CHAPTER SIX - RUGGED LOOK

8.2K 169 0
                                    


"Kana! Yohooooo! Kana!" Sigaw ni Brandon sa labas ng bahay ko.

Papungas pungas kong tinungo ang pintuan para pagbuksan siya. Ngayung araw ang usapan namin para gawin ang kung ano mang gagawin niya sakin para sa raket niya.

"Ang aga naman Brandon, inaantok pa ako at ang sakit pa ng katawan ko." Tinaasan lang niya ako ng kilay sabay pasok sa pamamahay ko bitbit ang kung anong box na itim at nakasabit sa leeg niya ang isang camera na mukhang mamahalin.

"Sa trabahong to mahal na prinsesa walang maaga, walang masakit ang katawan kaya gisingin mo ang sarili mo at maligo ka dahil aayusan na po kita prinsesa Kana." Inilapag niya sa gumigewang na mesa ang itim na kahon na bitbit niya kanina.

Tinungo ko ang maliit na banyo ko at naligo. Nakapagpaalam na ako sa talyer na hindi ako papasok dahil sa raket na to, hindi naman daw ako gugutumin ni Brandon dahil sagot niya ang pagkain ko sa araw na to. Naghilod ako ng buong katawan na halos numumula na ang balat ko sa kakahilod, shinampoo ko ang buhok ng maigi dahil nakakahiya naman kay Brandon kung gagalawin niya ang buhok ko tapos hindi pa malinis. Tanging twalya lang suot ko paglabas ng banyo at tumambad sa akin ang nagkalat kong damit sa higaan ko.

"Aba! Brandon wala naman ata sa usapan natin ang galawan ng gamit!" Bulyaw ko sa kanya.

"Hello! Hinahanapan lang kita ng maisusuot mo! Kung makapag-isip to akala naman ata niya isusuot ko ang damit niya, ewwww hindi ko type rugged look." Saka matalim na umirap.

"Para namang napakarami kong damit at kailangan mo pa talagang guluhin." Tinungo ko ang higaan para sana ayusin ang mga damit ko.

"Hep! Wag kang lalapit dito, at para namang ang dami mong damit para abutan ka ng bukas para ayusin yan mamaya. Halika na aayusan na kita." Hinila niya ako at pinaupo sa kaisa-isahang silyang meron ako sa bahay ko.

"Akala ko ba aayusan mo ako, pagmumukhain mo akong tao?" reklamo ko habang hinihigpitan ang pagkakabalot ng tuwalya sa katawan ko.

"Baliw ka ba! Tao ka naman eh, maruming tao nga lang. Siguro yung mga kasamahan mo sa talyer ang nakaimpluwensya sayong wag maglinis ng katawan minsan."

"Hoy! Kapal ng mukha nito, naglilinis kaya ako ng katawan. Yung damit ko lang ang hindi na matanggal tanggal ang dumi." Nakakahiya man peru yun naman ang totoo.

"Kaya nga, bumili ka kaya minsan ng matinong damit."

"Hoy babaeng nakulong sa matipunong katawan na yan, wag na wag mong mamaliitin ang damit na yan, branded ang mga yan! Sama ng ugali nito." Branded naman talaga ang mga damit ko, yung mga brand na suot ng mga artista sa labas ng bansa.

"Oo nga branded, second hand nga lang." Yun nga lang, nabili ko lang mga yun sa ukay. Yung three for one hundred.

"Oh eh, wala namang problema dun ah. Kahit second hand yun branded parin yun hoy!" Halos nagsisigawan na kaming dalawa kahit halos magkadikit naman ang mukha namin.

"Oo na! Hindi na ako makikipagtalo sa bagay na yan, dahil makakatulong din naman yang damit na yan later. Umayos kana at magsisimula na tayo."

Namangha ako ng buksan niya ang itim na kahon na dala niya kanina, sa loob meron pala itong salamin at parang maliliit na bombilya sa gilid. At marami itong laman na mga brush, brush na hindi yung katulad sa talyer ibang klase ng brush at meron ding mga kung anong iba-iba ang kulay. Nakakamangha kung paano nagkasya lahat ng to sa maliit na kahon.

"Wala akong masyadong babaguhin sayo okay? I-emphasize ko lang ang mata mo, kikilayan kita, contour, nude lipstick at tapos na." masigla niyang saad.

Sinumulan na niyang lagyan ng kung ano-anu ang mukha ko, inayos niya ang kilay ko gamit ang parang lapis. Halos nagamit niya lahat ng brush sa kahon, eh pwede naman sigurong isa lang ang gagamitin dun. Ang arte lang talaga ng baklang ito.

"Dahil mahaba naman ang eyelashes mo hindi n tayo gagamit ng extension, lalagyan nalang kita ng mascara. Tingin sa taas at wag kang kukurap hanggat hindi ko sinasabi." Magrereklamo pa sana ako peru tinaasan na naman niya ako ng kilay, kung siguro nakakamatay ang pagtaas ng kilay malamang kanina pa ako bumulagta.

Nilagyan niya ng parang itim na kung ano mang tawag dun ang kabila kong pisngi, nagmukha itong parang dumi.

"Bakit mo nilagyan niyan? Akala ko ba gagawin mo akong diyosa?" Umingos lang siya at tiningnan ako mula sa salamin.

"Rugged look po ang gagawin natin, parang natural na pang araw-araw mong mukha." Naguluhan ako sa sinabi niya, pang araw-araw na mukha? Ano yun?. Naramdaman naman niyang naguguluhan ako kaya bumuntong hinga siya bago ipinaliwanga sa akin ang ibig niyang sabihin.

"Ang ibig ko pong sabihin ay, natural look ang gusto kong makita nila. Na parang galing ka lang sa talyer na madumi, natural na skwaters iniisip mg lahat na sobrang dumi ganun." Tumango lang ako dahil, wala. Wala na akong ibang masabi. Hindi ko naman alam ang ibang sinasabi niya.

Pagkatapos niya sa mukha ko ay ang buhok ko naman ang sunod niyang inatupag, akala ko kung anong complikadong porma ang gagawin niya sa buhok ko. Pagkatapos niyang i "blower" yun ang sabi niyang tawag dun, para daw matuyo agad ang buhok ko ay pinusod lang niya ito, at nag iwan ng ilang hibla sa harap.

"Sana sinabi mong pupusurin mo lang din pala ang buhok ko at ako na sana ang gumawa."

"Tumahimik ka nalang kaya prinsesa Kana, ang ingay mo kanina kapa ha!"

Nang tapos na ang buhok at mukha ko ayay iniabot siyang damit sa akin na nagpalaki sa mata ko.

"Nakita ko yan dun sa mga damit mo, spaghetti strapped fitted shirt na may mantsa na hindi ko alam kung ano, ginupit ko para maging crop top at kupas na maong tattered pants at sure ako na hindi ito tattered nung una mo itong binili. Fit siya sa waist line peru maluwang sa ibaba kaya perfect siya. Suot mo nalang yung malapit nang sumukong rugged boots mo." Halos lumuwa ang mata ko sa ginawa niya sa damit ko, ginupit niya ang damit ko! Sisigawan ko sana siya peru itinulak na niya ako papasok sa banyo ulit.

"Mamaya ka na po mag reklamo, wag po tayo magsayang ng oras."

Sinunod ko nalang ang sinabi niya para tapos na, mamaya ko nalang siya bubugbugin tungkol sa damit ko. Paglabas ko ng banyo ay nabitiwan niya ang hawak niyang brush habang nakatingin sa akin.

"Okay, sabi na nga ba eh. Magbabago ang isip mo. Hindi ako bagay sa raket na to, hindi ako kaaya ayang tingnan. Gusto lang sana kitang tulungan peru, hindi ako papas-"

"Gaga! Tumahimik ka nga! Look at yourself, look at you."

"Paano ko titingnan ang sarili ko ng walang salamin?" Binatukan niya ako at halos masubsob ang mukha ko sa sahig. "Aray naman!"

"Ikaw yang bibig mo din eh no? Basta makinig ka nalang sa akin. Ako ang magiging salamin mo. You look ruggedly stunning." Mga bagong salita, hindi ko naman alam ang ibig sabihin.

"Saktan mo pa ako ulit Brandon, hindi na talaga kita tutulungan!" Panakot ko sa kanya.

"Isipin mong mabuti Kana, ako ang pag-asa ng sikmura mo ngayung araw na to kaya umayos ka!" Sagot niya naman.

"Sige, ipamukha mo pa sa akin ang kahirapan ko. Woooooo malaking tulong yan. Tumabi ka na nga lang!"

Itinulak ko sa gilid para tingnan ang mukha ko sa salamin sa itim na kahon na dala niya kanina. Wala naman masyadong kolorete ang mukha ko, naayos lang ang porma ng kilay ko, parang mas kumapal ang natural na mahaba at maalon kong eyelash, parang lumaki at nagkabuhay ang mga mata ko, mas nahahalata ang tunay na berde nitong kulay. Ang labi ko ay natural na mapupula kaya wala siyang inilagay dun. Ang pisngi ko ay nilagyan niya ng manipis na ano ba yun? Contour? Yun nga contour, tapos yung kunting dumi kuno na nasa kabila kong pisngi. Kaaya-aya naman akong tingnan, kaya napangiti ako.

Sunod kong tiningnan ang damit ko, ang crop top na ginawa ni Brandon ay halos tanging dibdib ko lang ang natatakpan at nakikita ang pusod ko, hindi naman siya malaswa, peru hindi lang talaga ako sanay na nagpapakita ng maraming balat.

"So tayo na?" Tanong niya habang sabay na nagtataas baba ang mga kilay niya.

"Saan na naman tay-"

"Shhhhhh, sumunod ka nalang okay?"

*******************

The Billionaire's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon