Kana's POV
Pagkatapos ng palabas namin sa stage ay bumaba kami, bubuhatin sana niya ako peru sinabihan ko na siyang susuntukin ko siya sa harap ng maraming tao kapag ginawa niya yun kaya inalalayan nalang niya akong bumaba at maglakad. Pagbaba namin ay halos lahat na naman ng bisita ang sumalubong sa amin at bumati, nakipagkamay at bumeso.
"Oh my god, i am so happy for the both of you Lucas and Kana." masiglang salubong sa amin ng mommy ni Lucas at niyakap kaming dalawa.
"Salamat po." nahihiya kong sagot habang balik naman sa poker face si Lucas.
"I'm so proud of you son." tinapik ng dad niya ang balikat niya at niyakap naman ako.
"Thanks Dad." di gaya kanina, ngayun ay walang ka sigla sigla si Lucas.
"OMG Kana and big brother! You guys hah, akala ko you hate each other so much peru yun pala may something na sa inyu." saad naman ni Ysa na alam kong arte arte lang niya dahil for sure alam niya ang totoong nangyayare.
"Itong kapatid mo nambibigla, pasalamat siya hindi ako kumaripas ng takbo kanina." humagalpak ng tawa si Ysa na nagpakunot ng noo ni Lucas.
"Seriously Ysa?" agad namang tumigil sa pagtawa si Ysa at inirapan ang kapatid.
Naglibot pa ulit kami ni Lucas para makisalamuha sa mga bisita at nang nagpaalam na ang iba na aalis na ay saka ko na kinukit si Lucas.
"Hoy! hatid mo na ako." nakaupo ako sa isang stool sa may bar area habang siya ay nakatayo sa gilid ko at nasa basong hawak ang mga mata.
"What do you think of me driver mo?" itusok ko kaya ang takong ng sapatos ko sa ulo nitong hudlom na to.
"O di sige, maghahanap ako ng masasakyan pauwi!" iniwan ko siya at mabilis na naglakad kahit ang sakit na ng paa ko.
Nakarating na ako sa labas ng venue peru hindi man lang niya ako hinabol, akala ko pa naman maaawa siya sa akin. Nakalimutan ko na namang wala siyang puso at mas lalo na ang awa. Umasa naman si Kana na susundan siya ng hudlom at magpaka prince charming na hindi hahayaang masaktan ang kanyang prinsesa.
Pumapara ako ng taxi na dumadaan peru wala man lang huminto, kung nasaan ba kasi Brandon! Kakalbuhin ko talaga ang lalaking yun pag nagpakita siya sa akin. Pumara ulit ako at sa awa ng panginoong maykapal ay may isang huminto.
"Saan po kayo ma'am?" tanong ng matandang driver pagbukas ko palang ng pinto.
Pagkatapos kong sabihin ang address ng skwaters area ay nagulat pa si kuyang driver.
"Ano naman ang gagawin mo dun Ma'am?" tanong niya.
"Doon po ako nakatira kuya." halos atakihin siya sa puso dahil sa narinig.
"Sa gara ng suot mo at ganda mo nakatira ka sa skwaters?"
"Sa maniwala po kayo't sa hindi ay doon po ako nakatira, sama ko pa po kayo sa bahay ko." pagkatapos kong sabihin yun ay tumahimik na siya.
Habang nasa daan ay kumulo ang dugo ko sa hudlom na si Lucas, hindi ba niya inalala ang kaligtasan ko? Sabagay kung may mangyari sa akin yakang yaka naman niyang ipalibing ako ng maayos.
"Kuya pag nakita niyo po sa balita bukas na wala na ako, pakisabi po kay Lucas St-Pierre na gusto ko ng gold na kabaong at mumultuhin ko siya habang buhay kapag hindi niya sinunod yun." bigla kong saad.
"Okay ka lang ba Ma'am?" naku akala siguro ni kuya baliw ako.
"Ayy wag niyo nalang ako pansinin kuya magmaneho ka nalang."
Paghinto ng taxi ay saka ko naman pumasok sa isip ko na wala pala akong pera. Wala pala akong dalang wallet. Tumingin ako sa labas at sarado na halos lahat ng mga bahay at tindahan kaya wala akong mahiraman. Unang nahawakan ng kamay ko ay ang kwentas na bigay ni Lucas.
"Kuya magkano po ba?" Tinuro ni kuyang driver ang metro at nasa dalawandaan na ang patak ng metro. "Kuya nakalimutan ko pong dalhin ang wallet ko at wala po ako ni singkong duling dito, peru ito po." Hinubad ko ang kwentas at iniabot sa kanya. "Mahal po yan kuya, yan po muna ibabayad ko sa inyu hihingin ko nalang number mo para matubos ko sayo."
"Aba Ma'am mahal nga po ito, maykabigatan po. Sigurado po ba kayo na ito ang ibabayad mo?"
"Kukunin ko po sa inyu pag may 200 na po ako kuya kaya pahingi ng number niyo."
"Paano kung maling numero ang ibigay ko sa inyu at hindi na ako magpakita sayo?"
"Ay naku kuya, parang camera po tong utak ko. Kahit next week pa kaya kong i-drawing ang mukha mo, ilan ang nunal mo sa mukha at kung ilan lahat ang puting buhok sa kilay niyo po kuya at isipin mo pwede kong sabihing ninakaw mo yan sakin kuya." umiling nalang si kuyang driver at sinulat sa kaperasong papel ang numero niya.
Hinubad ko ang sapatos ko at nakapaang naglakad papasok sa skwaters, nang makita ko ang maliit kong bahay ay nawala lahat ng pagod ko. Pagpasok ko ay naghanap agad ako ng damit peru wala na ang mga damit ko sa lagayan, wala nang laman ang bahay ko maliban sa papag na higaan ko. Wala ako sa mood hanapin ang gamit ko daghil sobrang sakit ng paa ko, humiga ako sa papag at nagpalamon sa katahimikan at pagod.
Mahapdi, sobrang hapdi.
"Aray!" napabalikwas ako ng bangon nang maramdaman ang hapdi sa paa ko.
"Pagnatamaan tong maganda kong mukha ng kalyuhin mong paa Kana lagot ka sakin." pagtataray ni Brandon.
"Ano ba kasi ginagawa mo sa paa ko?"
"Tingnan mo kaya?" sinunod ko naman siya at tiningnan ang paa ko na may nakalagay nang puti na hindi ko alam kung ano, nagkasugat nga pala talaga ang paa ko kagabi.
"Teka nga, saan ka ba nagsuot kagabi at hindi kita mahanap kagabi?" ngumiti siya ng hilaw sa akin.
"Yung boyfriend mong hilaw! Wala siyang heart Kana. Naka ayos ako, ang mahal ng suot ko tapos hindi ako pinapunta sa launch! Pinaghakot niya ako ng mga gamit mo! Pinahanda niya sa akin ang palasyo mo! Wala siyang puso!" mala ate Glo niyang saad.
"Sabi ko sayo eh, walang puso yun. Hinayaan nga akong umuwi kagabi mag-isa, hindi man lang inisip na maraming masasamang loob sa paligid." tiningnan ako ng masama ni Brandon.
"Isa pa yan, halos hindi niya ako pinatulog buong gabi kakahanap sayo sa daan bruha ka." pinahanap daw! Ako pa niloko ng Brandon na to.
"Sus! Hinanap daw eh hinayaan niya akong umuwi mag isa. Wala nga akong pera, buti nalang tinanggap ni kuyang driver ang kwentas." pagkabanggit ko ng kwentas ay namilog na ang mata ni Brandon.
"Anong kwentas?"
"Yung bigay niya, pinambayad ko sa taxi." binatukan ako ng pagkalakas lakas ng bakla.
"Baliw ka ba? Tanga ka ba? Nag-iisip ka ba?" naniningkit ang mata sa galit si Bakla.
"Kwentas lang naman yun at mayaman siya kaya niyang bumili ng maraming ganun." binatukan na naman niya ako.
"Paano kung malaman ng taga media na pinambayad mo lang ng taxi ang kwentas na bigay sayo ni Lucas?"
Patay ka na Kana, ang tana mo.
Kailangan ko nang huntingin ngayun din si Kuyang driver bago pa malaman ni Lucas at ng media, kung hindi lagot ako, sobrang lagot ako.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Girl
RandomWalang pinag-aralan, nakatira sa skwaters, madumi, mabaho peru matapang. Yan si Ellise Cruz, dalawamput tatlong taong gulang, nasubok na ng panahon ang katatagan kaya nagkukubli sa pagiging matapang. Sa skwaters na kanyang tinitirahan, tinitingala s...
