CHAPTER FIFTY-TWO - ELLIOT

5.9K 142 1
                                    

Kana's POV

Tatlong oras din akong nakababad sa laptop dahil sa pag-aaral ko, hindi ko namalayan ang oras dahil nag-eenjoy na ako sa klase ko araw-araw. Marami na nga akong natutunan, nag improve na ang communication skills ko gamit  ang english language. Nakakataba ng utak at parang mas tumaas pa ang kompyansa ko sa sarili dahil sa mga natututunan ko.

"Buenos días." (Good morning)

"Pusang naka duster!" muntik ko nang mahulog sa sahig ang laptop na nakapatong sa kandungan ko dahil sa pagkagulat. Maayos kong inilapag sa center table ang laptop saka tiningnan ang kung sino man ang bigla bigla nalang sumulpot dito sa opisina ni Lucas. "Ikaw?" siya?

" Y nos encontramos de nuevo."
( And we met again) saad niya na parang hindi man lang nabigla na makita ako ulit dito sa building ni Lucas.

"Ano?" Ni isa sa mga sinabi niya ay wala akong naintindihan at nasapo ko ang noo ko nang maalala na wala palang alam na tagalog ang estrangherong ito.

"I said good morning." Masyadong mahaba yung sinabi niya kanina para maging good morning lang diba?

"What are you doing here?" bumalik ako sa pagkakaupo, kung kanina ay nakapatong lahat ng paa ko sa sofa ngayun ay medyo pormal na.

"Aren't you going to invite me to sit too?" tumango nalang ako at itinuro ang upuan sa harap ng inuupuan ko.

"What are you doing here?" tanong ko ulit, daig ko pa ang sirang plaka.

"I have an appointment with Lucas today. How about you, what are you doing here?" tanong niya habang titig na titig sa akin, nakakatakot.

"I work here." taas noong saad ko.

"You don't look like an employee here." nang aasar ba tong lalaking to?

"Well I don't do office work, I'm a model." tumango lang siya na parang naniwala naman.

"If you're one of thier model, what are you doing here in Lucas's office?" nakakapagduda na talaga tong taong to ha, baka ispeya to o di kaya investigator.

"Lucas won't be here anytime soon, maybe you can wait outside." Masama na kung masama peru nakakatakot na ang tingin niya sa akin, parang pinag-aaralan niya akong mabuti at tingin ko pati kaluluwa ko binabasa na niya.

"Am I making you uncomfortable?" my god, wala ba siyang pakiramdam at kailangan pa niya akong tanungin?

"With all honesty, yes. You are making me uncomfortable." Diretso kong sagot.

"Sorry for that, I just can't help myself but stare at you. You look so... Interesting." Panginoon, hindi man po ako pala simbang tao peru kailangan ko po ng gabay niya ngayun oras na ito.

"I'll call Lucas for you." pag-iiba ko sa topic.

Peru dahil sinuswerte ako sa araw na to, hindi sinagot ni Lucas ang tawag ko. lagot sa akin yung lalaking yun mamaya, makikita niya talaga.

"Ahm... He's not answering, maybe he's in the middle of something important." Alam ko naman na malakas ako, kaya kong ipagtanggol ang sarili ko peru napakalaki niyang tao. Kaya niyang baliin ang leeg ko ng walang kahirap hirap.

"It's fine, I don't mind waiting." ngumiti pa siya.

Habang pareho kaming naghihintay kay Lucas ay pinag-aralan ko din mabuti ang physical features niya. Alam niyo na para ma idetalye ko mabuti sa pulis ang mukha niya kapag may ginawa siyang masama.

Infairness ha, ang gandang lalake niya. Malinis na gupit ang buhok, suklay na suklay at sobrang kintab. Makakapal na kilay, mahahabang pilik mata, hindi ko maipaliwanag ang kulay ng mata niya dahil medyo malayo siya sa akin. Matangos ang kanyang ilong at ang labi niya ay hindi makapal at hindi manipis, sakto lang. Matangkad siya at gaya ng sabi ko kanina, malaki ang katawan niya. Hindi naman yung pang body builder na laki ng katawan, toned lang ang katawan niya na iisa lang ang ibig sabihin. Alam niya kung paano gamitin ang mga equipments sa gym.
Nakasuot siya ng americana peru di gaya ni Lucas, wala siyang suot na kurbata at bukas ang ilang botones ng panloob niyang polo.

"Are you done checking me out?" Nakangiti niyang saad.

"I am not cheking you out!" naiinis kong saad.

"What you just did tells me that you are." confident niyang saad.

"Kunti nalang talaga at itatapon na kita sa labas." bulong ko sa sarili ko na alam ko namang narinig niya.

"My name is Elliot, what's yours?" Elliot pala pangalan niya, ang weird sa pandinig ko.

"Kana, my name is Kana." tipid kong sagot.

"How long have you been here in the Philippines Kana?" wow, parang close na kami sa mga tanungan niya ha! Iba din si kuya.

"Since birth?" sagot ko.

"You can't answer a question with another question you know?" Paki ba nito kung tanong din isasagot ko sa tanong niya at bakit ba kasi siya tanong ng tanong.

"Well you're questions are nonsense." mahina kong saad.

"You're not a Filipina right?" tanong na naman niya.

"I am a Filipina, my heart beats for this country." Inis kong sagot.

"You don't look like a Filipina." dahil sa sobrang inis ko ay nabato ko siya ng ballpen na nasa kamay ko kanina pa.

"Yeah, I don't look like a Filipina but I am a Filipina by heart and soul so please stop asking me those nonsense questions do you understand? " galit na ako, kunti nalang talaga at makakatikim na siya sa akin.

"Hey, relax okay? You always throw things on people." umayos siya ng upo at sinamaan ako ng tingin.

Bakla siguro to at may gusto sa Lucas ko kaya ako iniinis ng ganito. Balak siguro nitong agawin si Lucas sa akin. Dadaan muna siya sa butas ng karayom bago mangyari yun.

"Are you wearing contacts?" tanong na naman niya.

"No." Tipid kong sagot.

"Did you dye your hair blonde?" sapatos ko na ang lumipad papunta sa mukha niya para sagutin ang tanong niya. Kanina pa siya, nang iinis eh.

"What the hell is going on here?" dumagundong ang buong opisina.

Nang makita ko si Lucas ay agad akong tumakbo papunta sa kanya. Hindi para magsumbong kundi para mapigilan siya kung sakali mang sugurin niya si Elliot. Kung naaalala niyo pa kasi, alam niya na si Elliot ang dahilan ng sugat ko nung nakaraan.

"What did you do to her this time huh?" galit na saad ni Lucas.

"Her shoe landed on my face, that's what happened." kalmadong saad ni Elliot saka tumayo at hinarap si Lucas. "I am here for business Mr. St-Pierre." kung kanina nang iinis ang mukha at boses niya,  ngayun ay pormal na pormal siya.

"Okay, you guys do your business thing. Lalabas muna ako Lucas, tawagan mo ako kapag tapos na kayong mag-usap at please wag niyong papatayin ang isat-isa. Hahabulin kita hanggang kabilang buhay para bugbugin, tandaan mo yan Lucas!" huminga lang nang malalim si Lucas saka inayos ang sarili niya.

Patnubayan nawa sila ng panginoon.

The Billionaire's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon