Kana's POV
"Viva Espanya! Viva Espanya! Viva!" yan, yan lagi ang pang gising sa akin ni Brandon tuwing umaga at sobrang sakit niya sa tenga promise.
"Shut up!" saad ko saka tinakpan ng unan ang tenga ko.
"Gising na mahal na prinsesa at alas diyes na ng umaga. You need to eat breakfast at maghanda dahil kailangan nating pumunta sa office ng Daddy mo today." mas lalo lang bumigat ang katawan ko dahil sa pagpapa alala niya na aalis na naman kami ng bahay today.
"Pwede bang bukas nalang? I'm so tired Brandon." saad ko peru, hinila lang niya ang kumot at parang nagsitayuan ang balahibo ko sa katawan dahil may parang hangin na umihip sa katawan ko.
"Nope, bangon na. Ilang araw na nating minomove ang request ng Dad mo dahil lagi kang pagod kaya please bumangon ka na dahil nakakahiya na sa Daddy mo." dalawang linggo na nga yata kaming laging nagrereschedule dahil sa lagi akong pagod at oo nga, nakakahiya na kay Dad. Nakasimangot akong bumangon at pumuntang banyo habang nakasunod naman sa akin si Brandon, kasi kapag hinayaan niya akong pumasok sa banyo mag-isa ay tutulugan ko na naman siya loob at ilang beses na atang nangyari yun.
Almost four months na kami dito sa Spain at kung nakakalula ang mansion ng mga magulang ko sa Manila, ay naku sa maniwala kayo't sa hindi ay mas nakakalula ang palasyo nila dito sa Spain. Sobrang laki ng ng mansion na siguro kasya ang buong nakatira sa skwaters na tinitirhan ko noon at may sobrang laking bakuran pa kung saan naglalaro ng golf sila Daddy at mga kaibigan niya, meron ding olympice sized swimming pool na pwedeng i-adjust ang lalim, isang pindot lang sa remote ay bababa ang sahig ng pool at isang pindot lang din ay pwede siyang umangat, bumabaw at mag level sa lupa. Daig pa namin ni Brandon ang mga bata nung una naming makita yun, nalaglag ang panga namin sa sahig sa sobrang pagkamangha at agad kaming nagtampisaw sa tubig.
Bakit kasama ko si Brandon dito?
Sinama ko talaga siya dahil para ko na siyang kapatid at hindi ako sanay na wala siya, magaan ang mga araw ko kapag nasa paligid si Brandon at para narin makatulong siya sa pamilya niya na naiwan sa Pilipinas. Ayaw pa niyang sumama nung sinabihan ko siya dahil nahihiya nga daw siya, peru alam kong gusto lang niya magpapilit dahil alam ko naman na walang hiya sa katawan ang tao to. Wala namang problema sa parents ko dahil gusto nila si Brandon, lagi kasi silang napapatawa ni Brandon at bet ni Mommy ang make up skills ni Brandon, si Daddy naman ay paminsan minsan ginagawang stylist si Brandon kapag may event siya na dadaluhan.
"Breakfast time Kana." nakasuot lang ako ng roba at nakabalot naman ng tuwalya ang buhok ko peru agad na niya akong hinila papunta sa dining area na kasya ata ang thirty people. Sabay kaming kumain at pagkatapos ay balik ulit kami sa kwarto ko dahil aayusan niya pa ako, bawal na daw kasi akong lumabas ng hindi nakaayos dahil sa sobrang daming paparazzi sa paligid.
Long sleeved white dress na medyo mababa ang neckline, hapit sa beywang peru flowy ang baba, hanggang tuhod ko ang haba at sobrang cute tingnan. Gusto ko kasi ang may floral embroidery sa may waistline. Natural look ang make up ko gaya ng dati, concealer, powder, light contour, eyeliner, mascara, kilay is life at nude lipstick. Ang buhok ko naman ay pinlantsa niya para maging straight saka niya ginawang high ponytail. Nagtalo pa kami ni Brandon sa sapatos dahil gusto ko mag flats nalang peru ayaw niya dahil pupunta kami sa office ni Dad at kailangan daw medyo classy and formal kaya dapat mag heels kaya, ayun nag nude heels ako.
"Pipicturan muna kita para sa social media mo." nagphoto shoot galore pa kami ng mga twenty minutes bago kami tuluyang nakaalis.
Pagbaba ko palang ng sasakyan ay sinalubong na agad kami ng mga reporters at nagpupumilit magtanong tungkol nga daw sa trending na balita na alam na namin ni Brandon kanina pa habang kumakain kami. Sa tulong ng mga bodyguards ko ay maayos kaming nakapasok ng building. Unang beses ko palang dito sa Hererra International na pag-aari ni Dad at nakakaloka na agad lobby palang, wala akong alam masyado sa interior design peru alam ko na sobrang ganda ng pagkakatrabaho ng lobby at pang world class sa ganda. Kilala na ako ng mga tao dito dahil ilang araw pagdating namin dito ay nagpa welcome party ang parents ko na ginanap sa mansion at lahat ng empleyado pati janitor ay present kaya kilala na nila akong lahat.

BINABASA MO ANG
The Billionaire's Girl
De TodoWalang pinag-aralan, nakatira sa skwaters, madumi, mabaho peru matapang. Yan si Ellise Cruz, dalawamput tatlong taong gulang, nasubok na ng panahon ang katatagan kaya nagkukubli sa pagiging matapang. Sa skwaters na kanyang tinitirahan, tinitingala s...