Kana's POV
"Kana!" wala akong naririnig.
"Kana!" guni guni ko lang to.
"Hoy Kana, pag ikaw hindi lumabas diyan sisirain ko tong pinto at bubuhusan kita ng kumukulong tubig!" dinig na dinig ko at alam kong hindi ito guni guni dahil boses ng nanggagalaiting si Brandon ang kanina pa tawag ng tawag sa akin.
Ayoko pang bumangon, gusto ko pang matulog at humilata, ayoko pang magsimula ang araw ko dahil magsisimula na ring mag-isip ng kung ano anu tong utak ko para sa mga kaibigan ko sa skwaters at kay Lucas. Ang gulo-gulo at ang hirap isipin ng lahat, ayokong mawalan ng tahanan ang mga kaibigan ko sa skwaters peru ayoko din mawala sakin si Lucas.
"Ano, lalabas ka na ba o sisirain ko na to!" mabigat ang katawan akong bumangon at nakapikit ang matang tinungo ko ang pinto.
"Bakit ba, kanina ka pa eh." reklamo ko sa kanya habang kinakamot ang kili kili ko, sinyales na nagsisimula na namang maging kagubatan ang kili kili ko.
"It's already 10 in the morning peru andiyan ka parin at tulog mantika." gusto kong matawa sa ayos niya dahil nakashorts siya tapos topless peru may suot na apron at may bitbit na sandok na kinukumpas kumpas pa niya habang nagsasalita.
"Eh sa inaantok ako eh." reklamo ko.
"Ayusin mo sarili mo at mukha kang taong hindi kilala ang suklay. Bilisan mo at may bisita ka sa labas." saad niya sabay talikod sa akin.
"Sino?" bigla akong parang na recharged dahil baka si Lucas ang bisita ko.
"Wag kang umasang yung boyfriend mo ang bisita mo dahil alam mo yun, pagpasok nun sa main door at hindi ka makita dito agad ang punta nun." lowbat, fifteen seconds till shutdown.
"Matulog na nga lang ako ulit." agad siyang bumalik at pinitik ang tenga ko. "Aray naman eh."
"Si Elliot ang nasa labas hinihintay ka." hindi man kasing excited nung inakala kong si Lucas ang bisita ko, peru masaya parin dahil si Elliot pala ang bisita ko.
Agad akong nag tooth brush, naghilamos, nagsuklay at nagpalit ng damit bago tinungo ang sala. Nandun nga si Elliot at prenteng nakaupo sa sofa na parang bahay lang niya at walang ibang tao siyang kasama.
"Hi" awkward na bati ko sa kanya, agad naman siyang tumayo at ngumiti.
"I'm sorry i disturbed your sleep. I told your friend not to wake you up but i can't stop him." napakamot pa siya sa batok niya sa hiya, ang cute lang tingnan.
"It's alright, what are you doing here by the way?" tanong ko bago umupo sa kabilang side ng sofa.
"Oh, I am here to give this to you." iniabot niya sa akin ang hoodie na suot ko nung nagkita kami sa skwaters nung isang araw. "You left that in your house, i told your friend to just give that to you but he insisted that I should give that to you personally." Baliw! Baliw talaga tong si Brandon.
"He's always like that. Thanks anyway for returning this." inamoy ko pa ang hoodie na hindi naman sa akin at sa mga oras na to ay may slight na galit ako sa may-ari.
"You're welcome. Anyways I should go, I still have a meeting in thirty minutes. So see you around?" nagkamot na naman siya sa batok niya at hindi makatingin ng diretso sa akin.
"Yeah, I'll definitely see you around. Thanks again." Inihatid ko pa siya sa pintuan at pagbukas niya ng pinto para lumabas ay pareho kaming nagulat nang bumungad sa amin si Lucas na may dalang punpun ng pulang rosas.
"Elliot?" gulat na saad ni Lucas.
"Lucas hi, good morning." Nakangiting bati ni Elliot habang sobrang tigas na ng mukha ni Lucas.
"What are you doing here?" salubong ang kilay niyang tanong.
"I just came here to return something." tipid na sagot ni Elliot.
"What did he return to you?" sa akin naman tumingin si Lucas na puno ng question marks ang mukha at maraming nagbabadyang exclamation points akong naaaninag.
"Yung hoodie ko na naiwan somewhere. Salamat ulit Elliot." tumango lang siya.
"I should get going, see you around Kana and Lucas." saka umalis si Elliot at naiwan kami ni Lucas na nagtitinginan lang sa isa't isa, parehong maraming tanong na gustong itanong sa isa't isa.
Nauna akong pumasok sa loob peru iniwan kong bukas ang pinto para sa kanya, naupo ako sa sofa at agad din naman siyang tumabi sa akin. Iniabot niya sa akin ang bulaklak at saka ako niyakap ng mahigpit, hindi ako yumakap pabalik peru isiniksik ko ang mukha ko sa leeg niya at sininghot singhot siya na parang aso, na miss ko kasi ang amoy niya.
"Why aren't you hugging me back?" tanong niya peru hindi ko siya sinagot at siniksik ko pa lalo ang mukha ang leeg niya.
"Kailan ka pa dumating?" pikit mata kong tanong.
"The other day." magaling, nagpasabog ng confetti ang puso ko dahil alam nitong nagsasabi ng totoo si Lucas.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin at hindi mo ako pinuntahan?" tanong ko ulit.
"I got so busy with work and I need to finish everything muna bago kita puntahan dito para wala ka nang kaagaw sa oras ko." fireworks, sunod sunod na pagsabog ng fireworks ang naramdaman ko mula sa aking puso.
"Anong work ang kinabusyhan mo?" please tell me the truth.
"Pinuntahan namin ni Elliot the other day ang site ng pagtatayuan namin ng biggest mall sa buong Asia." excited niyang saad, na nagpalungkot naman sa akin.
"Bakanteng lote?" tanong ko.
"Nope actually, may mga taong illegal na nakatira dun." those people he's talking about are like a family to me.
"Papaalisin mo sila?" sinasaktan ko lang lalo ang sarili ko sa mga tanong ko sa kanya peru i want to know more, i want to hear him say it to me.
"Of course, hindi sa kanila ang tinitirhan nila at mas magagamit pa ang lupa kapag pinatayuan ng Mall. Mas makakatulong sa pag-unlad ng Pilipinas." saksak sa dibdib, masakit.
"Saan na sila mapupunta?" tanong ko pa.
"I don't know, it's not my problem anymore." sugatan ang puso ko sa lahat ng naririnig ko peru nilalabanan ko at pinipigilan ang sarili kong maluha sa isiping mawawalan ng tahanan ang mga kaibigan ko.
"Pag pinigilan ba kita na paalisin sila hindi mo na itutuloy ang plano mo dun?" hindi siya nakasagot agad, tanging naririnig ko lang ay ang hininga niya at ang pintig ng puso niya.
"I can't stop everything na, I already spent a lot of money para sa project na yun." that's it, wala na nga akong magagawa para baguhin ang desisyon niya.
Ngayung kompirmado ko na ang lahat at wa epek ang plan A ay dun naman ako magbabakasakali sa plan B. Dalawa lang ang option ko kaya this plan B should work, I need to make it work for Lucas and for my friends sa skwaters area.
"I love you." bulong ko sa kanya sabay ng pagtulo ng luhang kanina ko pa pinipigilan.
"I love you more love." saad niya bago ako niyakap ng sobrang higpit.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Girl
AcakWalang pinag-aralan, nakatira sa skwaters, madumi, mabaho peru matapang. Yan si Ellise Cruz, dalawamput tatlong taong gulang, nasubok na ng panahon ang katatagan kaya nagkukubli sa pagiging matapang. Sa skwaters na kanyang tinitirahan, tinitingala s...