"Kana! Kana! si Olive pinagbubuhatan na naman ng kamay ni Damian!" sigaw ng isa sa mga kapitbahay ko, oo kapit bahay dahil literal na kapit kapit ang bahay namin dito sa skwaters area.
Gusto ko pa sanang magpahinga, umagang umaga sasabak na naman ako sa giyera, araw-araw naman talaga. Akala siguro ng mga tao dito eh super hero ako at ako lage ang tinatawag pag may gulo, halos nawawalan na nga ng gamit ang tanod at kapitan dito sa lugar namin.
"Anak ng pusang naglilihi naman oh, kay aga-aga!" Pagbangon ko sa papag ay deretso akong labas para salubungin ng mga taong animo nanonood ng pelikula. "Ano na naman ang dahilan at nambubugbog na naman yang Damian na yan?" Sigaw ko habang malalaki ang hakbang.
"Lasing daw Kana, ngayun lang umuwi at hindi daw nabigyan agad ng kape ni Olive." hindi ko na alam kung sino ang sumagot, basta isa sa singkwenta ka taong nakasunod sakin ngayun.
"Aba'y hindi naman kakapalan ang mukha ng lalakeng yan." Tanging sagot ko habang papalapit sa bahay ni Olive.
"Mahirap bang intindihin yun? Ang bilin ko sayo, kailangan handa na ang kape ko pagdating ko, simpleng utos hindi mo magawa! Wala ka talagang kwenta! Ang bagay sayo, ginagawang punching bag! Pinagpapractisan." Sigaw ng baliw na si Damian bago ko sinipa ang pintuan nila na animo papel na lumipad, gagawa din lang ng pinto hindi naman matibay, nilagyan pa ng lock.
Isang duguang Olive na hawak-hawak ni Damian sa buhok at Damian na aakmang susuntukin sana si Olive ang naabutan ko. Binitiwan ni Damian si Olive at hinarap ako.
"Kana." Tanging sabat niya.
"Aba, mabuti at kilala mo pa pala ako Damian. Kumusta buhay ngayun?" Sarkastiko kong tanong.
"Siyempre kilala kita Kana, sino ba namang hindi. Mabuti naman ang buhay, mahirap parin. Ano nga palang maitutulong ko sayo?" Ang lakas talaga ng apog ng lalaking to at parang walang kabulastugang nagawa.
"Naparito ako Damian dahil, may hihingin sana ako sayo. Hihingi sana ako ng katahimikan g*go ka! kay aga-aga nag iisturbo ka! nanakit ka pa walang hiya ka!"Sigaw ko sa kanya na napalingun naman sa asawang nakaupo sa sahig at pinupunasan ang duguang ilong gamit ang likod ng kamay nito.
"Pasensya na Kana, siya naman kasi hindi niya sinunod utos ko na ipag--"
"Hoy! kung ako din lang asawa no hinding hindi ko susundin utos mo! Ang kapal ng mukha mo, umaga ka na ngang umuwi dahil sa kakainuman tapos may gana kapang mang utos? Ano ka helo?" yumuko lang ang loko. "Humingi ka ng tawad sa asawa mo at sa mga tao sa labas ngayun din Damian." sumunod naman ito kaagad at nilapitan ang asawa, tinulungan itong makatayo.
"Patawarin mo ako Olive, hindi ko na gagawin yun ulit." Si Olive naman ay tumango lang at niyakap ang asawa, g*go talaga ang nakaimbento ng pag-ibig, ang dami na nitong naloko at nagawang tanga.
Nauna akong lumabas at sumunod naman si Damian, luminga linga muna ito sa mga tao na puno ng kahihiyan.
"Pasensya na kayong lahat sa nagawa kong gulo at sa isturbo. Hindi na to mauulit pangako." Wala namang nagsalita sa mga tao, ang tsismosa lang ang magbulong-bulongan sa isat-isa.
"Oh mga kapitbahay, tapos na po ang palabas. Magsiuwian na po tayo at simulan ang kanya-kanya nating buhay." sigaw ko sa kanila.
"Ang galing talaga ni Kana."
"Tapang ni Kana."
"Ano nalang kaya nangyari kay Olive kung waka si Kana."
Rinig kong saad ng mga tao habang papauwi ako sa bahay ko. Wala nang bago sa mga sinasabi nila, sanay na ako sa mga papuri nila, sa pag-iidolo nila sakin na alam kong hindi tama, dahil sino ba naman ako para tingalain nila? Pareho lang naman kaming lahat dito, kailangan maging matapang para mabuhay at hindi makain ng mabangis na mundo.
Nakapagpakilala naba ako sa inyu?
Hindi?
Oh siya, ako sa Ellise Cruz. Dalawamput tatlong taong gulang, graduate ako ng grade six, matalino daw ako sabi ng teacher ko nuon peru tingin ko nauntog lang siya nung sinabi niya yun, nagtatrabaho ako ngayun sa isang talyer kaya lagi akong madumi at mabaho, wala akong pamilya ibig sabihin mag-isa lang akong nakikipagbuno sa mundo.
Nasaan pamilya ko?
Yan ang hindi ko alam, lumaki ako sa ampunan. Sabi ng head ng orphanage na kumupkop sakin natagpuan daw akong mag-isa sa waiting area ng NAIA noong pitong buwan pa daw ako. Sinubukan nilang hanapin ang pamilya ko peru wala silang mahanap o tinamad lang talaga silang maghanap. Kaya ayun, kinuha ako ng DSWD at ipinasa sa orphanage. Inalagaan nila ako at pinag-aral peru kung akala niya ang ganda ng buhay sa orphanage mali kayo. Malupit ang mga tao dun, alas tres palang ng umaha gisinga na ang lahat para maglinis, magluto at maglinis ulit. Hating gabi na pinapatulog dahil pinalilinis pa kami ulit. Pag hindi ka tumulong o tatamarin ka, sasaktan ka, papaluin, hindi ka papakainin at sa malamig na sahig ka patutulugin. Kaya pagka graduate ko ng grade six ay naglayas ako bitbit ang deploma ko.
Naging palaboy ako, sa kalye ako natutulog at naglilimos ako ng pagkain. Hanggang sa may aling naawa sa akin at pinagtrabaho ako bilang katulong sa karenderya niya, at binigyan ng tirahan kung saan ako nakatira ngayun. Sa anak niya daw ito noon peru naglayas kaya ako ang pinatira niya. Pumanaw din siya kaya naghanap na naman ako ng bagong trabaho at sa talyer ni Onyok ako napadpad. Helper lang ako nung una, peru tinuruan niya ako kaya marunong na akong mag-ayos ng kung anong anik-anik na sira sa mga sasakyan.
Bakit Kana ang tawag nila sakin?
Madali lang sagutin yan, sisiw lang. Kana dahil yun ang tawag nila sa babaeng americana at pag lalake na americano naman ay Kano. Kaya Kana dahil sa dilaw kong buhok, maputla kong kulay at berde kong mata. Oo hindi daw ako pinoy, hindi ko din alam wala dito magulang ko para sagutin yan peru pag tumitingin ako sa salamin alam kong iba ako.
Maganda ba ako?
Maganda ako kung titingnan niyo ako ng nakapikit, lagi akong madumi hanggang mukha ko ang dumi lalo na pag nasa talyer ako, mukha akong taong grasa pag nasa trabaho ako at kahit naman pag nasa bahay lang ako madumi parin ako, sino ba namang malinis pag uling gamit mo sa pagluluto at halos wala pang tubig pang ligo.
Sexy ba ako?
Kung sexy ang stick eh, sexy din ako. Payat ako di dahil nag dadiet ako kundi dahil halos wala akong makain araw-araw, may trabaho nga ako hindi naman ako halos kayang buhayin peru okay nadin kaysa wala. Naglipana naman kasi ang talyer sa buong lugar kaya maraming kompitensya. Oo matangkad ako, 5'8 ang height ko, kaya tinitingala ako ng mga tao dito, ito rin siguro dahilan at natatakot yung iba sakin. Ginagawa na nga nila ako minsang pang sungkit ng kung ano-anu, mga damit na nilipad ng hangin at sumabit sa bobong, mga prutas at iba pang nasa mataas na bagay.
Ngayun alam niyo na kung sino ako. Hayaan niyo muna akong maghanda para makapasok sa trabaho. Dahil pag ako nahuli dahil sa kakakwento ko sa inyu, tatumbling si Onyok sa galit.
*********************
Tell me what you think about Kana pleaseeeeee.........
Tell me what you think about the first chapter pleaseeee..........
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Girl
DiversosWalang pinag-aralan, nakatira sa skwaters, madumi, mabaho peru matapang. Yan si Ellise Cruz, dalawamput tatlong taong gulang, nasubok na ng panahon ang katatagan kaya nagkukubli sa pagiging matapang. Sa skwaters na kanyang tinitirahan, tinitingala s...
