Kana's POV
"Seryoso to?" tanong ko kay Brandon na nakangiwing tumango at hindi malaman kung magsasalita ba o hindi dahil alam na niya at nakita na niyang umuusok na ang ilong at tenga ko sa galit.
"Relax okay?" halos pabulong na niyang saad.
"How am I going to relax? Inaangkin niya Brandon! pinost pa niya at sa sobrang taas ng tingin niya sa sarili niya ay nakuha pa niyang itag ako. Alam naman niya ang mga tao sa social media, basta basta nalang naniniwala sa kung ano ang nababasa at nakikita nila." Hingal na hingal ako pagkatapos kong magsalita at napansin yun ng bodyguard ko na nakaupo sa passenger seat kaya inabutan niya ako ng bottled water na agad ko namang tinanggap, nakakauhaw din kayang magsalita with feelings.
"Kaya nga just relax and ignore him. Your followers know you Kana, hindi sila maniniwala sa kanya." mas lalo lang akong na beast mode dahil sa sinabi niya.
"Mapupuno na naman ng mga nega ang accounts ko, hindi na naman nila ako tatantanan." at umiyak na ako.
"Ano gusto mong gawin natin sa kanya?" tanong niya habang hawak hawak ng kamay ko.
"I will handle that guy tonight. Alam ko na talaga eh, noon pa lang makapal na talaga ang mukha niya." natawa lang si Brandon.
"I'll buy you a scraper para maging manipis ng kunti ang mukha niya." Ako naman ang napatawa niya habang nagpupunas ng luha sa mata.
Sobrang ganda na ng mood ko kanina eh, I had a great time with Dad, tapos sisirain lang ng gagong yun? Naku, kung nasa malapit lang sana siya ay nakatikim na siya ng suntok sa akin talaga. Mas malakas pa sa suntok ni Pacquiao, naku! Pag ako talaga hindi na nakapagtimpi ay ewan ko nalang talaga, mabubulabog ang buong Espanya!
"We're here Miss." Ayan tuloy hindi ko na namalayan na nasa estate na pala kami. Inalalayan ako ng isa sa mga bodyguards na makababa hanggang sa pinto ng mansion.
"Thank you." Saad ko bago tuluyang pumasok at laking pasalamat ko at umuwi agad kami dahil pagpasok ko palang ay naaamoy ko na ang napakasarap na chocolate cookies ni Mommy. Isang singhot pa ng halimuyak ng cookies ay tutulo na ang laway ko kaya, lakad takbo kong tinungo ang kusina na medyo malayo para makakain.
"Hey, be careful darling." Salubong sa akin ni Mommy na may bitbit na Jar na punong puno ng bagong lutong chocolate cookies.
"Is that for me?" excited kong saad.
"All for you, but don't eat too much coz it's not good for you and you know that." masaya akong tumango bago ko siya niyakap at saka inagaw ang jar sa kanya at agad tinungo ang kwarto ko.
"Thank you Mom." sigaw ko pa bago tuluyang umakyat ng hagdanan.
Pagdating ko sa kwarto ko ay naghubad lang ako ng sapatos at saka agad na humilata sa kama, yakap yakap ang jar ng cookies. Agad ko iyong binuksan at kumuha ng isa na dumiretso sa bibig ko, napapikit pa ako sa sarap habang nginunguya ang cookies.
"Whoa! Kakainin mo lahat ng yan?" narinig kong saad ni Brandon.
"Yeah" sagot ko.
"Itigil mo yan Kana, kahit alam kong napakasarap niyan itigil mo yan kung ayaw mong lumaki na parang drum. Diyos ko, patnubayan niyo ang babaeng ito." kinuha niya sa akin ang jar at doon pa ako dumilat at tiningnan siya ng masama.
"Give it back!" sigaw ko.
"Nope, let's try to fix something first." taas kilay niyang saad.
"Ano naman yun?" nakasimangot kong tanong habang nakatingin lang sa jar.
"So because of that dumbass's post, trending ka na naman at featured ka na or kayo sa halos lahat ng news worlwide, number 1 dito at sa Pilipinas. Dahil dun, marami ang kumo-contact sa akin asking for your side of the story blah blah blah alam mo na." now I don't want to eat anymore, nakakawalang gana.
"So ano ang dapat nating gawin?" I'm confused.
"Kung hindi tayo maglalabas ng statement ay aakalain nilang lahat na totoo dahil wala, cool lang tayo." dagdag pa niya.
"So ano nga ang gagawin natin?" tanong ko ulit.
"Well I guess we should post something in your social media accounts too." he suggested.
"Should we consult Dad about this?" baka magalit yun kapag gumawa kami ng move at hindi man lang siya kinunsulta.
"I gave him a call when we arrived and he said everything is up to you and whatever your decision is, they'll support you." sobrang swerte ko talaga sa kanila.
"Anong ipopost natin?" pagkatanong ko ay tumabi na siya sa akin bitbit ang cellphone niya.
"A picture of you I guess, then we'll give your side of the story sa caption." nagkibit balikat lang ako dahil wala naman akong idea kung ano ang dapat gawin talaga.
"Ikaw na bahala." saad ko saka inagaw kay Brandon ang jar at muli ay humilata sa kama katabi ng jar at nakapikit na ngumunguya ng cookies.
Habang nakapikit at nilalasap ang sarap ng cookies ay nakarinig ako ng click ng camera makailang beses peru hindi ko iyun pinansin at nagpatuloy lang sa pag ngayu. Ayokong masira ang moment ko at ng cookies ngayon, kanina pa ako takam na takam dito kaya hahayaan ko munang si Brandon ang mag ayos ng lahat at saka na ako papasok kapag fully charged na ako at hindi na masakit ang paa ko, which reminded me of the foot spa my Dad told me earlier, nasaan na kaya yun at medyo kailangan ko yun ngayon.
"And it's done." hindi ko siya pinansin at pinagpatuloy ang pag lamon. "Tingnan mo kaya muna at itigil mo sandali ang pag nguya mo diyan." muli ay bumangon ako at tiningnan ang pinost niya.
Ang nasa picture ay ako, yung ayos ko kanina ang kinunan niya ng picture. Nakahiga, yakap yakap ang jar ng cookies, nakapikit at nakangiti ng kasing tamis ng cookies. Binasa ko ang caption at gaya ng inaasahan ay pang one punch knockout, masasabi ko na talagang jack of all trades tong si Brandon at kahit saan mo ilagay ay mag e-excell siya.
"High five to this." at nag high five kaming dalawa bago muling nag agawan sa cookies.
----------------------------------------------------------------------
Ano sa tingin niyo ang post?
Sino sa tingin niyo ang nag post?
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Girl
RandomWalang pinag-aralan, nakatira sa skwaters, madumi, mabaho peru matapang. Yan si Ellise Cruz, dalawamput tatlong taong gulang, nasubok na ng panahon ang katatagan kaya nagkukubli sa pagiging matapang. Sa skwaters na kanyang tinitirahan, tinitingala s...