Kana's POV
Kanina pa tawa ng tawa si Brandon habang tinitingnan ako sa harap ng salamin. Naghahanap kami ng damit na pwede naming gamitin pang disguise dahil susundan namin si Lucas, feel ko kasi pupunta siya doon sa tinext ng babaeng ewan ko kung sino. Nakasuot ako ngayun ng duster na pang matanda at nakasuot din ako ng wig na kakulay ng buhok ng matanda, kaya ako pinagtatawanan ni Brandon.
"Mukha kang tanga diyan sa suot mo promise. Hubarin mo nga yan, sakit na ng tiyan ko kakatawa sayo alam mo yun?" saad niya habang pinupunasan ang luha sa mata niya dahil sa kakatawa.
"Alam mo seryoso ako dito diba? Nakasalalay dito ang kinabukasan ng relasyon namin ni Lucas at ang kinabukasan ng anak namin kaya mag seryoso ka Brandon!" saad ko sa kanya peru natatawa parin siya.
"Fine! Fine, peru please magpalit ka ng damit dahil sa mabubulilyaso talaga tayo kapag yan ang isusuot mo." sinunod ko nalang siya at nagpalit ako ng damit.
Over sized yellow hoodie na may print ng brand sa harap, itim na leggings, sneakers at sunglasses. Nakatali lang ang buhok ko dahil matatakpan naman din siya ng isusuot kong sombrero. Dahil laging may mga paparazzi sa labas ng mansion ay si Brandon ang magmamaneho at magtatago naman ako sa likod para akalain nila na si Brandon lang ang lalabas at hindi ako kasama. Pagdating namin sa parking area ng hotel na pupuntahan ni Lucas ay may sasakyan kaming nirentahan para gamitin namin, dahil alam na alam na ng mga paparazzi ang mga plate number ng mga sasakyan ng magulang ko.
"Aalis ka?" tanong ni Lucas sa akin.
"Nope dito lang ako, maglalakad lang ako sa labas dahil hindi na ako nakakapag exercise." palusot ko.
"Aalis nga pala ako love ha, I will be meeting an old friend, nagkataon kasi nagbabakasyon din sila ng family niya here." saad niya.
"Okay love, pabili nalang ako nung cookies na lagi kong pinapabili sayo ha." niyakap niya ako ng mahigpit bago ako hinalikan sa labi.
"Mag-ingat sa paglalakad love ha, hindi ka pwedeng tumakbo at wag magtatagal sa ilalim ng araw." paalala niya habang tango lang ako ng tango.
Paglabas niya ng kwarto ay agad ko ding tinungo si Brandon sa kwarto niya. Nagmamadali kaming sumakay sa isa sa mga sasakyan na pag-aari ng mga magulang ko at ginagamit lang kapag nag go-grocery sila Lora. Nag install ako ng locator sa phone ni Lucas na connected naman sa parehong app na nasa phone ko, hindi niya alam yun dahil naka hide ang app at malolocate ko na siya kahit hindi kami makasunod kaagad sa kanya.
"He's moving, tara na bilis!" saas ko habang nakahiga sa back seat ng sasakyan.
"Mag relax ka kaya diyan! Wala tayo sa action film okay?" saad niya habang pinapaandar ang sasakyan.
"Tumahimik ka nalang at sundan ang ama ng anak ko." saad ko.
We followed him hanggang sa may hotel, sa harap siya mismo ng hotel huminto at kami naman ni Brandon ay diretso sa parking area na nasa basement ng hotel. Ready na ang sasakyan na gagamitin namin peru kailangan naming pumunta muna sa lobby dahil baka hindi umalis at alam niyo na.
"Act normal Brandon, wag kang magpapahalata na may minamanmanan tayo." saad ko.
"Act normal ka diyan! Ikaw ang mag act normal hoi! Mukha kang tanga diyan, normal ba sayo ang nakayuko maglakad at nagtatago sa halamang mas maliit sayo?" binatukan pa niya ako.
Hindi ko nalang siya pinansin at nag ayos nalang ako ng sarili saka hinanap sa paligid si Lucas. May kalakihan ang lobby ng hotel kay naglibot pa kami ng bongga, hanggang sa nakita namin si Lucas sa restaurant ng hotel. Mag-isa lang siya nagkakape at nagbabasa ng diyaryo, nagkita na kaya sila nung babae? Baka inindian siya ni ate gurl kaya mag-isa nalang siya, o di kaya ay Filipino time din si ate gurl kaya wala pa.

BINABASA MO ANG
The Billionaire's Girl
RandomWalang pinag-aralan, nakatira sa skwaters, madumi, mabaho peru matapang. Yan si Ellise Cruz, dalawamput tatlong taong gulang, nasubok na ng panahon ang katatagan kaya nagkukubli sa pagiging matapang. Sa skwaters na kanyang tinitirahan, tinitingala s...