Kana's POV
"Look at our baby Ellisio, she's with us now. She's finally home." narinig kong saad ng Mommy ko.
"And she will forever be home Sofia, I will never let anything happen to her again." saad naman ng Daddy ko.
Hindi siguro nila alam na gising na ako at nagtutulug tulugan lang dahil nahihiya akong humarap sa kanila at baka may muta pa ako o di kaya sobrang oily ng mukha ko tapos sila tapos nang maligo at sobrang fresh na at higit sa lahat baka mabahoan sila sa hininga ko.
Nang wala na akong naririnig na bulungan ay saka ko lang dinilat ang mga mata at mabilis pa sa alas kwatrong tinungo ang banyo para maligo at mag-ayos dahil ipusta ko man buhay ko ay siguradong babalik ang mga magulang ko para sa agahan.
Hindi parin ako sanay sa tuwing pumapasok ako sa banyo ko na sampung beses ata ang laki kaysa sa bahay ko noon sa skwaters, banyo palang yan isipin niyo peru kasya na ata ang limang pamilya sa loob. Mahihirapan pa nga siguro kami ni Bubwit na hanapin ang isa't isa kapag nagtaguan kami dito.
Pagkalabas na pagkalabas ko kasi ng ospital ay dito na ako dinala ng mga magulang ko sa bagong bahay este mansion na binili nila para tirhan namin habang inaayos pa daw ang mga documento ko. Masyadong malaki ang bahay na binili nila para sa aming apat, nakakapagod kaya hanapin kung saang sulok sila ng mansion naroroon at bawat liko ko ay katulong ang bumubungad sa akin. Pati nga si Brandon ay panay reklamo kesyo nakakapagod daw maglakad ng pagkalayolayo para lang matunton ang kwarto ko.
"Ely, breakfast is ready baby." tawag sa akin ng Mommy ko mula sa labas ng banyo, sabi ko sa inyu diba babalik agad siya.
"I'm almost done Mom." sagot ko habang nagpapatuyo ng buhok.
"Alright, we'll wait for you in the dining room baby." saad niya.
"I'll be down in a minute." sagot ko.
Nang matuyo ang buhok ko ay agad na akong lumabas ng kwarto. Medyo malayo pa ang dining room kaya medyo mahabang lakaran ang gagawin ko, hindi ko na nga kailangang mag gym dahil daig ko pa ang sumali sa walkathon araw araw.
Nang marating ko ang dining area ay nandoon na silang lahat at medyo nagulat ako nang makita ko si Ysa na katabi ng kapatid ko at tila daig pa sasali sa contest sa kaba at hiya at ano kaya ang ginagawa niya dito ng ganito ka aga?
"Good morning Dad." dito ako nasanay, bago matulog ay kailangan ko muna silang hanapin at mag good night with beso at tuwing umaga naman ay ganito, bumati ng magandang umaga at with beso din.
"Good morning princess." bati sa akin pabalik ni Dad.
"Good morning Mommy." gaya ng ginawa kong pagbati kay Dad ay bumeso din ako sa Mommy ko.
"Good morning baby." bati niya sa akon pabalik.
"Good morning Leo." bati ko kay Elliot, naki Leo nalang din ako dahil yun ang tawag nila mommy sa kanya.
"Good morning Ely." sobrang awkward niyang bati sa akin.
"At magandang umaga Ysa." last but not the least ang namumula na namumutlang si Ysa.
"Go-good morning Kana." awkward din niyang bati sa akin, ano ba nangyari sa dalawang to?
"Kasama mo si Brandon?" tanong ko sa kanya.
"Nope." tipid niyang sagot.
"May usapan ba tayo today na nakalimutan ko?" nalilito kong saad.
"Wala." tipid na naman niyang sagot.
"Eh anong ginagawa mo dito this early?" tanong ko na naman.
"Kasi tong baliw mong kapatid nag ayang lumabas kagabi, eh alam mo naman ako diba isang libong percent akong may crush dito kaya sumama ako tapos ayun nalasing ako,kami actually tapos pag gising ko nandito na ako sa mansion niyo." nakangiti niyang saad, para siguro hindi mahalata ng parents ko at ni Leo na nag maala ala mo kaya story na pala siya.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Girl
RandomWalang pinag-aralan, nakatira sa skwaters, madumi, mabaho peru matapang. Yan si Ellise Cruz, dalawamput tatlong taong gulang, nasubok na ng panahon ang katatagan kaya nagkukubli sa pagiging matapang. Sa skwaters na kanyang tinitirahan, tinitingala s...