Kana's POV
Natapos namin lahat ng shoot ng isang buong linggo, halos wala akong pahinga. Gigising ng maaga tapos uuwi ng malalim na ang gabi, salamat nalang talaga at pinapakain ako ng husto ni Brandon dahil kung hindi naku buto't balat na ako ngayun.
Pagkatapos kong nasuntok ang hudlom ay hindi na siya nagpakita sa akin, natauhan ata at nagising sa pagkakamali niya. Sa lahat ng rules na sinabi sa pinirmahan kong kontrata ay wala pa namang nangyayari. Umuuwi parin ako sa skwaters area kasama si Brandon, hindi ko sinasabi sa kanya ang mga lakad ko, wala siya sa mga photoshoot at hindi pa kami lumalabas na magkasama sa harap ng mga tao kaya walang kasweetan pang nangyayari. Sa utos naman ni Brandon ay sinunog namin ang kopya ko ng kontrata dahil daig ko pa ang my Alzheimer sa pagka makakalimutin at baka mawala ko pa daw.
Ngayung gabi ang launching ng SPS at kasalukuyan akong inaayusan ng "glam team" ko daw kung tawagin ni Brandon. Hindi parin ko sanay sa kanila, halos nakita na nila ang buong katawan ko sa tuwing inaayusan nila ako at pinapalitan ng gown. Kaya ko naman sana gawin yung mag palit peru ayaw nila dahil baka masira ko daw. Halos bakla naman silang lahat at may isang babae, nakakainggit nga ang mga ganda nila at galing nila sa pag-aayos, daig pa nilang may magic.
"Kana girl? Are you ready?" Biglang pasok ni Brandon sa kwarto ko. Oh diba? Ang sosyal ko na may sarili na akong kwarto peru ang masaklap hindi to sa akin, nasa isang mamahalin kaming hotel ngayun dahil nakakahiya sa glam team kung sa bahay ko sa skwaters kami magsisiksikan.
"Ready na ba ako Lily?" tanong ko sa baklang naglalagay ng make-up sa akin.
"You're good to go, Kana." sagot niya pagkatapos niyang nag spray ng hindi ko alam kung ano sa mukha ko.
Nakasuot ako ng pulang ball gown. Sobrang ganda nito at para akong prinsesa tingnan. Simply lang naman ito, isang spaghetti strapped na ball gown na pula na puno ng makikintab na krystal. Nakasuot ako ng sapatos na mataas ang takong, medyo sanay na rin kong isuot to dahil halos araw-araw ko ba naman suot para sa shoot. Ang buhok ko ay parang nakahati sa gitna tapos nakapusod at sobrang kintab na parang dinilaan ng ahas. Ang make-up ko naman ay hindi makapal masyado, makati kasi sa mukha pag sobrang kapal at naka lipstick ako ng pula, kasing pula ng gown ko. Habang tinitingnan ko ang sarili sa salamin ay hindi ko mapigilan ang mapangiti dahil parang ibang babae na ang nasa harap ko. Hindi yung babaeng asete ang make-up araw-araw, hindi yung babaeng basahan ang suot araw-araw. Parang ang mahal na ng porma ko ngayun, na parang ano mang oras ay may kikidnap na sa akin at hihingi ng malaking ransom.
"Kana girl, tara na at naghihintay na sa baba ang sundo mo." saad ni Brandon na kanina pa pala ako tinitingnan.
"Sundo ko? Paano ka?" humarap ako sa kanya at halos lumuwa ang mata ko sa nakita.
Sobrang nakaayos din si Brandon, naka american pa ng itim at katulod ng buhok ko ay sobrang kintab din ng buhok niya. Lalaking lalaki siyang tingnan at ang gwapu, parang artista.
"Ang gwapu natin ngayun ahh. Kung ang buhok ko parang dinilaan ng ahas ang sayo parang dinilaan ng baka." biro ko sa kanya.
"First of all maganda ako, pangalawa kadiri yang mga pingasasabi mo at pangatlo, iba ang maghahatid sa akin sa venue at iba ang susundo sayo."nagtaas na naman siya ng kilay.
"Sabay nalang kasi tayo, kasya naman tayo sa iisang sasakyan ah at nagsasayang lang sila ng gas kapag iba-iba ang sasaktan natin."
"Hindi nga kasi pwede." tutol niya.
"Aba! At bakit naman hindi?" tanong ko naman.
"Basta nga kasi, hindi pwede." sagot niya.
"Bakit nga kasi at sinong nagsabing hindi pwede? Alam mo Brandon nakatira tayo sa malayang bansa, pinganak tayong may kanya-kanyang kalayaang mag disesyon para sa sarili natin tapos ngayun hindi na tayo pwedeng magdesisyon sa sasakyan natin? Asan ang hustisya doon?" may kahabaan kong sagot sa kanya.
"Alam mo? Ang OA mo, sumunod ka nalang kasi. Nakatira nga tayo sa malayang bansa, eh hindi naman ibig sabihin na hindi na tayo pwedeng sumunod sa simpling instructions." so ibig sabihin may nag-utos sa kanya. Naku! hindi na ako magtataka na pati tong kaibigan ko nakulam na ng hudlom na yun at kaya na din niyang pasunurin.
"Ang hudlom ang nag-utos sayo no?" hindi siya sumagot at tinalikuran nalang niya ako.
"Kung hindi ka daw bababa sa loon ng limang minuto, susunugin niya ang hotel na to kaya kong ako sayo magsimula ka nang maglakad bago ka pa maging abo." napakaswerte ko naman talaga at siya pa ang kaibigan ko.
Ako pa talaga ang tinakot ng hudlom na yun, sunugin niya kung gusto niya ang hotel na to wala akong pakialam. Susundo-sundo siya tapos hindi niya kayang maghintay? Eh kung mauna nalang siya nang wala siya ikakagalit ang simply lang naman nun. Tiningnan kong muli ang sarili ko sa salamin bago huminga ng malalim, malalim pa sa butas ng ilong ko.
" Tayo na't makipaglaro sa hudlom Kana, isang linggo din kayong hindi nagkita at alam kong alam mo na marami siyang naihandang plano sa bulsa niya, handa ka ba kung ano man yuna?" kausap ko sa sarili ko sa harap ng salamin.
Hindi ko na sinagot ang tanong ko sa sarili ko at lumabas na ng kwarto, iniwan na talaga ako ng baklang takot masunog. Tinungo ko ang elevator at agad sumakay doon. Maganda ang hotel na to, sobrang pang mayaman peru ang ayaw ko lang ay hanggang second floor lang ang elevator nila at kailangan mo pang dumaab dun sa sosyalan nilang hagdan pababa ng lobby. Meron namang elevator pababa sa parking area sa pinakababa ng hotel peru wala talagang babaan sa lobby dahil walang pinto doon eh ewan, pati ako naguluhan na din sa sinasabi ko.
Dahan dahan akong bumaba sa hagdan dahil sa taas ng takong na suot ko at sa laki ng ball gown na halos hindi ko na makita ang paa ko at kailangan ko oang hawiin at hawakan ang laylayan para makita ang dinadanan ko. Kung pwede lang sanang gumulong nalang pababa ng hindi nasasaktan ginawa ko na.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Girl
RandomWalang pinag-aralan, nakatira sa skwaters, madumi, mabaho peru matapang. Yan si Ellise Cruz, dalawamput tatlong taong gulang, nasubok na ng panahon ang katatagan kaya nagkukubli sa pagiging matapang. Sa skwaters na kanyang tinitirahan, tinitingala s...