CHAPTER EIGHTY-NINE - BABY BUMP

5.6K 104 7
                                    

Lucas's POV

Hinampas ko ng medyo may kalakasan ang alarm clock na nasa bedside table na kanina pa tumutunog at nagpapasakit ng tenga ko. Magsisimula na naman ang isang panibagong araw na gugugulin ko sa trabaho at ang isiping makukulong na naman ako sa opisina ko ay mas lalo lamang nagpabigat sa katawan ko. Peru dahil kailangan kong pumasok ay pinilit kong bumangon at dumiretso sa banyo.

Pagkatapos mag bihis ay diretso na ako sa dining area na may nakahanda nang pagkain, courtesy of my parent's house chef na pinapagluto niya dito tuwing umaga at gabi o di kaya ay pinahahatid niya ng pagkain para sa akin. Habang kumakain ay busy naman ang isa kong kamay kakacheck sa social media kung ano na ang ginagawa ni Kana. She usually posts what's going on with her life for her followers na mas lalong dumami dahil she's now an international model and also she published a book about her life that sold a billion copies around the world and will soon come to life dahil gagawin atang movie, I even got a copy of it peru hindi ko pa nababasa. Ilang beses ko nang sinubukang basahin ang libro peru hindi ko kaya, hindi ko magawa.

"What hell?" muntik kong mailuwa ang kinakain ko nang makita ang isang article na trending worldwide.

Are we seeing baby bump?

Ang title ng article at may picture pa ni Kana na papasok sa isang establishment bitbit ang cellphone niya, nakasuot siya ng high waisted jeans na hindi masikip at naka tucked-in naman ang pang itaas niya na parang dirty white colored long sleeved polo na hindi naka sara ang ilang botones sa taas, she completed the look with a shoes from a well known brand. For some people her outfit is simple but damn, she looks so beautiful sa suot niya. Peru hindi pwedeng hindi mahalata ang puson niya na bakat na bakat sa suot niyang jeans at mukha nga siyang buntis. Sure akong alam niyang may mga kumukuha ng picture sa kanya peru parang she doesn't care about the paparazzi at all at parang mag isa pa siyang lumabas, where the hell is Brandon? He's supposed to be with Kana all the time.

"She's pregnant?" tanong ko sa sarili ko.

Hindi naman ganyan kalaki ang puson niya nung mga nakaraang araw. Baka walang nakahalata dahil lagi siyang naka oversized na hoodie or polo at lagi siyang nakasuot ng blazer. If she's really pregnant then who's the father? Dahil napupuno na ako ng katanungan ay ipinagpatuloy ko ang pagbabasa sa article at baka merong sagot sa mga tanong ko.

(The rumored father is the Italian Bachelor who were caught having a romantic dinner with her weeks after she and her family arrived in Spain.) Saad sa article at may kasama pang picture ng lalaking mahaba ang buhok at may bigote.

"Seriously? Ganun ako kadaling ipinagpalit ni Kana?" Nainis ako sa isiping ipinagpalit agad ako ni Kana, habang ako dito ay halos hindi na kayang iraos ang isang araw dahil sa lungkot at pagsisisi dahil sa nagawa ko sa kanya.

"At sino naman tong pangit na lalaking to?" Hindi naman to ang type ni Kana ahh, peru paano kung dahil sa nagawa ko sa kanya ay nagbago na ang type niya?

"Hindi ba marunong gumamit ng condom tong gagong to nabuntis niya agad si Kana? Peru paano kung hindi siya ang ama, paano kung ako ang ama ng bata?" Then I remembered that night, we had sex! we had an orgasmic sex not once but twice that night. So there's a possibility na ako ang ama ng bata, ako ang ama ng pinagbubuntis niya. Peru paano kung fake news to at busog lang talaga tong babaeng to, malakas din kaya tong lumamon.

Nag ring ang phone ko kaya nawala sa screen ang article at ang pangalan ni Ysa ang pumalit. Hinayaan kong mag ring ng mag ring ang cellphone ko dahil wala kong balak sagutin ang tawag niya, alam ko na naman kung ano ang sasabihin niya. Sesermonan na naman niya ako tungkol sa pagiging irresponsible kong tao at lagi nalang akong huli sa opisina at pinaghihintay ko ang mga empleyado ko at clients namin.

"What?" hindi ko na natiis at na realize ko din na, hindi siya titigil hanggat hindi ko sinasagot ang tawag niya.

"Have you seen the news?" damn, ang bilis na talaga kumalat ng balita ngayun.

"Yeah, nakita ko na at nabasa ko na ang buong article ng isang daang beses." sagot ko sa kanya.

"Ikaw ba ang ama?" diretso niyang tanong sa akin.

"I don't know, but the article said that the father might be the Italian bachelor na lagi niyang kasama." walang ka buhay buhay kong saad.

"Don't you dare believe that article Lucas, dahil according to my calculations almost four months na kayong hiwalay at alam ko the last time nagkita kayo ay may nangyari sa inyu-"

"How the fuck did you know that something happened between me and Kana that night?"

"Well if you remembered, nakitulog ako that night sa condo mo. Nasa kwarto ako beside your room sound asleep, hanggang sa nagising ako dahil sa mga ungol ninyung dalawa. Kaya wag na wag mong ideny Lucas." I felt embarrassed.

"Hinding hindi ka na pwedeng matulog sa condo ko, remember that." natawa pa siya sa kabilang linya.

"Balik tayo sa reason kung bakit ako nalatawag. Sagutin mo ako are you the father?" napaisip ako sa nangyari that night and yeah I didn't use any protection and I came inside her, I was too hungry for her to go to the bathroom and get one fucking condom.

"I might be the Father, I don't know."

"Now you have a big reason to go after her, hahayaan mo bang lumaki ang anak mo ng walang ama Lucas?"

"Seriously? Hindi pa nga natin alam kung totoo ba tong nasa article or fake news lang to, nakakahiya kapag nag assume ako tapos hindi pala at sure ako na hindi siya babalik sa akin dahil aakalain niyang binabalikan ko lang siya dahil buntis siya." nailayo ko ang cellphone ko sa tenga ko dahil tumili ng pagkalakas lakas si Ysa sa kabilang linya.

"Are you nuts! Paano kung naghihintay pala siyang puntahan mo siya, baliw ka! Tutubuan ka nalang ng puting buhok at hindi parin magiging kayo ulit kapag mananatili kang ganyan Lucas!" saad niya na sobrang sakit sa tenga.

"I want to get her back, I truly do peru she looks happy now and I don't want to ruin her beautiful life in Spain Ysa. Basta nakikita ko siyang masaya, kakayanin kong tingnan siya sa malayo kahit hanggang tumanda pa ako."

"You're stupid! Very stupid dahil diyan sa iniisip mo." and she ended the call.

Yes I am stupid, but if my stupidity will make her happy the rest of her life, then I am more willing to stay stupid till my last breath.

The Billionaire's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon