag-aralan, nakatira sa skwaters, madumi, mabaho peru matapang. Yan si Ellise Cruz, dalawamput tatlong taong gulang, nasubok na ng panahon ang katatagan kaya nagkukubli sa pagiging matapang. Sa skwaters na kanyang tinitirahan, tinitingala s...