Kana's POV
Pagod ako peru wala naman akong ginagawa, ang gusto ko lang ay matulog para kahit papano ay makalimutan ko lahat. Gusto kong mawala ang sakit at pangungulila, gusto kong mawala ang lungkot peru hindi ko alam kung papaano. Ayoko ng ganito, gusto kong bumalik at kumawala sa lungkot na mahigpit ang pagkakayakap sa akin.
Dalawamput tatlong taon kong pinigil ang sarili na tuluyang kainin ng lungkot at pangungulila, dalawamput talong taon kong pilit na pinapasaya ang sarili at inaabala para lang kahit papano makalimutan na mag-isa ako at walang nagmamahal sa akin. Dalawamput tatlong taon kong tiniis ang inggit sa tuwing nakakakita ako ng bata na may magulang na gagawin ang lahat para sa anak nila. Dalawamput tatlong taon o dalawamput dalawa or higit pa, hindi ko alam dahil wala naman ako talagang kaarawan, hindi ko alam kung kailan ako isinilang ng mga magulang ko sa mundo, hindi ko alam ang tunay na edad ko, wala akong alam.
Gusto ko nang matapos ang lahat, wala na akong rason para manatili pa, ayokong mahawa sa kalungkutan ko ang iba, ayokong kaawaan nila. Pagod na ako sa lahat, pagod na akong gumising at muling maalala ang kulang sa aking buhay, pagod na ang puso kong maramdaman ang kirot at sakit na matagal ko nang nararanasan, pagod na akong ngumiti at mag mukhang masaya para sa iba, pagod na akong ipagpatuloy ang laban na wala man lang akong dalang sandata.
Pinilit kong mabuhay at lumaban dahil sa pag-asang mahahanap nila ako at mamahalin, peru hanggang ngayun para parin akong yung mga bulaklak sa rooftop na pinilit itinanim peru basta nalang iniwan at hindi inalagaan. Bakit pa nila ako ginawa kung basta basta lang din naman pala nila akong iiwan sa kung saan at sila siguro ngayun ay nagpapakasaya kung nasaan man sila.
Napaka unfair ng buhay, napakadamot ng tadhana.
"Ano po ba ang nagawa ko noon at hinayaan mong maging ganito ang buhay ko?" saad ko habang nakatingin sa kisame at luhaan.
Dalawang linggo na sigurong lumuluha ang mata ko peru hindi parin ito nauubusan ng luha. Dalawang linggo na akong nakakulong sa kadiliman ng aking kwarto. Dalawang linggo na akong nagtatago sa mundo at sa mga tao.
"Ganun po ba ako kasama sa nakaraang buhay ko at labis ang hirap na dinadanas ko ngayun? Ano po ba ako dati? Kriminal, magnanakaw, rapist o scammer? Kung ano man po ako noon patawarin niyo po ako, patawarin niyo po ako. Tanggalin niyo na po ang sakit at pangungulila please? Hindi ko na po kakayanin talaga, gusto ko na pong sumuko, sobrang sakit na po talaga, ayoko na." humagulhol na ako ng iyak, ayoko man ay hindi ko mapigilan ang sarili ko, hindi ko na kayang pigilin ang sarili ko.
Mahinang usapan, mga tunog ng sapatos na dahan dahang naglalakad sa sahig at tunog ng pinto na senyales na may nga tao sa kwarto ko, yan ang gumising sa akin. Ginawa ko ang dalawang linggo ko nang ginagawa kapag pumapasok sila, hindi ko sila papansinin at hindi ako gumagalaw para akalain nilang tulog ako. Ayoko ng kausap, gusto kong mapag-isa.
"Kana, gising ka muna at may bisita tayo." boses ni Brandon, nandito si Brandon.
"Nakakain na ba siya?" boses babae, hindi pamilyar.
"Prutas po, yan lang po napapakain ko sa kanya at tubig wala na pong iba doc." Doc? Tumawa siya ng doctor para ano, patingnan ako?
"Wake her up muna at kukunin ko lang ang gamit ko sa sala." saad ulit ng babae bago muling tumunog ang pinto hudyat ng paglabas niya. Gumalaw naman ang kama saka naramdaman ko ang kamay ni Brandon sa Braso ko.
"Gising kana please? Kakausapin ka lang ng doctor para gumaling ka, para makasama ko na ulit ang dating Kana." may bahid na lungkot na saad ni Brandon.
"Wala akong sakit para patingnan sa doctor, pagod lang ako at kailangan ko lang magpahinga kaya pauwiin mo nalang siya." paos kong saad habang nakapikit ang mata.
"Hindi, dalawang linggo mo nang sinasabi yan. Dalawang linggo na kitang pinagbibigyan diyan sa pahinga mo Kana peru wala, dinig ko parin ang mga hagulhol mo sa kwarto ko." tatakpan ko sana ng unan ang ulo ko peru mabilis niyang naagaw sa akin yun.
"Okay lang ako Brandon." saad ko.
"Hindi ka okay Kana, sa totoo lang hindi na kita kilala. Ang kilala kong Kana ay yung matapang, pinagtatanggol ako, nakikipag suntukan at hindi sumusuko. Kabaliktaran lahat ng pinapakita ng Kana ngayun. Hindi ko kayang nakikita kang mahina Kana, nasasaktan din ako." may naramdaman akong likidong pumatak sa braso ko, umiiyak siya.
"Hindi ko gusto to Brandon peru hindi na ako makawala, nakatali ako at hindi ko kayang tanggalin." saad ko sa kanya.
"Nandito ako, kausapin mo ako. Tutulungan kitang makawala Kana, hindi kita susukuan gaya ng hindi mo pagsuko sa akin noon. Kung iniisip mong hindi ka mahalaga, nagkakamali ka dahil napakahalaga mo sa akin. Kung iniisip mong mag-isa ka lang, mali yun dahil nandito ako Kana hindi kita iiwan. Please Kana." niyakap na ako ng mahigpit ni Brandon at kahit kunti ay parang nabawasan ang lungkot ko.
Tinulungan ako ni Brandon na mag-ayos ng sarili, sinuklay niya ang magulo kong buhok at pinagpalit ng damit bago niya muling tinawag ang doctor. Iniwan niya kaming dalawa ng doctor sa kwarto at hinayaang mag-usap. Maraming tanong na binigay ang doctor sa akin, ayoko siyang kausapin nung una peru nung hawakan niya ang kamay ko at sinabi niyang makikinig siya at wag pilitin ang sarili ko pag hindi ko kaya ay paunti unti sinasagot ko na ang tanong niya. Mahirap, peru pinipilit kong magpakatatag para kay Brandon.
Para kay Lucas.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Girl
De TodoWalang pinag-aralan, nakatira sa skwaters, madumi, mabaho peru matapang. Yan si Ellise Cruz, dalawamput tatlong taong gulang, nasubok na ng panahon ang katatagan kaya nagkukubli sa pagiging matapang. Sa skwaters na kanyang tinitirahan, tinitingala s...