CHAPTER NINETY-NINE - SECOND TO THE LAST

6.5K 112 4
                                        

Kana's POV

"Tutuloy kang Rome?" tanong ni Brandon habang pinapanood akong mag impake.

"Yupp, mas gugustuhin kong makasama ang pamilya ko kaysa mag mukmok dito at malulungkot lang din ako dahil umalis na si Lucas." pagkabanggit ko palang ng pangalan niya ay nag unahan nang tumulo ang mga luha ko, pusang may reglang buhay na to!

"Good decision, peru stop with that crying thing Kana. It's not as if patay na yung tao at hindi mo na makikita forever, umuwi lang ng Pinas iyak ka na ng iyak diyan." inirapan pa ako ng loka!

"Umuwi siya without telling me, nag away pa kami before siya umalis at kinain ko na nga ang bare baritang pride ko at tinawagan ko siya peru pinatayan lang niya ako ng phone. He doesn't love me anymore, he doesn't love us anymore." alam ko ang OA ko na peru hindi ko naman kasi talaga mapigilan eh.

"Ang nega mo alam mo yun? Paano kung na lowbat lang yung tao o di kaya ay akala niya tulog ka na at ayaw niyang gisingin ka kaya umalis nalang siya." paliwanag niya.

"Yun na nga eh, pwede naman akong gisingin anytime at magpaalam lang na aalis hindi niya nagawa? Hindi na niya talaga kami mahal ni Baby." napabuntong hininga nalang si Brandon dahil alam niyang hindi siya mananalo sa akin.

Hindi ako nakatulog kagabi, I waited for him to come back peru walang Lucas na dumating.   Kinain ko na ang pride ko at tinawagan siya peru pinatayan lang ako ng phone, meaning galit siya sa akin. Humingi na nga ako ng tawad sa kanya para maging okay kami peru yun nga pinatayan lang ako ng tawag. He's really mad at me dahil sa nagawa ko, hindi naman ganun ka lala yun diba? Baka na realize lang niya talaga na hindi niya pala ako ganun ka mahal nang makita niya yung tupperware niyang ex!

Kung iiwan niya na ako paano na kami ni baby? Kaya ko naman siyang buhayin peru hindi ko kakayaning lumaki ang anak namin ng walang ama, hindi niya pwedeng maranasan ang naranasan kong pangungulila sa pagmamahal ng isang buong pamilya. Peru hindi ko naman mapipilit yung taong ayaw na talaga diba? Well hindi naman totally malulungkot ang baby naman yata dahil I will do my best to be his or her best mother, nandyan naman si Mommy at Daddy para sa kanya, si Elliot at si Brandon. Marami paring magmamahal sa kanya at sisiguruhin kong lalaki siyang puno ng kasiyahan.

"Alam mo bang nababasa ko utak mo?" biglang saad ni Brandon.

"Kung nababasa mo sabihin mo nga kung ano ang nasa isip ko?" challenge ko sa kanya na taas noo niyang tinanggap.

"Nag iisip ka na kung paano mo palalakihin ang baby mo mag-isa at walang ama! Naku Kana, tigil tigilan mo nga yang sobrang pagka advance mong mag isip! Wala kang mapapala diyan kundi stress at bawal sayo yun. What if mag focus ka muna sa kalusugan mo at ni baby at magpaka stress ka ng bonggang bongga kapag nailabas mo na siya! Babaeng to!" bakit ba kasi lagi nalang tama ang pinagsasabi ng binabaeng to!

"I just can't help it!" reklamo ko.

"Ipagpatuloy mo yan kung gusto mong magluwal ng isang buhay na eyebag!" nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya dahil may god!  Imposibleng magsilang ng isang eyebag ang tao, ano yun?

"Posible yun?" nasapo niya ang noo dahil sa tanong ko.

"Syempre hindi yun possibly, babaeng to! May ka bobohan din palang taglay." isinara niya ang maleta saka hinila palabas ng kwarto.

"Halika na at aalis na tayo." tawag niya sa akin at agad naman akong sumunod.

As usual dagsa na naman ang mga paparazzi sa labas ng estate dahil nga well nabasa ko sa isang spanish article na may nakakitang nagmamadaling umalis si Lucas kagabi at as usual may kanya kanyang story agad sila na kesyo nag away kami at naghiwalay kaya umalis si Lucas at umuwi ng Pilipinas. Tama naman ng very very light ang article na nag away nga kami at umalis si Lucas, peru yung naghiwalay ay ewan ko. Ngayun ay kinailangan ko pang magsuot ng sunglasses para takpan ang namamaga kong mga mata dahil sa sobrang pag iyak.

The Billionaire's GirlMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon