CHAPTER SIXTY-ONE - IT'S NOW OR NEVER

5.8K 134 1
                                    

Kana's POV

"Kana girl, someone asked me to give this to you." saad ng kaibigan ni Brandon sabay abot sa akin ng isang bouquet ng pulang rosas.

Umasa akong galing kay Lucas yun peru pagkabasa ko ng card ay hindi pala galing sa kanya. Galing pala kay Elliot na nagpangiti naman sa akin, inimbita ko kasi siya na manood peru busy daw siya at susunduin pa niya ang mga magulang niya sa airport.

"Ayy kinikilig?" biglang saad ni Brandon sa likod ko na busy sa pag aayos ng buhok ko.

"Baliw ka ba, galing kay Elliot to!" nanlaki ang mata niya nang sinabi kong galing kay Elliot ang bulaklak.

"Nanliligaw siya sayo?" biglang tanong niya.

"Hindi no! For good luck lang daw tong flowers dahil hindi siya makakarating." pagtingin ko sa reaction niya mula sa reflection ng salamin ay alam kong hindi siya convinced sa explanation ko.

"Naku day, duda ako diyan sa pabulaklak ni mayor na yan. If I know may something yan sayo at naghihintay lang siya na mag split kayo ni Lucas." napatawa ako ng malakas dahil sa sinabi niya.

"We are just friends at alam niya yun. Tsaka kahit kunti wala akong nararamdaman na more than friends na feeling sa kanya, ewan peru wala talaga." wala naman kasi talaga, gwapu naman siya at matalino peru wala talaga.

"So pwede siyang maging akin?" nag heart heart pa ang mga mata niya.

"Siya tanungin mo at wag ako okay?" dahil sa sagot ko ay hinila niya ng pagkalakas lakas ang buhok ko.

Nagpatuloy sa pag-aayos sa akin si Brandon. Ngayun na kasi ang fashion show at medyo kinakabahan ako dahil first time ko tong gagawin at alam kong maraming artista, fashion designers, mga malalaking tao sa Pilipinas at for sure maraming camera. Alam ko din na kabilang sa mga taong manonood si Lucas at hindi na ako makapaghintay na makita niya ang gagawin ko ngayung gabi.

"Another delivery for the ever beautiful Kana." dumating na naman ang kaibigan ni Brandon na may bitbit na namang bouquet ng pulang rosas.

"Kanino na naman galing?" sabay na tanong nila ni Brandon.

Natawa ako sa kanilang dalawa dahil parang galing sa isang hari ang bulaklak at hindi sila makapaghintay na basahin ko ang sulat na laman ng card. Biniro ko pa sila at itinago ko ang card sa bag ko na ikinainis nila peru nang kunin ko ulit ang card ay balik curious na agad agad ang mga mukha nila.

To: The love of my life
     
       I can't wait to see you slay the runway my love. I can't wait to see you mesmerize everyone later. Good luck my love and I love you so much.
  
                                                Lucas

Tili ng tili ang dalawa matapos kong iparinig sa kanila ang laman ng card, pati yung ibang make-up artist ay naki osyoso narin at nagtitilian. Iniwan na nila ang ibang modelo na inaayusan nila dahil sa pakikichismis sa dressing room na kinaruruunan namin ni Brandon.

"How to be you Kana girl?" saad nung isa.

"Goals talaga, nakakainggit." saad naman nung isa.

"Sana may Lucas din ako." dagdag naman nung isa pang bakla.

"Mga bakla, balikan niyo na mga gurlalo niyo at malapit na silang maghabulan sa catwalk." halos itinulak pa sila ni Brandon palabas dahil nagkumpulan na sila sa likod ko.

Kinilig ako, sumaya ako at naging excited akong maglakad sa catwalk mamaya dahil alam kong nandoon siya sa paligid at pinapanood ako. Peru sa kabila ng kilig ko ay nanduon parin sa isip at puso ko ang alam kong mangyayari sa hinaharap at alam kong hindi ko mapipigilan kapag mananatili akong nakaupo lang at kiligin sa lahat ng ginagawa niya.

Nagsimula na ang fashion show at naghihintay nalang ako ng turn ko na lumabas at ipakita sa lahat ang napakagandang dress na pinasuot sa akin ng designer. Para akong prinsesa sa suot ko at hindi ko maipaliwanag sa ganda ang dress. Nang oras ko nang lumabas ay tahimik ang lahat at nasa akin lang ang mga mata nila, tiningnan nila ako mula ulo hanggang paa. Sunod sunod na nagkislapan ang mga camera peru wala paring nagsasalita o gumagalaw, na kung nakakatunaw lang ang mga titig ay naku kanina pa ako bumulagta dito.

Habang naglalakad ay pasimple kong hinahanap sa crowd si Lucas, hindi ko siya makita nung una peru nang umabot na ako sa pinakadulo ay nahagip ng aking mga mata ang pares ng mata na pamilyar sa akin, nandito siya at pinapanood ako, nandito siya para masaksihan ang lahat.

Bumalik ako sa likod at muli lumabas lahat ng mga modelo at huli kaming lumabas ng designer, hawak kamay kaming lumabas. Pinasalamatan niya lahat ng mga dumalo at nanood ng fashion show niya at nang iniabot na niya sa akin ang microphone ay alam ko na ito na ang huling option ko, it's now or never.

"Good evening everyone. Unang una ay nagpapasalamat ako sa very creative and wonderful designer, Madam Vee thank you so much for this opportunity and for giving me a chance to ask everyone for their help and support. Alam nating lahat na lumaki ako sa skwaters, lumaki sa mabaho, madumi, masikip at maingay na skwaters, peru doon sa skwaters ay naramdaman ko na kahit hindi ko kadugo ang mga tao doon ay tinuturing parin akong pamilya nila. They helped me to be who I am today, a strong and independent woman." lahat ng tao sa audience ay naguguluhan sa mga pinagsasabi ko, iniisip siguro ng iba ay baliw na ako peru wala akong pakialam.

"Sa skwaters nandoon ang tunay na pagdadamayan, pagmamahalan at patutulungan. Hindi mo kailangang maging kadugo nila para tanggapin ka, tatanggapin ka nila kahit sa paningin ng iba ay kakaiba ka. Bakit ko sinasabi sa inyu to?  Dahil ang skwaters na tinuring kong tahanan ng maraming taon ay nanganganib na mawala at masira at kailangan ko ang tulong niyo, kailangan ko ng atleast half a million signs to temporarily stop the demolition that will happen anytime soon. I need your help everyone, para sa mga taga skwaters area, para sa mga taong itinuturing kong pamilya." akala ko deadma lang sila sa mga sinasabi ko dahil habang nagsasalita ako ay wala silang ka imik imik peru pagkatapos kong sambitin ang huling salitang sinabi ko ay nagsitayuan silang lahat at nagpalakpakan.

Nagpalakpakan ang lahat, maliban kay Lucas na bakas parin ang pagkabigla sa nasaksihan. Nanatili siyang nakaupo at nakatingin lang sa akin. Binabasa niya ang mata ko, ang mukha ko, ang galaw ko at parang naghihintay siya na sabihin ko na joke lang ang lahat at suportado ko parin siya sa plano niya.

Ayokong mawala siya, peru ayoko ding mawala ang mga taong itinuring ko nang pamilya. Mahal ko siya at hindi nagbago yun sa kabali ng plano niyang sinarain ang tahanan ko, nasa kanya nalang kung mamahalin parin niya ako sa kabila ng ginawa ko ngayung gabi.

The Billionaire's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon