CHAPTER TWENTY SEVEN- IT'S OFFICIAL

6.7K 151 3
                                    

Kana's POV

Kanina pa ako palinga-linga para hanapin si Brandon peru lahat ng sulok ng venue ay natingnan ko na peru hindi ko parin siya makita. Kaya ko siya hinahanap dahil magpapa-rescue ako, kanina pa ako hila hila ng hudlom na si Lucas at ipinapakilala sa mga negosyanteng kakilala niya, akala ko sapat na yung kanina bago ko pa makilala ang parents niya peru one fourth palang pala yun. Sobrang sakit na ng paa ko at nasusugatan na ata dahil sa kakalakad parito't paroon.

"Mr. St-Pierre it's time for your speech." nang marinig ko yun mula sa host ng show ay halos mapasigaw ako at magpasalamat sa diyos, muntik ko na ngang mayakap ang host dahil hulog siya ng langit.

"Come with me." akala ko tapos na, hihilahin na naman sana niya ako.

"Ikaw lang magbibigay ng speech diba?" tanong ko sa kanya.

"Yes." tipid niyang sagot.

"So bakit kailangan ko pang sumama?  Ang sakit na ng paa ko kakalakad at kakasunod sayo kanina pa, nakalimutan mo atang kasing taas ng building mo ang takong ko. Nasusugatan na nga ata ako eh at ang sakit sakit na talaga." hindi man ako artista ay ginalingan ko ng kunti ang acting ko, baka sakali naman at maawa siya sa akin.

"Pwede ba wag ka nalang mag reklamo at sumama ka nalang sa akin?" wala talagang puso!

"Alin ba sa sinabi ko ang hindi mo maintindihan? Halos hindi na nga ako makalakad eh." nag-aaway kami habang nagbubulungan dahil nakakahiya naman sa mga bisita kapag magsigawan kami.

"Hindi kana makalakad?" Tumango lang ako bilang sagot.

Akala ko maaawa na siya sa akin at hahayaan akong maupo pagkatapos ng isang daang taong paglalakad ay nagkamali ako. Walang pasabi niya akong pinangko ay binuhat paakyat ng stage, namilog ang mga mata ng mga bisita at nagbulong bulongan naman ang iba. Wala namang tigil ang pagkislap ng mga camera mula sa official photographers ng event.

"Nababaliw ka na ba? Ibaba mo ako ngayun din Lucas!" napahawak nalang ako sa leeg niya peru gustong gusto ko na talaga siyang sapakin.

"Will you please just go with the flow and shut up?" siya pa ang galit Pagkatapos talaga ng launch na to lagot talaga sa akin tong lalaking to, makakatikim talaga siya.

Pagdating namin sa taas ng stage ay dahan dahan niya akong binaba, wala akong ibang nagawa kundi ang ngumiti ng pilit dahil nasa amin lahat ng mata ng mga bisita, pati na ng mga magulang niya at ng kapatid niya na nakangiti ng makahulugan. Bigla bigla na naman niyang hinawakan ang kamay ko kaya napalingon ako sa kanya at nakakainis siya tingnan dahil sobrang tamis ng ngiti niya.

"Good evening everyone, first of all i would like to thank all of you for coming here and experience St-Pierre Scents. I would like to thank the people behind SPS's huge success, for making all my idea possible, for the patience and dedication. Thank you to my family also for all the support, my Dad, Mom and my sister thank you." tiningnan ko ang direction ng mga magulang niya at nakakaantig ng puso dahil sobrang proud nila tingnan sa kanilang anak na sobrang layo na ng narating. " And lastly to this beautiful lady beside me." napalingun ako sa  kanya para malaman sana kung ano ang gagawin niya peru huli na dahil bigla nalang niya akong niyakap ng mahigpit.

"Ahm.. Ano  to Lucas?" bulong ko sa kanya.

"Just go with the flow." sagot niya.

"Kanina mo pa sinasabi niyan at para malaman mo malapit na ako sa dagat kakago with the flow mo!" wala nang kabuluhan ang mga pinagsasabi ko dahil sa mga pakulo ng hudlom na to.

Mga dalawang minuto din niya akong yakap-yakap ng mahigpit, habang sobrang tahimik naman ng mga tao sa paligid. Wala akong marinig kahit kaluskos at ang tanging naririnig ko lang ay ang mabilis na pintig ng puso, hindi ko alam kung puso ko ba yun o puso niya peru malabong sa kanya yun dahil wala naman talaga siyang puso.

"This lady beside me inspired me with her simplicity, innocence and beauty. She came to my life after we made SPS's but it describes her perfectly, SPS is made for her, she is SPS my baby." huminto ng mga isang minuto ang pag-ikot ng mundo. Ako baby niya? "I made her SPS's scents face because i want her to be a part of it, she is special to me and tonight i want you all to witness as i show her how special she is to me." kompirmado may sayad sa utak tong lalaki to, galit galitan pa siya sa akin tapos special daw ako sa kanya? Wow sobrang special ko naman ata at ganun niya ako tratuhin.

"Ipaliwanag mo nga muna sa akin to?" lumapit ako sa kanya at binulungan siya habang nakangiti, ang hirap gawin nun diba? Peru naguwa ko talaga.

"Magmukha ka lang masaya at matatapos din to." sagot naman niya at hinalikan ang noo ko. Sumosobra na talaga siya, chansing na talaga ang ginagawa niya sakin ha.

Lumuhod siya sa harap ko at may kinuhang maliit na kahon mula sa bulsa niya. Binuksan niya yun at tumambad sa akin ang isang heart na pendant na medyo nakapagpahinga ng maluwag sa akin, akala ko gaya na nung napapanood ko sa tv na singsing ang laman.

"Ellise Cruz, will you be my girlfriend?" Nabigla ako sa tanong niya at namilog talaga ang mata ko, tinatanong niya ako kung gusto ko bang maging girlfriend niya?

Ano kaya gagawin niya sa akin pag tumanggi ako? Ipapapatay kaya niya ako? Ipapakain sa piranha dahil pinahiya ko siya? Tumingin ako sa mga tao na naghihintay ng sagot ko at tumingin ako ulit sa kanya, nagsalubong na ang kilay niya at kunti nalang at uusok na ang ilong niya.

"Teka ano nga ulit?" kung kami lang  dalawa dito siguro nagmura na siya sa galit.

"Will you be my girlfriend?" pinipilit niyang maayos ang boses niya dahil alam kung gusto na niyang sumigaw sa galit.

Lumapit ako sa kanya at binulungan siya. "Ano isasagot ko? Oo, yes, sure, okay, or sige na nga?" ramdam ko ang pagpipigil niyang itapon ako sa labas na muntik ko nang ikataw.

"Just say yes damn it!" pabulong peru mariin niyang sagot. Umayos ako ng tayo at tumingin sa kanya at nginitian siya.

"Yes" tipid kong sagot. Nagpalakpakan naman ang mga tao.

Tumayo siya mula sa pagkakaluhod at kinuha ang kwentas na akala ko pendant lang kanina at isinuot sa akin. Pagkatapos niyang isuot sa akin ay niyakap niya na naman ako at muli hinalikan ang noo ko. Chansing na naman ang loko. Peru kung akala niya  tapos na to hindi pa dahil mahabang paliwanagan to mamaya.

Alam ko naman may kontrata kami peru hindi ko alam na ngayun na ang simula nun at sa ganitong paraan pa. Nakakahiya na muntik na akong matunaw sa hiya sa harap ng napakaraming tao. Lagot talaga sa akin ang lalaking to. Isa pa yung si Brandon na kung kailan kailangan ko siya ay saka pa wala.

Teka paalala niyo nga sakin kung bakit ako napunta sa sitwasyon na to?

The Billionaire's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon