Lucas's POV
It's been days, it's been fucking days peru hindi parin nahahanap si Kana. We are all worried sick, lahat ng pwedeng tawagan ay natawagan na namin para makatulong maghanap kay Kana. Pabalik balik na ako skwaters nagbabakasakali na nandoon siya sa bahay niya noon o di kaya ay may nagtatago sa kanya doon. Pati ang driver niya hindi pa namin nakikita simula noong nawala siya, kaya ang lead suspect namin ngayun ay ang kanyang driver peru ang parents ni Kana ay hindi makapaniwala na ang driver niya ang nag kidnap sa kanya dahil pinagkakatiwalaan nila ito.
"Are you okay son?" tanong sa akin ng Daddy ko saka tinabihan ako sa mini bar ng bahay namin.
"Hindi parin nakikita si Kana Dad." malungkot kong saad.
"That girl is strong son, matapang siya at kung nasaan man siya ngayun i'm sure she's fighting. What we need to do is look for her and help her, hindi man natin alam kung nasaan siya ngayun o kung ano ang ginagawa niya o kung sino ang may hawak sa kanya peru wag tayong mawalan ng pag-asa, let's not give up on her. Don't lose hope son." Niyakap ko ang Daddy ko dahil sa sinabi niya, i'm trying to be strong peru dahil sa sinabi ni Dad ay parang hinayaan ko nalang na lumabas lahat ng sakit at takot ko. I cried, I cried in front of my father, I showed my father how weak I am right now.
"I can't find her Dad, I am useless. Hindi ko siya kayang iligtas. I'm sure she's waiting for me right now, umaasa siya na ililigtas ko siya Dad peru wala akong magawa. Wala akong silbi, wala akong kwentang boyfriend Dad." Saad ko habang humahagulhol sa harap ng Daddy ko.
"You're not useless son, tinawagan mo na ang connections mo and that's a big help. Hindi fairytale ang buhay natin na kapag nasa panganib ang mahal natin ay lagi tayong nandoon to save them, ang tangi nating magagawa ay magpakalakas at maniwala na everything will be alright." Saad ng Daddy ko habang tinatapik ang balikat ko.
"I'm sorry for being weak in time like this Dad." saad ko habang pinupunasan ang mga luha sa pisngi ko.
"That's alright son, walang mali kapag ipakita mo ang kahinaan mo. Maging mahina ka, umiyak ka, let it all out peru dapat pagsikat ng araw kinabukasan ay sabay ding sumikat ang lakas ng loob mo sa sarili mo. It's alright son, Kana will be home soon." niyakap niya akong muli saka ako iniwan mag-isa. Inubos ko ang lamang alak sa baso ko bago ako umakyat sa kwarto ko at nagpakain sa antok.
"Lucas! Gising! Lucassssssssss!" tinakpan ko ng unan ang tenga ko dahil sa ingay ni Ysa. Hindi ko pam siya nakikita ay alam ko na siya ang sumisigaw dahil sa boses niya.
"Maligo ka na, magbihis ka at we need to go now!" utos niya sa akin. Masakit ang ulo ko dahil sa medyo marami akong nainom kagabi at sobrang bigat ng katawan ko.
"Gising na Lucas! Nakita na si Kana." hindi agad na proceso ng utak ko ang sinabi ni Ysa peru nang unti-unti ay nag sink in na sa akin ang sinabi niya ay agad akong bumangon at nagbihi.
"Where is she? Sino nakakita sa kanya? Saan siya dinala?" tanong ko habang nagsusuot ng damit.
"Bilisan mo nalang." saad niya saka tumakbo palabas ng kwarto ko.
Nakita na si Kana, nakita na si Kana.
Yan ang paulit ulit kong sinasabi habang nagbibihis ako. Parang lumuwag ang dibdib at nakahinga ako ng maluwag na nakita na siya peru yung takot ay hindi parin nawawala. Nakita na siya peru kumusta kaya siya, sinaktan kaya siya ng kidnapper niya, marami kaya siyang galos o di kaya ay pumayat ba siya.
Pagkatapos na pagkatapos kong magbihis ay agad akong bumaba at naabutan ko silang lahat sa sala na naghihintay sa akin. My Mom, Dad at Ysa, nakabihis din silang lahat at nakangiti habang hinihintay ako.
"Tara na at puntahan si Kana. I'm sure she's waiting for you Son." saad ni Mommy.
Nakasakay kaming lahat sa isang van, dadalhin ko sana ang kotse ko peru ayaw ni Dad, gusto niya sabay kaming lahat na pumunta sa hospital. Dahil sa kaba ko at excitement ay hindi ako mapakali, binuksan ko ang phone ko at nag check ng social media at number one tending worldwide ang balitang natagpuan na si Kana. Maraming nagtatag sa profile niya ng mga panalangin, maraming nagmamahal at sumusuporta sa kanya.
"We're here. Lucas, bago tayo lumabas I want you to be strong okay? Hindi natin alam ang condition ni Kana kaya let's be strong for her." saad ni Daddy.
Hinawakan naman ni Ysa ang mga Kamay ko at nakangiti siyang tumingin sa akin.
"She'll be alright." saad niya saka ako niyakap ng mahigpit.
Paglabas namin ng hospital ay dinumog agad kami ng mga taga media, tinutulungan ni Daddy si Mommy habang ako naman ay kay Ysa. Panay ang kislap ng mga camera, naghahalo ang sigaw ng mga tanong na nagpairita sa akin, sisigawan ko na sana sila sa inis peru Ysa stopped talking me at hinila ako papasok ng hospital. Tinext na sa akin ni Brandon ang room ni Kana habang nasa byahe kami kaya dire diretso na kami sa elevator. Ilang hakbang nalang ay makikita ko na si Kana, mahahawakan ko na siya, mayayakap ko na siya.
Paglabas namin ng elevator ay agad naming namataan ang room ni Kana dahil sa mga armadong lalake na nakabantay sa labas ng pinto. Nauna akong pumasok sa kwarto at parang ilang beses na hiniwa ang puso ko dahil sa nakita ko. Galit, sakit at awa ang agad kong naramdaman habang dahan dahang lumalapit kay Kana. Hindi ko mapigilang hindi maikuyom ang mga kamao ko dahil sa galit sa kung sino mang gumawa nito sa kanya.
Kulay ube na ang magkabila niyang pisngi, putok ang kanyang labi at may sugat ang kanyang kilay. Ang kanyang mga kamay ay nagkasugat din bakas ng mahigpit na pagkakatali, ang kanyang mga braso ay puno din ng mga pasa. Sobrang pumayat din siya, sign na hindi siya pinapakain ng kung sino mang kumuha sa kanya. Bakit siya pa, bakit kailangan niya pagdaanan ang ganito, bakit?
"I'm gonna make them pay Kana, I'm gonna make them rot in jail!" saad ko habang naguunahang tumulo ang mga luha ko. I heard Ysa and my Mom crying nang makita nila ang sitwasyon ni Kana.
"Siya lang ang makakapagsabi kung sino ang gumawa sa kanya niyan Lucas. All we need to do is wait for her to wake up at magpalakas." saad ni Brandon na nasa tabi ko na pala.
"Where's tita Sofia and Tito Ellisio?" tanong ko sa kanya.
"Kausap sila ng pulis sa isang private room din dito sa hospital kasama ang mga taong nakakita kay Kana, para sa mga dagdag na detalye." saad niya.
"Sinabi ba nila kung paano nila nakita si Kana?" curious kong tanong.
"Sabi nila, nakarinig sila ng mahinang sigaw peru dahil maingay sa lugar nila at marami din daw tao ay hindi nila pinansin, peru nang muli ay may sumigaw ay may nakakita na sa kanya at saka siya humandusay at agad nilang dinala sa pinakamalapit na hospital." kwentu ni Brandon na muli ay nagpaluha sa akin.
"She fought for her life, lumaban siya Brandon gaya ng lagi niyang ginagawa, lumaban siya."
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Girl
DiversosWalang pinag-aralan, nakatira sa skwaters, madumi, mabaho peru matapang. Yan si Ellise Cruz, dalawamput tatlong taong gulang, nasubok na ng panahon ang katatagan kaya nagkukubli sa pagiging matapang. Sa skwaters na kanyang tinitirahan, tinitingala s...