Kana's POV
Naranasan niyo na ba yung sa sobrang sweet at caring sayo ng isang tao ay halos hindi na niya pinapalapit ang ibang tao sayo dahil baka masaktan ka?
Yan, yan mismo ang ginagawa ni Lucas sa akin ngayun. Si Brandon lang ang nakakalapit sa akin, pati nga si Anna halos ayaw nang lumapit sa akin dahil baka masunog siya sa masamang tingin ni Lucas. Ang sweet sa pakiramdam nung una eh, peru ngayun parang sobra na at nakakasakal na. Yung parang papunta na sa sakit at kailangan na ng medication para malunasan.
"Brandon will attend all your meetings today. You will stay here with me, pagkatapos ng pag-aaral mo lalabas tayo with mom, dad and ysa for lunch." saad niya na parang secretary ko.
"Bakit hindi ako pwede sumama kay Brandon?" saad ko.
"Dahil baka masaktan ka na naman." napatayo ako sa sinabi niya.
"Oh my god Lucas! Move on na tayo please? Naghilom nalang ang sugat ko sa pangyayaring yun ikaw naiwan ka parin sa araw na yun. Hindi na ako bata okay?" isinara niya ang laptop at seryoso akong tiningnan sa mata.
"I can't, i just can't let you go out there and give people a damn chance to hurt you." ramdam kong pinipilit niyang kalmahin ang sarili niya at gawing normal ng pagsasalita niya.
"Hindi lahat ng tao sasaktan ako Lucas! Lumaki ako sa mas masahol na lugar kaysa dito sa lugar na kinasanayan mo. Kaya kong ipagtanggol ng sarili ko!" malakas na kalabog ang sunod na narinig ko. Hinampas niya ang dalawang kamay sa mesa at saka tumayo.
"That's what i don't want to happen, I don't want you protecting yourself, I don't want you to be alone, I don't want you to be by yourself. You've protected yourself for so many years Kana, let me do it for you now."
"Peru hindi sa ganitong paraan Lucas. Kailangan mong matutong magtiwala, pagkatiwalaan mo akong kaya ko na ang sarili ko, pagkatiwalaan mo ang panahon, ang pagkakataon na walang mangyayari sa akin." umiling lang siya.
"Nagtiwala ako noon, pinagkatiwalaan ko lahat peru sa huli ako parin ang talo." Puno ng pait at sakit ang boses niya, may kahapon na pilit humihila sa kanya.
"Hindi mo ako pwedeng ikulong dito alam mo yun?" mahina kong saad.
"I can if I want to." natawa ako ng mapakla sa narinig.
"Dahil sa kontrata kaya kinukulong mo ako dito, diba?" walang ka emo emosyon kong tanong sa kanya.
"No, it's not about the contract anymore. I burned it a long time ago." hindi siya makatingin ng diretso sa akin.
"Then ano to Lucas, ano tong kasweetan mo, ano tong over protectiveness mo. Naguguluhan na ako alam mo yun? Hindi ko alam kung ano ang magiging reaction ko sa lahat ng pinag gagawa mo, hindi ko alam kung saan ako lulugar. Hindi ko alam kung ano.... kung ano ako sayo." parang bulong nalang na lumabas sa bibig ko ang huling mga salita peru alam kong narinig niya yun dahil sa pag-angat ng ulo niya at diretsong pag titig niya sa aking mga mata.
"Alam kong ramdam mo rin Kana, alam kong pareho tayo ng nararamdaman." saad niya.
"Minsan kailangan mong sabihin sa tao kung ano talaga ang nararamdaman mo Lucas. Dahil nakakapagod ding mang hula." huminga siya ng malalim at inilagay sa magkabilang bulsa ng pantalon niya ang dalawang kamay.
"I know you felt it Kana." hindi niya kayang sabihin talaga.
"Ano ako sayo Lucas?" buong tapang kong tanong.
Dahan dahan siyang naglakad papalapit sa akin at nang nasa harap ko na siya ay tumigil siya. Hinawakan niya ang kanang kamay ko at dinala sa dibdib niya, agad naramdaman ng mga palad ko ang parang tambol na tibok ng puso niya. Muli tinitigan niyang mabuti ang aking mga mata saka ngumiti, ngiti na may kasamang luha.
"Dito Kana, dito ang lugar mo. Noon nasa isip lang kita peru nagising nalang ako isang araw at nandito ka na sa puso ko. Ayoko pang aminin nung una dahil baka mali ako, baka kinabukasan mawawala lang din peru mali ako. Ikaw na ang tinitibok nito Kana, ikaw lang." humagulhol ako ng iyak at hindi ko malaman kung bakit.
Parang nakawala sa pagkakatali ang puso ko, ang sarap sa pakiramdam. Niyakap ako ng mahigpit ni Lucas at niyakap ko din siya pabalik. Ito na yata ang pinakamasayang araw sa buong buhay ko, pangalawa nalang yung pag takas ko sa orphanage noon.
"I haven't cried for a long time, god this is embarrassing." saad niya habang yakap parin ako.
"Nahiya ka pa talaga, ako dapat mahiya no! Kung di dahil sa tanong ko hindi ka pa aamin." humagalpak siya ng tawa dahil sa narinig, medyo kinainis ko naman ang tawa niya.
"I was just waiting for the perfect timing you know?" sus! Sabihin kinakain ng takot kaya hindi magka lakas ng loob na sabihin sa akin ang totoo.
"Niloko mo pa ako, natatakot ka lang talagang maupakan kita at ma basted!" natawa ulit siya.
"Yung ma basted? Hindi ako natatakot dahil alam ko naman patay na patay ka sakin." nasiko ko siya sa tagiliran dahil sa sinabi niya.
"Aba, kung alam ko lang na magiging ganyan ka kahangin ay naku." Umupo siya sa swivel chair niya at hinila ako para maupo sa kandungan niya, putcha ang puso ko kulang nalang lumabas na sa dibdib ko.
"I'm just happy." ipinilig ko ang ulo sa dibdib niya at dinig na dinig ko na gaya ko ay malakas din ang pintig ng puso niya.
"Yung sa contract, totoo bang sinunog mo?" naramdaman ko ang paghalik niya sa ulo ko. Napaisip tuloy ako kung na shampoo ko ba ng maigi ang buhok ko.
"Oo, i burned it dahil alam kong hindi lang dahil dun kaya gusto kong nasa paningin kita lagi." asukal, sobrang tamis.
"Wala bang kumakagat sa binti mo?" seryoso kong tanong.
"Wala bakit?" seryoso naman niyang sagot.
"Ang asukal mo, sobrang tamis baka nilalanggam na tayo."mahinang tawa lang ang ganti niya sa akin, mahinang tawa na parang musika sa aking tenga. Huminga ako ng malalim para mag sink in ang lahat ng pangyayari, peru ang mabango niya pabango ang nalanghap. Pinaghandaan niya siguro ang araw na to at sobrang bango niya.
"Hey Brother-" hindi natapos ang sasabihin ni Ysa nang makita ang ayos naming dalawa.
Nanlaki ang mata niya samantalang kaming dalawa ni Lucas ay natatawa sa mukha niya.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Girl
AcakWalang pinag-aralan, nakatira sa skwaters, madumi, mabaho peru matapang. Yan si Ellise Cruz, dalawamput tatlong taong gulang, nasubok na ng panahon ang katatagan kaya nagkukubli sa pagiging matapang. Sa skwaters na kanyang tinitirahan, tinitingala s...