Lucas's POV
Kana's slowly recovering, unti unti ay lumiliwanag na ang mukha niya, unti unti ay bumabalik na ang kislap ng kanyang mga mata, malapit nang bumalik si Kana.
Hindi ko alam kung papaano napapayag ni Brandon na magpatingin si Kana sa psychiatrist peru kahit ano pa ginawa niya basta ang mahalaga ay nagpatingin si Kana. Binigyan siya ng doctor ng antidepressant at sleeping pill kapag hindi siya makatulog, tuwing lunes at biyernes naman ay may counseling siya na malaki ang tulong sa kanya. Doon nasasabi niya ang nasa isip niya at nararamdaman niya at nabibigyan siya ng mga nararapat na advice on how to deal with her sadness.
Simula naman nung paghatid ko sa doctor ay hindi ko na siya pinuntahan ulit. Nakakaramdam ako ng takot na baka pag nakita niya ko ay maalala na naman niya ang kalungkutan at magkulong na naman siya sa kwarto. Ayoko, ayokong mangyari sa kanya ulit yun. Tuluyan nang natunaw ni Kana ang bato kong puso at ngayun ay ramdam ko na ang takot na nararamdaman ng iba kapag may nangyayaring hindi maganda sa mga taong importante sa kanila, nararamdaman ko na lahat.
Hindi, dapat matigas ang puso ko, hindi ako dapat magpaapekto dahil alam kong yun ang hihila sa akin pababa. People will take advantage of my softness, they will pull me down and i wont let that happen.
"Sir, may bisita po kayo." nakangiting saad ni Anna bago pinapasok si Kana.
Ripped jeans, oversized hoodie at naka tsinelas lang. Ganyan ang ayos ni Kana ma pumasok sa opisina ko. She looked so cute that i want to hug her but no, hindi dapat ako nagpapadala at kailangan tigasan ko ang puso ko. Para sa ikakabuti niya at ng mga taong umaasa sa kompanya.
"Diba dapat nasa bahay ka at nagpapahinga?" malamig kong saad habang siya ay diretso sa sofa at umupo dun na parang nasa bahay lang din at nakapatong ang dalawang paa.
"Wala si Brandon may shoot." paos niyang saad. Wait bakit siya paos?
"Are you okay?" tanong ko habang masusing tiningnan ang kanyang mukha.
Mapupungay na mga mata, mapupulang pisngi at maputlang labi. Agad na pumasok sa isip ko na may sakit siya kaya agad ko siyang nilapitan at hinipo ang kanyang noo.
"May lagnat ka." agad na akong binalot ng pag-alala, pilit ko mang pinipigilan ay hindi ko kaya.
"Kaya ako pumunta dito dahil malamig sa bahay." halos pabulong na niyang saad.
"Dadalhin na kita sa hospital para matingnan ka." aalis sana ako para kunin ang coat ko peru hinawakan niya ang kamay ko.
"Maupo ka nalang please?" naupo ako sa tabi niya. Tumayo naman siya at umupo sa kandungan ko at ipinilig sa aking dibdin ang kanyang ulo."Gusto ko lang matulog peru ayoko matulog mag-isa sa bahay."
Nanigas ako at hindi ko alam ang gagawin, hindi ko siya pwedeng paalison lalo pat parang natutulog na nga siya, hindi din naman ako pwedeng gumalaw dahil baka magising siya. Dahan dahan ko nalang inabot ang phone ko saka tinawagan si Anna.
"Si-" hindi natapos ni Anna ang sasabihin nang makita ang ayos namin ni Kana, yung unang nabiglang mukha ay agad na napalitan ng ngiti.
"Sssshhhhhh, wag ka maingay. Pakibili ng gamot si Kana at may lagnat siya." saad ko kay Anna sa pinakamahinang boses na kaya ko.
"Okay po, peru sir pwede po kayong lumipat sa room niyo sa taas para makapagpahinga siya ng maayos." bulong ni Anna.
"Just go, tatawagan nalang kita if you need to bring it there." pagka-alis ni Anna ay pinaalam ko naman kay Brandon na may sakit si Kana at wag siyang mag-alala dahil nasa pangangalaga ko siya.
Ilang minuto din kaming nasa ganung posisyon ni Kana hanggang sa mapagdesisyonan kong dalhin nalang siya sa kwarto ko sa pinaka top floor ng building. Ginagamit ko lang amg kwartong yun kapag sobrang pagod na akong umuwi sa condo ko o di kaya ay kapag kailangang maaga ako sa opisina at ayokong ma traffic.
Buhat buhat ko si Kana na mahimbing parin ang tulog, nabuhat ko na siya noon kaya alam kong nagbago ang timbang niya. Mas magaang siya ngayun kumpara dati. Paglabas namin ng elevator ay nahirapan ako sa pag punch ng code sa kwarto at nakailang ulit ako nago tuluyang bumukas. Agad ko siyang binaba sa kama at binalot ng kumot dahil nilalamig siya, peru nang aalis na sana ako ay hinawakan niya ang kamay ko.
"Wag mo ako iwan." pabulong niyang saad.
Hinubad ko nalang ang sapatos ko at tinabihan siya. Agad siyang nagsumiksik sa akin, niyakap ako at ginawang unan ang dibdib ko. Niyakap ko nalang siya pabalik para kahit papaano ay mainitan siya.
Hindi ko inakala peru unti-unti kong nararamdaman ang damdaming matagal ko nang kinalimutan at pilit iniiwasan. Gusto kong magsimula ulit peru kinakain ako ng takot, ayokong mangyari ulit ang nangyari noon. Masyadong fragile si Kana, masyado siyang inosente sa mga nangyayari sa paligid niya, hindi niya kakayanin.
Gusto ko siyang iwasan peru pilit kaming pinaglalapit ng panahon, hindi ko alam kung bakit pinapirma pirma ko pa siya ng kontrata, ako tuloy ang nahihirapan kumawala ngayun at hindi ko alam kong ramdam din ba niya ang nararamdaman ko.
Paano kung pagpapanggap lang ang ginagawa niya gaya ng lagi kong sinasabi sa kanya. Paano kong ako lang ang nahuhulog sa aming dalawa, kailangan ko pa ba siyang ligawan gaya ng ginagawa ng iba o hihintayin ko nalang ma mahulog din siya.
Peru alam kong sakit lang ang maibibigay ko sa kanya at lalambot ang puso ko at pagsasamantalahan ako ng mga sakim na negosyante sa paligid ko. Ayokong mangyari yun at mas lalong ayokong masaktan si Kana. Sa ginawa ko para akong tumalon sa bangin at umasang may siraulong tao na nag-iwan ng foam sa ibaba para sumalo sa akin.
Risks, i need to take risk para kay Kana. Kailangan ko ding tanggapin ang outcome maganda man o hindi. Para kay Kana, gagawin ko lahat para kay Kana.

BINABASA MO ANG
The Billionaire's Girl
RandomWalang pinag-aralan, nakatira sa skwaters, madumi, mabaho peru matapang. Yan si Ellise Cruz, dalawamput tatlong taong gulang, nasubok na ng panahon ang katatagan kaya nagkukubli sa pagiging matapang. Sa skwaters na kanyang tinitirahan, tinitingala s...