Lucas's POV
Nandito na sa opisina ko kanina pa ang head and incharge ng marketing department, gaya ng inaasahan they all look tense and scared. Wala nang bago sa mga galaw nila pag nasa paligid ako at ayokong mag bago yun.
Ngayun ang araw ng meeting namin with Ameri-Kana, hopefully everything will go according to plan, it should be. She made us wait for her, so she should agree with whatever offer we give her. No one refuses me, no one refuses St-Pierre Industries, no one.
What i expect about her?
Inaasahan ko siyang maging maarte, demanding, maingay, makapal ang make-up at kung ano pang ugali ng mga modelong akala nila makukuha nila ang lahat sa ganda. Ganun ang inaasahan ko sa kanya dahil, alam kong sa likod ng inosente niyang mukha sa mga pictures ay nagtatago ang totoong pagkatao niya. Magaling manlinlang ang litrato, magaling manlinlang ang mukha ng isang modelo. Alam nila kung paano magpabago-bago ng emosyon sa loob ng isang minuto, kaya kung bobo ka mauuto ka nila. Peru hinding hindi nila mauuto ang isang Lucas St-Pierre, para sa akin isa na silang bukas na libro, lahat ng pahina nabasa ko na kaya alam ko na kung ano ang nasa dulo. Pera lang ang katapat nilang lahat.
Natigil ako sa pag-iisip nang biglang bumukas ang pinto ng opisina ko at iniluwa doon si Ana, kasunod ang isang lalaki at babae.
"Good afternoon everyone. I would like you all to meet, Brandon and Ameri-Kana." Pakilala ni Ana sa kanila. Tumayo ang head and incharge ng marketing department para batiin ang dalawa peru nanatili akong nakaupo sa swivel chair ko.
Una kong tiningnan ang lalaki na nakataas lang ang kilay at walang ka ngitingiti habang nakikipag kamay sa empleyado ko. Nakasuot ng khaki pants at polo, medyo malambot gumalaw at ang pagkumpas ng kamay ay nagpapahiwatig na hindi siya straight, wala namang problema doon. Sunod kong tiningnan ang babae, tattered skinny jeans, white v-neck shirt, denim jacket and boots. She has a good sense of fashion and clean, not like what she's posting on IG all stained, dirty and rugged clothes. She looks neat, clean and cool with what she's wearing today. Her face, she's not caked up with make-up like what i expected, i can't tell if she's even wearing a make-up, her face looks so natural. Like in her pictures, her face is full of mystery, her green eyes, her blonde hair.
"Sir?" natigil ako sa pagtitig sa babae nang kunin ni Ana ang atensyon ko na nasa tabi ko na pala. "Sir, meet Brandon Ameri-Kana's manager and Ameri-Kana." tumayo ako at kinamayan ang lalake at ang babae. Isa lang ang masasabi ko nang magdaop ang kamay namin ng babae, mas malambot pa ang kamay ko sa kanya.
"We're so glad to have the two of you here." saad ko na paring hindi narinig ng babae, palinga linga lang ito sa buong opisina na parang ngayun lang nakapasok sa ganitong lugar.
"The pleasure is ours Mr. St-Pierre." ang manager ang sumagot.
"So let's go down with business shall we?" giniya sila ni Ana sa upuan nilang dalawa sa sofa sa harap ng table ko na katabi ng sofa na kinauupuan ng marketing staff.
"So, let us hear your offer Mr. St-Pierre." napangiti ako ng bahagya sa lakas ng loob ng manager ng Ameri-Kanang ito. Sinyales na hindi niya ako kilala when doing business.
"We want Ameri-Kana to be the St-Pierre scents endorser. We want her to be SPS brand ambassador, we want her to be SPS's face Brandon." Hindi man ipinapakita ni Brandon, ramdam ko ang pagkabigla niya na agad naman niyang pinalitan ng isang makahulugang ngiti.
"As you all know, Kana here doesn't have any modeling experience. She's new with all of the things that's happening right now and there's a lot of experienced and well known models around and that leads me to the question, why her?" he is smart, he cares for his talent, good trait for a manager like him.
"We can choose anyone we want, we can hire international models if we want but SPS is new, SPS is like a newborn baby and like Kana she is fragile and needs a lot of care. That's what Kana have, she's new, she's newborn in this business, she's fragile. She's perfect to be the face of SPS." paliwanag ko na mukhang naintindihan naman ni Brandon base sa ekspresyon ng mukha niya. Habang ang babae naman ay parang batang walang kamuwang muwang na palipatlipat lang ang tingin sa aming dalawa ni Brandon.
"What if the people won't like her Mr. St-Pierre?" kinuha ko ang laptop sa harap ko at ipinakita sa kanila ang IG profile ni Kana na may more than one million followers.
"Why would people follow a stranger if they don't like her, and think of it one million plus people Brandon, one million plus in just what three weeks? That's a sign that people likes her." tumango lang si Brandon, he is scared for his talent. I can see in his face that he doesn't want Kana to fail.
"So let's go to the price."I'm starting to be impressed with this guy, very straight forward.
"She will be SPS's face for a year and we are offering three million pesos." Naubo si Brandon pagkabanggit ko ng halaga ng pera.
Nagtanong naman ang Kana at binulungan ito ni Brandon, nanlaki din ang mata nito sa kung ano mang binulong ni Brandon dito.
"Hindi, masyadong malaki ang tatlong milyon." Nanlaki ang mata naming lahat nang marinig ang sinabi niya.
Her voice is so soft and sweet while she speaks. Parang bulong lang ang sinabi niya peru narinig naming lahat, nanlaki ang mata ng marketing staff dahil kung ibang modelo pa to ay magdedemand pa ng dagdag at sa mukha niya ay hindi mo aasahang sobrang galing niyang mag tagalog.
"Isang taon kang magtatrabaho sa amin Miss Kana kaya three million is the right price." saad ni Ms. Aranda ang head ng marketing department.
"Masyadong malaki ang tatlong milyon para sa isang baguhang katulad ko." tipid niyang sagot.
"Pagtatrabahuan mo naman ang tatlong milyon Kana, hindi naman siya ibibigay lang sayo." pamimilit ni Ms. Aranda.
Hindi ito sumagot sa halip ay bumulong lang kay Brandon.
"Isang milyon, yan lang ang gusto niya. One million pesos for one year, that's what she wants." are they for real? Tatanggihan nila ang tatlong milyon?
"But why?" out of curiosity kong tanong.
"Okay, my talent here is new alam na nating lahat yun. She's a girl with a principle in life, if she thinks that amount of money is more than what she deserves she won't accept it. So right now let's settle with one million pesos or we are calling this off." they are unreal.
Kung ang ibang manager papagalitan or hindi pakikinggan ang talent nila just to gain more money, itong so Brandon ay sinusunod talaga kung ano ang gusto ng talent niya.
"We are new in this business Mr. St-Pierre and for now one million is enough for us." tumango lang ako at sininyasan si Ana para sa kontrata.
Habang ipinapaliwanag ni Ana at ni Ms. Aranda kay Brandon ang laman ng kontrata ay napako naman ang tingin ko sa babae, kay Kana. She is sitting still beside Brandon, watching intently and then her eyes met mine. I look straight in her emerald eyes, hindi ko siya mabasa, maraming emosyon ang nasa mga mata niya. Alam niyang tinitingnan ko siya peru hindi siya nagbawi ng tingin, tinitigan din niya ako. She's doing what exactly i'm doing, she's studying me too. Ako ang unang nagbawi ng tingin, hindi ko alam peru ayokong mabasa niya kung ano man ang nasa mata ko.
Pagkatapos mapirmahan ang kontrata ay pinagtabi nila kami while shaking hands at kinunan ng picture. Tiningnan ko siya habang nagkakamay kaming dalawa, she's smiling while looking at the camera, she's smiling but she looked scared and nervous, her hand is even sweaty.
"Thank you sa pag pili sa akin Mr. St-Pierre." Saad niya habang nakatingala sa akin, magkadaop parin ang kamay namin.
"No, i should be the one thanking you for choosing us." nagsalubong lang ang kilay niya sa sinabi ko. Nagsalubong din ang kilay ko habang tinitingnan siya, what's with this girl?
Para siyang pusang nawawala at bilang lang ang alam na salita.
![](https://img.wattpad.com/cover/128621057-288-k97384.jpg)
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Girl
De TodoWalang pinag-aralan, nakatira sa skwaters, madumi, mabaho peru matapang. Yan si Ellise Cruz, dalawamput tatlong taong gulang, nasubok na ng panahon ang katatagan kaya nagkukubli sa pagiging matapang. Sa skwaters na kanyang tinitirahan, tinitingala s...