CHAPTER FORTY - LUCAS TO THE RESCUE

6.5K 145 3
                                    

Kana's POV

Dalawamput tatlong taon na akong nabubuhay dito sa mundo peru ito ang unang beses kong nakatapak sa napakaputi at pinong buhangin, unang beses kong nakakita ng dagat na kulay berde at asul na tila nang aakit. Sobrang ganda, sobrang presko ng hangin at ang sarap sa tenga ng mahinang hampas ng alon. Papayagan kaya nila ako kong dito na ako tumira? Pinangarap ko din naman maging serena o kaya maging star fish gaya ng nasa mga napapanood ko sa telebisyon noon.

"I can tell you're having a great time." biglang may nagsalita sa likod ko at alam ko na kung sino yun.

Paglingun ko ay napaatras ako dahil sa hanep ang pormahan ni Lucas. Naka cargo shorts at long sleeves na puti na hindi naka botones at wala siyang damit panloob kaya nakabandera ang mga pandesal niya. Magulo ang buhok niya dahil sa hangin at nakasuot siya ng sunglasses.  Nag-isip tuloy ako kung ako ba sasalang sa photo shoot or siya.

"Hanep ang ayos natin ahh." biro ko sa kanya.

"Is that a compliment?" nagsalubong ang makakapal niyang kilay.

"Hindi, it's a joke!" napa ingles tuloy ako, Lucas kasi ehh!

"Magsisimula na daw ang shoot." saad niya habang pinapasadaan ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

"Anong tinitingnan mo?" tanong ko.

"Masyado naman atang kulang sa tela ang suot mo." bigla niyang saad.

"Oh my goodness Lucas, kulang sa tela? Hanggang paa ko ang haba ng palda na to at kulang sa tela?" OA kong saad na hindi naman nakapag kombinsi sa kanya.

"The skirt is fine, itong pang itaas mo." turo niya sa suot kong bra.

"Hindi naman daw masagwa tingnan ah at may suot naman akong strapless bra sa ilalim kaya okay lang." saad ko.

"You're showing too much skin." reklamo niya ulit.

"May gasssss! Too much skin? Tingnan mo nga yung insecure na malditang babaeng yun." tinuro ko si Miss insecure na halos wala nang panakip sa katawan dahil sa kaparinggot na two piece ma suot niya.

Tumawa lang si Lucas at umiling nang makita si Trina na animo nakakita siya ng clown na gumawa ng nakakatawang tricks.

"Halika na nga, para matapos ng maaga ang shoot at magkaroon tayo ng time to enjoy the beach." hihilahin na niya sana ako papunta sa kung saan gaganapin ang shoot peru pinigilan ko siya.

"Hindi tayo aalis agad pagkatapos ng shoot?" tanong ko.

"Hindi." sagot niya.

"Magsu-swimming tayo?" tanong ko ulit.

"Yes, if you want to." dahil sa narinig ko ay nagtatatalon ako at niyakap ko siya ng napakahigpit, niyakap naman niya ako pabalik.

"Thank you,  salamat. Makakapag swimming na ako." excited kong saad habang yakap parin niya.

"Ahemmmm! Excuse me love birds." biglang singit ni Brandon sa amin.

Nang ma realize ko ang ginawa ko ay saka naman ako tinablan ng hiya at agad akong humiwalay sa kanya. Uminit bigla ang magkabila kong pisngi at hindi na ako makatingin sa kanya kaya kumaripas ako ng takbo palayo sa kanila ni Brandon.

Gaya ng ginawa namin sa studio ay tabi na naman kaming apat sa may dagat na hanggang tuhod lang ng lalim, sa aming apat ay si Trina lang ang halos mag hubad na sa harap ng camera. Kung ko ay nakapalda at naka bra, ang isang kasama namin ay naka see through long sleeves na pareho ng print ng palda ko at naka underwear. Habang ang isa naman ay naka high waisted shorts na maong at bra. Si Trina lang talaga ng pabida at halos lahat ng balat ay gustong ipakita.

Sapaw parin ng sapaw si Trina sa harap ko at ayaw talaga akong bigyan ng magandang shots. Si ako naman ay nagtitimpi at hinahabaan ang pasensya. Nang mapansin kong dahan dahan niyang hinihila ang tali ng suot kong bra ay hindi ko na napigilan ang sarili ko at naitulak ko siya na muntik na niyang ikatumba.

"Ikaw kanina ka pa eh! Punong puno na ako sayo eh!" galit kong saad.

"What did i do?" pagmamaang maangan niya.

"Hinabaan ko na pasensya ko sayo alam mo yun? Kasing haba na ng buhok ni Rapunzel peru hindi ka parin tumitigil! Ano ba problema mo hah!" punong puno na talaga ko.

Naramdaman kong biglang may humawak sa magkabila kong balikat at may lumapit din kay Trina, mga kampon niya.

"Hayaan mo na." saad ni Brandon na kakalapit lang din.

"I'm not doing anything sayo Kana. I'm just doing my job." paawa awa pa ang boses niya, artista talaga.

"I've been watching you Trina and I know what you're doing to Kana!" galit na saad ni Lucas na nasa likod ko.

"You're ganging up on me now? Like for real? Kinakampihan mo ang sinungaling mong girlfriend?" dinuro niya pa ko at kumurap lang ako ay nasa harap ko na si Lucas hawak ang kamay ni Trina.

"Don't you dare point your finger on Kana!" nagngangalit niyang saad na ikinagulantang ng lahat.

"Oh and why? She's not a saint na hindi ko pwedeng duruin!" sagot niya.

"She's my girlfriend and i wouldn't allow anybody point a finger on her." sagot ni Lucas sa nakakatakot na boses.

"Girlfriend? If i know she'll be nothing but garbage next month right? Kasi nga flavor of the month mo lang naman siya diba?" wala talagang takot ang babaeng to.

"She's my girlfriend you know why? Because she respects herself and she knows her worth. Try doing that too baka may magkagusto din sayo." savage, Lucas is savage!!!

"Mr. St-Pierre why don't you bring Kana sa tent and just leave everything to us nalang, we will sort this out." saad ng isang staff na kita kong sobrang takot.

Hindi sumagot si Lucas peru binitawan niya ang kamay ni Trina at agad akong inalalayan papunta sa tent na para sa amin. Si Brandon naman ay nakikipag-usap sa staff at mga kampon ni Trina.

"Okay ka lang?" sagot niya agad nang naka-upo ako at agad niya akong binalot ng tuwalya.

"Beast mode ako peru inagaw mo moment ko, ibabaon ko na sana sa buhangin yun eh peru umiksena ka." saad ko sa kanya.

"Seryoso ka ba?" nabigla siya sa sinabi ko.

"Hindi no! Biro lang, kahit naman bagay siya sa ilalim ng lupa ay hindi ko dudumihan ang kamay ko paglibing sa kanya. Peru salamat ah." umiling lang siya at hinubad ang suot niyang long sleeve.

Tumambad na naman sa akin ang anim na pandisal at hindi ko alam kung napansin niya peru napalunok talaga ako.

"Magbihis ka nalang ng pang swimming." saad niya saka akmang lalabas ng tent.

"Paano yung shoot?"

"F*ck that shoot! Marami pang shoot na dadating sayo na hindi si Trina ang kasama mo kaya bilisan mo magbihis or uuwi tayo." pagkabanggit niya ng uwi ay tumayo na agad ako at naghalungkat ng maisusuot.

The Billionaire's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon