CHAPTER THIRTY-FOUR - OUR DATE WITH BUBWIT

6.5K 153 6
                                    

Kana's POV

Alam niyo yung feeling na magkaharap kayo't magkasama ng isang tao peru pareho din kayong may sariling mundo. Si Lucas kanina pa may kausap sa cellphone niya at ako naman dahil may sariling cellphone na ako at tinuruan na ako ni Brandon kung paano mag IG ay doon naman ako tumatambay. Scroll up, scroll down, pusuan yun, pusuan yan, pusuan lahat ng nag-iiwan ng comment sa huling post ni Brandon sa IG ko. Mga dalawampu't tatlong minuto na kaming nakaupo at sa tingin ko nasa dalawang libong puso na ang napakawalan ko sa IG. Nagsimula na akong mabagot nang may pumasok sa isip ko.

"Lucas, hoi!" mahina kong tawag sa kanya, tinakpan niya ang phone niya at hinarap ako.

"What?" nginitian ko lang siya at inabot ang isang kamay ko.

"Amoyin mo nga ang kamay ko." arte ko sa kanya.

"Seriously Kana?" nagsalubong na naman ang kilay niya.

"Amoyin mo na, bago kasi yung pabango na binili ni Brandon at gusto ko amoyin mo." inabot naman niya ang kamay ko at inamoy ang likod ng palad ko, medyo napapikit pa siya kaya saktong sakto sa iniisip ko.

Habang medyo feel na feel niya ang pag-amoy sa kamay ko ay kinuhanan ko siya ng picture gamit ang cellphone ko,  gusto daw niya magpakilig ng mga tao ngayun eh, edi magpakilig. Ipinost ko sa IG ang picture niya na nakapikit na mukhang hinahalikan ang likod ng palad ko at nilagyan ko ng caption na "Yung kahit sabihan mong ang baho mo na peru inaamoy-amoy ka parin." gusto kong matawa sa caption na inilagay ko dahil parang aso ang labas niya peru wala na akong maiisip eh. Sigundo palang ang lumipas ay panay na ang vibrate ng cellphone ko dahil sa mga papuso at comments. Simula kasi nung last na post na napagkamalan kaming ikakasal na ay wala nang post si Brandon na magkasama kaming dalawa.

"What the hell is this Kana?" ipinakita niya sa akin ang kakapost ko lang na picture niya.

"Picture, ano ba presidente ka ng napakalaking companya tapos hindi mo alam yan." biro ko sa kanya.

"Syempre alam ko kung ano to, what i mean is bakit mo pinost yan!" mahina niyang saad.

"Sabi mo diba, miss na tayo ng mga tao na kailangan natin magpakita sa kanila na magkasama tayo, na ang sweet sweet natin kaya ayan. Ang sweet diba?" parang araw ko ngayun, sumasang-ayon sa akin ang lahat. Maliban lang kaninang umaga.

"You are crazy."

Magsasalita pa sana si Lucas nang marinig ko ang hagikhik ni Bubwit na papalapit sa kinaroroonan namin ni Lucas. Lumingon ako at hinanap kung nasan na si Bubwit peru si Anna ang una kong nakita, agad ko siyang kinawayan at agad naman niya akong nakita.

"Lucas, Kana i want you two to meet the new Bubwit." excited na saad ni Anna.

Saka naman lumabas si Bubwit na terno ang suot sa suot ni Lucas as in parehong pareho, kulay abong long sleeves na nakatupi hanggang siko na nakatucked-in sa maong na pantalon at ang sapatos ay kasing kintab din ng sapatos ni Lucas. Parang pinaliguan ng sampong beses si Bubwit at pareho na kaming mukhang mayaman.

"Mas gwapu na po ba ko kaysa sa boypren niyo ate Kana?" saad niya na nakapameywang pa at may kindat pang kasama.

"Aba! Nagmukha siyang dugyot dahil ang gwapu mo na Bubwit, hindi nga siya umabot sa kalingkingan mo eh." saad ko naman saka nilingun si Lucas na napangiwi dahil sa sinabi ko.

"Oo na mas gwapu ka na, peru sure ako mas gwapu ako sa mga mata ng ate Kana mo." kinindatan pa ako ng kumag, tsss nagsinungaling pa.

"Sabi ko na nga ba eh, kunting ligo ko lang at malalampasan na kita. Peru salamat hah, ngayun lang ako nakapagsuot ng ganito ka garang damit at napakagandang sapatos, salamat manong ah." humalakhak ako ng tawa dahil nasapo ni Lucas ang noo niya dahil sa tinawag sa kanya ni Bubwit.

"Manong again? Kuya, yan ang itawag mo sa akin okay, kuya." tumango lang ang bata.

"Hindi pa po ba tayo kakain? Kanina pa kumukulo ang tiyan ko dahil sa gutom manong." reklamo ni Bubwit na hawak hawak pa ang tiyan.

"Hindi tayo kakain kapag manong ka ng manong sa akin." aba tingnan mo nga tong taong to.

"Kain na tayo kuya." napangiti si Lucas dahil agad siyang tinawag ni bubwit ng kuya dahil sa gutom.

"That's my boy, upo ka na at kakausapin ko lang si Anna okay?" agad namang tumabi sa akin si Bubwit habang lumayo ng kunti si Anna at Lucas para mag-usap.

"Ate Kana bakit englis po siya ng englis? Malapit nang dumugo ilong ko eh." natawa na naman ako sa pinagsasabi niya.

"Kasi ganun sila mag-usap sa kanila, ako nga din eh muntik na akong naubusan ng dugo dahil lahat ng tao sa paligid ko nagiingles."

Saktong pagbalik ni Lucas ay dumating naman ang pagkain namin, kumislap ang mata ni Bubwit nang isa-isang ilagay sa mesa ng waiter ang pagkain namin. Halos tumulo nga laway ko sa sarap nilang tingan, limang klase ng pagkain ang nasa harap namin na hindi ko naman alam ang pangala basta masasarap sila tingnan.

"Ate Kana may pera po ba tayo pambayad?" bulong ni Bubwit sa akin.

"Kumain ka lang si Lucas na bahala sa babayaran." mas lalong sumaya ang mukha niya.

Nilagyan ko siya ng parang manok na may sauce sa plato siya na agad naman niyang nilantakan. Si Lucas naman ay nakatingin lang sa pinag gagawa namin ni Bubwit.

"Hindi ka ba kakain?" tanong ko sa kanya.

"Oh yeah kakain, oo kakain ako gutom na nga din ako." hindi ko talaga maintindihan ang lalaking to.

Tinuruan ako ni Brandon ng tamang pagkain kapag nasa labas kaya ginagamit ko ang mga natutunan ko ngayun dito, ang sarap magkamay at punuin ang bibig ko ng pagkain peru hindi pwede dahil magmumukha daw akong patay gutom. Peru mas lalo kayang sumasarap ang pagkain kapag nagkakamay at mas nakakabusog.

"Ate Kana oh, ang dungis kumain ni Manong." tatawa tawang saad ni Bubwit na turo turo pa si Lucas.

Nang tingnan ko si Lucas ay tumawa narin ako dahil umabot sa may pisngi niya ang sauce ng manok na kinakain namin.

"Ano na naman ngayun?" tanong niya sa amin. Kumuha ako ng tissue at sininyasan siya na ilapit ang mukha sa akin na agad naman niyang sinunod, saka ko pinunasan ang pisngi niya na may sauce.

"Oyyy ang sweet." nakangising saad ni Bubwit na nakatingin pala sa amin.

"Tumahimik ka nga, ang dungis mo rin naman oh." bumalik ako sa pagkakaupo at kumuha ng bagong tissue at siya naman ang pinunasan ko.

"Diba boypren mo si manong ate Kana?" tumango ako bilang sagot.

"Diba girlpren mo si ate Kana manong?" tumango naman si Lucas bilang sagot.

"Diba ang boypren at girlpren nagkikiss? Kiss nga po kayo." nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

Kiss? As in kiss?

The Billionaire's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon