Kana's POV
Dalawang oras na akong nakaupo dito sa opisina ni Lucas, memoryado ko na ang bawat sulok ng opisina niya. Alam ko na kung ilan ang paintings sa dingding, ilan ang ballpen sa mesa niya, ilang papeles ang napirmahan niya mula pagdating namin kanina at ilang tawag ang sinagot niya. Bagot na bagot na ako at gusto ko nang makalabas dito.
Bakit ako nandito?
Simula kasi nung sagutan namin ni Trina sa beach ay ayun kumalat na ang balita sa kung gaano daw ako kasama at kalaki ang ulo. Dahil daw kay Lucas ay nag-aasta akong kung sino sa trabaho. Kaya ayun cancelled lahat ng shoots ko, ayaw na nila sa akin dahil sa puro kasinungalingang mga balitang ginagawa laban sa akin. Mga tao talaga sa panahon ngayun basta basta nalang naniniwala sa kung ano mang nababasa nila.
Dahil nga wala na akong trabaho ay itinali naman ako ni Lucas sa kanya, ginawa niya akong buntoy. Ewan ko ba sa kanya peru simula nung nagkasama kami sa beach ayaw na niya ako ewan at lagi na niya ako isinasama dito sa opisina niya. Isinasama niya ako dito, di naman niya ako kinakausap at busy lang siya kakatipa sa laptop niya habang nakakunot ang noo. Peru kahit sobrang gandang lalaki parin niya kahit nakakunot ang noo niya at parang may hindi naiintindihan sa binabasa niya.
"Psssssst!" tawag ko sa kanya.
"What." saad niya habang nasa laptop parin ang mata.
"Hindi ba napapanis laway mo dito?" bored ako kaya kailangan ko siyang kausapin.
"Nope." Tipid niyang sagot.
"Hindi ka ba nababagot sa trabaho mo?" tanong ko ulit.
"Nope." sagot niya.
"Ang boring naman ng trabaho mo, ikaw lang mag-isa dito tapos wala ka pang kausap." saad ko.
"Well andito kana, hindi na ako mag-isa at hindi na boring." saad niya, ngayun ay nakatingin na sa akin.
"Ang boring parin dahil hindi mo naman ako kinakausap." reklamo ko.
"Pwede ka namang maglibot sa buong building kung gusto mo, peru wag ka lang lumabas." seryoso niyang saad. Nasiyahan naman ako dahil ang sakit na ng pwet ko kakaupo.
"Pwede kahit saang floor ng building mo?" tango lang ang sagot na nakuha ko mula sa kanya.
"Okay, sisimulan ko nang maglibot dahil napakaboring ng opisina mo." agad akong tumayo at tinungo ang pinto, peru bago paman ako lumabas ay nagsalita siya.
"Be back by lunch." saad niya.
"Aye aye captain." sinaluduhan ko pa siya.
Wala si Anna sa table niya nang lumabas ako kaya dumiretso nalang ako sa elevator at namili kung saang floor ko gustong maglibot. Pinikit ko ang mata ko at pumindot ng button at pagdilat ko ay 13th floor ang napindot ko.
Hindi din naman pala naging ganun ka saya ang paglilibot ko dahil puro busy ang mga tao at halos isubsub na nila ang mga mukha nila sa mesa at sa screen ng computer dahil sa puspusan nilang pagtatrabaho. Kaya pala lalong umuunlad ang negosyo ni Lucas dahil sa mga masisipag na empleyado niya. Pinapasalamatan kaya niya sila o binibigyan ng award?
Ilang floors na din ang nalibot ko at hindi ko na namalayan ang oras, kung hindi pa kumulo ang tiyan ko ay hindi ko pa malalaman na tanghalian na pala. Naghahanap ako ng elevator nang pagliko ko ay bumungad sa akin ang mga empleyadong kumakain at nagkukwentuhan. Ngayun ko lang nalaman na meron palang kainan dito sa building ni Lucas, hindi man lang niya sinabi. Pumila ako kasunod ng mga empleyado na alam kong gutom din.
"Ma'am mauna na po kayo." saad ng lalaking nasa unahan ko, kilala pala nila ako talaga dahil pagpasok ko palang ay halos nakadikit na sa akin ang mata ng lahat.
"Wag na, okay lang." pinilit pa sana niya ako peru hindi ako pumayag, nakakahiya naman sa kanya.
Nang malapit na ako sa masasarap na pagkain ay nag vibrate naman ang cellphone ko sa bulsa ko at hindi na ako nagulat nang makita kong si Lucas ang tumatawag.
"Hello?" sagot ko.
"Alin sa sinabi ko ang hindi malinaw?" seryoso niyang saad sa kabilang linya.
"Nasa loob parin naman ako ng building ah." sagot ko naman.
"Yeah I know, peru i told you to be back here by lunch. Nagpa reserve ako sa isang restaurant for us." saad niya na nagpakilig sa akin.
Hoy! Tumigil ka nga Kana! Wag kang umasa! Nagpapanggap lang kayo kaya ayusin mo sarili mo!
"Dito nalang tayo sa kainan ng building mo, mukhang masasarap ang pagkain at gutom na ako." hindi ko din naman maeenjoy ang mga pagkain dun sa restaurant na gusto niyang puntahan.
"Are you sure?" tanong niya.
"Oo nga, mas gusto kong subukan ang pagkain dito kaysa dun sa labas kaya halikana, dito nalang tayo kumain." bumuntong hininga lang siya sa kabilang linya bago pinatay ang tawag.
Nag order na ako ng pagkain para sa aming dalawa. Isang chicken curry, adobong manok, gulay, rice at dalawang mineral water. Babayaran ko na sana lahat peru napansin ko tumahimik ang paligid at parang nanigas ang cashier habang nakatingin sa likod ko.
"You want me to order for us?" tanong niya sa akin habang tumitingin sa menu.
"Tapos na akong mag order para sa atin, babayaran ko nalang." mag-aabot na sana ako ng pera peru pinigilan niya ako.
"Charge it to me nalang manang, i'll pay for it." saad niya sa babae na mabilis namang tumango.
"Tumigil ka nga! Wag kang maniwala sa kanya ate, ako nag order kaya ako ang magbabayad." inabot ko ang pera peru pinipigilan ni Lucas ang kamay ko.
"No Kana, ako na." ay ang tigas ng ulo.
"Sige ikaw magbayad tapos hindi ako kakain at uuwi ako sa bahay." sinimangutan ko siya.
"Fine!" saad niya bago umalis dala ang tray ng pagkain namin at naghanap ng mauupuan.
"Salamat po ate." agad akong sumunod sa kanya.
Hindi ko mawari kung bakit peru habang nakatingin sa amin ang mga empleyado ni Lucas ay parang bagong bago sa kanila na nandito si Lucas, linalanghap ang parehong hangin na nilalanghap ng lahat.
"Magsabi ka nga ng totoo, ngayun ka palang nakakain dito?" usisa ko sa kanya nang makaupo na ako sa tapat niya.
"With all honesty, yes." ako naman ang nabigla sa narinig ko.
"Aba, dapat pala dalasan natin pagkain dito." hindi ko alam kung ngiting iritable o ngiting sumasang-ayon ang ngiting binigay niya sa akin matapos kong sabihin yun.
Peru kahit ano pang ngiti yun basta, napangiti ko siya.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Girl
RandomWalang pinag-aralan, nakatira sa skwaters, madumi, mabaho peru matapang. Yan si Ellise Cruz, dalawamput tatlong taong gulang, nasubok na ng panahon ang katatagan kaya nagkukubli sa pagiging matapang. Sa skwaters na kanyang tinitirahan, tinitingala s...