Kana's POV
Hindi na kami nagtagal ni Brandon sa bahay ko dahil pinasundo kami ng hudlom, buti nalang at dinalhan ako ng damit at sapatos ni Brandon dahil kung hindi ay rarampa ako palabas ng skwaters na naka gown.
"Oy Kana, sikat ka na wag mo kami kalimutan hah."
"Kana pa picture."
"Kana pa pirma naman nitong case ng cellphone ko."
"Kana bisitahin mo kami minsa ha."
Ilan lang yan sa mga sinabi ng mga kapitbahay ko. Nagkumpol-kumpol sila at nakasunod sa amin ni Brandon palabas ng skwaters, gusto ko tuloy maiyak peru para naman akong pupunta sa ibang planeta, nasa Pilipinas parin naman ako at isang sakay lang ng taxi nasa skwaters na ako.
Pinagbigyan ko ang mga nagpapapicture at nagpapapirma ng mga kung anu ano. Nahihiya man akong gawin dahil hindi naman ako ganun ka sikat at si Kana parin naman ako ay mas nakakahiya naman kung tatanggihan ko sila.
"Ate Kana!" bigla akong napalingon sa kinaroroonan ng boses.
"Bubwit." Agad ko siyang nilapitan at niyakap ng mahigpit.
"Hindi ka na po ba babalik?" mangiyak ngiyak niyang tanong.
"Babalik pa ako syempre at hindi naman ako pupunta sa malayo, doon ako pupunta sa business city kung tawagin niyo."
"Pwede ka po namin dalawin?"
"Oo naman, kahit kailan niyo gusto okay lang."
Nagpaalam na ako kay Bubwit at mga batang naging malapit na rin sa akin. Sa mga kapitbahay ko, mga tambay sa kanto at sa buong skwaters. Pagpasok ko sa sasakyan ay napabuntong hininga nalang ako dahil sa nangyayari. Pagkatapos ng mahabang panahon ay makakalabas na rin ako sa skwaters na nagsilbi kong tahanan.
"Are you ready Kana girl?" Biglang saad ni Brandon na nasa tabi ko na pala, tinanguan ko lang siya. "Kung kinakabahan ka, itigil mo na dahil walang masamang mangyayari Kana, okay ang lahat."
"Okay ang lahat maliban sa hudlom na Lucas na yun Brandon." Uminit na naman ulo ko nang pumasok sa isip ko ang pangalan ng lalaking yun.
"Alam mo tama ka, peru wala na tayong magagawa dahil nangyari na ang pag pirma mo ng kontrata, tatanga tanga kasi."
"Sipain kaya kita palabas ngayun?"
"Sus! Para namang kaya niya akong saktan." ayan, alam kasi niyang siya lang ang di ko kayang saktan.
"Tumahimik ka na nga lang!" itinuon ko sa labas ang atensyon habang nasa cellphone naman nakatingin si Brandon.
"Oy tingnan mo oh may fans club na ang LuNa." halos idikit na niya ang cellphone sa mata ko.
"Sino naman yang Lana na yan?" anong paki ko sa kung sinong Lana na pinagsasabi niya?
"Luna! Hindi lana, tsss maganda nga bingi naman." siniko ko siya ng malakas.
"Sino ba kasi yan?" kung bakit kasi hindi nalang ipaliwanag agad.
"LuNa, ang love team niyong dalawa ni Lucas. Lucas at Kana equals LuNa, diba ang galing?" kilig kilig pa niyang paliwanag sa akin.
Magsasalita pa sana ako peru huminto na ang sasakyan sa harap ng building ng companya ng hudlom.
"Kuya akala ko didiretso po tayo sa bagong palasyo ni Kana?" tanong ni Brandon sa driver.
"Sir sabi po ni sir Lucas ay dumaan muna dito si Ma'am Kana at kayo lang po muna didiretso sa bahay ni Ma'am." paranf robot na saad ni ng driver.
"Kuya hindi pa po ako naliligo, ang gulo po ng buhok ko, ni hindi po ako nakapag toothbrush kaya diretso nalang po tayo." reklamo ko sa kanya.
"Sorry po peru kailangan po sundin ang utos ni Sir."
"Please kuya? Pleaseee?"
"Hindi po talaga pwede Ma'am." bakit ba kasi hindi pwedeng suwayin ang hudlom na yun?
Wala kaming nagawa ni Brandon peru imbis na lumabas akong mukhang zombie ay mabilis na inayos ni Brandon ang buhok ko, pinusod niya iyun ng mahigpit. Nilagyan niya ng concealer ang ilalim ng mata ko dahil may eyebag daw ako, kunting powder, blush on, at lipstick ang nilagay niya bago ako pinalabas ng kotse. Nakasuot ako ng itim na pantalon, puting crop top na pinatungan ng itim na leather jacket.
Buti nalang talaga at inayusan ako ni Brandon dahil paglabas ko ng kotse ay halos sabay ang pagtunog ng mga camera at mga reporters na pinaulanan ako ng tanong. Mabuti nalang at tinulungan ako ng guard na makapasok.
Pagpasok ko sa lobby ay taas kilay ang sinalubong ng receptionist sa akin, habang ang iba naman ay ngumiti sa akin na nginitian ko naman.
"Good morning Kana, dumiretso ka nalang sa loob." bungad sa akin ni Ana paglabas ko ng elevator sa palapag ng opisina ng hudlom.
Kakatok pa sana ako peru sabi ni Ana dumiretso na ako kaya dumiretso na ako. Pagpasok ko ay likod lang ng upuan ang nakita ko dahil sa labas nasa glass na bintana nakatingin ang hudlom at hindi siguro napansin ang pagdating ko.
"Ahemm!" nilakasan ko na para malaman niyang nandito na ako.
Pinaikot niya ang upuan paharap sa akin at nanlaki ang mata ko sa nakita, literal na nanlaki talaga ang mata ko na nanigas ang katawan ko, na gusto kong magsalita peru walang lumalabas na kahit maliit na boses sa bibig ko.
"Good morning Kana." bati niya sa akin na medyo singkit ang mata dahil sa galit. Memorize ko na tuloy na kapag ganyan ang mata niya ay galit siya.
"Go.. good morning din hudlo este Lucas." sa awa ng diyos ay nakapagsalita din ako at nasagot ang bati niya.
"You look surprised Kana, care to tell me why?" sa kakakausap niya sa akin ng english ay sure akong hindi matatapos ang buwan na to nang hindi ako natututo.
"Kasi, yang ano." hindi ko kayang sabihin, kinakabahan ako.
"Ano Kana?" alam naman niya bakit kailangan ko pang ipaliwanag kasi.
"Paano?" ang salitang tanging lumabas sa bibig ko.
"Paano napunta sa akin ang necklace na binigay ko sayo tapos pinambayad mo lang sa taxi? Is that what you're trying to say Kana?" takbo Kana, takbo na habang malayo pa siya sayo, takbo Kana para sa buhay mo.
" Kasi.. -"
"Shut up!" dumagundong ang buong opisina niya.
"Hoy! Baliw ka talaga, gusto mo akong magpaliwanag tapos kung kailan magpapaliwanag na ako sisigawan mo ako ng shut-up? Alam mo tama ako eh, nung una palang tama akong may maluwang na tornilyo yang utak mo!" hiningal ako pagkatapos kong sabahin ang lahat ng yun.
"Ikaw na nga tong maykasalanan tapos ako pa sasabihan mo ng baliw?" sagot naman niya.
"Hoy! Kasalanan ko bang ayaw mo akong ihatid kaya napilitan aking mag taxi ng walang pera kaya yang necklace nalang pinambayad ko at mayaman ka naman kaya mong bumili kahit isang daang ganyan." mas lalo siyang nagalit sa sinabi ko.
"Hindi mo ba alam na galing pa to sa Lola ng Lola ko?" sigaw niya ulit.
"Aba malay ko ba? Kung sinabi mo naman sana edi alam ko." paano ko malalaman kung hindi naman niya sinabi, baliw talaga.
"I don't know what im going to do with you Kana." mahina niyang saad.
"Pauwiin mo ako, yun ang gawin mo dahil sobrang inaantok pa ako."
Lumapit siya sa akin at isinuot sa leeg ko ang kwentas. Pagkatapos niyang isuot sa akin ang kwentas ay hinalikan niya ang noo ko.
"Don't you ever use that necklace as a payment for anything Kana. You may go, may naghihintay na sasakyan sayo sa baba."
Daig pa ng may regla ang mood ng lalaking to ah, may pa halik halik pa sa noo eh kung kanina makasigaw wagas. Peru kinilig ako kunti doon, slight lang naman.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Girl
De TodoWalang pinag-aralan, nakatira sa skwaters, madumi, mabaho peru matapang. Yan si Ellise Cruz, dalawamput tatlong taong gulang, nasubok na ng panahon ang katatagan kaya nagkukubli sa pagiging matapang. Sa skwaters na kanyang tinitirahan, tinitingala s...