Lucas's POV
The last time i saw her was a week ago at hindi pa maayos ang pag-uusap namin, well hindi naman talaga maayos kung kami mag-usap. I don't kung ano meron ang babaeng yun, peru hindi niya nilulubayan ang isip ko. Kahit tingnan ang record ng mga babaeng dumaan sa akin, lahat sila ay malayo kay Kana. They are from a well known family, pino sila kung gumalaw, may class at they talk softly na sobrang layo kay Kana.
Si Kana maganda, attractive peru kung kumilos parang maton, kung mag salita akala kinokontra mo siya lagi at wala siyang pakialam kung magugustuhan ng mga nasa paligid niya ang sasabihin niya basta alam niyang wala siyang inaapakan. She's a woman with principle, she doesn't want any body to take over, she wants to be in control, and she's doing it in my mind right now, she's controlling it kahit nasa malayo siya.
It's sunday, for others it's free day, time for family and friends, but for me it's just another day that i will spend in the office. I don't do rest days, it's a waste of time, it will make your progress slow. Peru today will be different and it's because of Kana, she will make me crazy one of this days really.
"Anna can you order a bouquet of flowers for me please? Dadaanan ko nalang in 10 minutes. Thank you." agad kong binaba ang phone at nilisan ang condo unit ko.
Habang nasa daan ay nag-iisip na ako ng idadahilan kung bakit ako pupunta sa kanya, mahirap papaniwalain minsan ang babaeng yun, nakachamba lang ako't napapirma ko siya sa kontrata. Kung kanina kung ano-anu ang nasa utak ko dahil kay Kana, ngayun naman ay wala akong maisip na idadahilan, bahala nalang.
Pagkatapos kong daanan ang bulaklak ay nagpapawis na ang kamay ko and trust me this never happened to me before, that girl is really something.
Pagpasok ko sa building ay pansin ko na ang mga staff na pasimpling kumukuha ng picture, binilisan ko ang hakbang hanggang marating ko ang elevator. Pagdating ko sa floor ng unit nila Kana agad akong nag doorbell peru si Brandon ang bumungad sa akin na nakasuot ng apron.
"Si... Sir Lucas good morning po, ano pong atin?" hindi man lang niya ako patutuluyin muna bago tanungin?
"I'm here for Kana, where is she?" malamig kong saad na alam kong nagbigay ng takot sa kanya.
"Ahm pasok po muna kayo, natutulog pa po siya peru wait here po muna at gigisingin ko." nagmamadali niya akong iniwan at tinungo ang pinto ng kwarto ni Kana.
Sinundan ko siya doon bitbit ang bulaklak at sininyasan siya na ako na ang maghihintay na lumabas si Kana.
Napatingin ako sa wrist watch ko at 10 am na at hindi pa gising si Kana? Hindi ba siya natulog ng maaga?
Bumukas ang pinto ng kwarto at iniluwa doon si Kana na papungas pungas at nagtatanggal pa ata ng muta.
"What a great way to greet your visitor Kana." Kita sa mukha niya na biglang bigla siya nang ako ang bumungad sa kanya, tiningnan pa niya ako mula ulo hanggang paa.
"Hindi mo man lang ba ako babatiin?" tanong ko peru sinara na niya ang pinto at pumasok sa kwarto niya.
"Bakit ang tagal niya nagising?" tanong ko kay Brandon na nasa dining table.
"Ganyan po siya kapag walang photoshoot." Tipid niyang sagot bago pumasok sa kwarto niya bitbit ang plato niyang may lamang pagkain. Pagsara ni Brandon ng pinto niya ay siya namang pagbukas ng pinto ng kwarto ni Kana, kung kanina parang pugad ng ibon ang buhok niya ngayun ay maayos nang nasuklay at nakasuot na rin siya ng roba.
"Magandang umaga." Masigla niyang bati at saka inagaw ang bulaklak sa akin na ikinabigla ko naman.
"Kailangan talagang agawin? Well para sayo naman talaga yan peru hinintay mo man lang sanang ibigay ko sayo." sobrang pinagsisihan kong nasabi ko yun dahil nagbago bigla ang timpla ng mukha niya.
"Suli ko na nga lang! Ayan o iuwi mo!" isinauli niya sa akin ang bulaklak at tumungo sa dining table.
Nagsimula siyang kumuha ng pagkain, umupo naman ako sa silyang katabi ng inuupuan niya at bumuntong hininga.
"Para sayo." abot kong muli sa bulaklak sa kanya.
"Ayoko na niyan." pag-iinarte niya na nakaka init sa ulo ko, alam naman niyang hindi kahabaan ang pasensya ko.
"Seriously Kana? Just accept this damn flowers!" kahit anong pigil ko sa sarili ko ay hindi ko talaga mapigilang hindi umusok ang ilong at tenga.
"Hindi ka ba tinuruan ng tatay mo paano magbigay ng bulaklak sa babae?" tanong niya sa akin.
"Hindi ka ba tinuruan ng parents mo kung paano tumanggap ng bulaklak ay mag appreciate ng effort ng isang tao?" binalik ko sa kanya ang tanong at hindi gaya ng inaasahan ko ang reaction niya, she's hurt, i can see it in her eyes.
"Ano ba kasi ginagawa mo dito?" matamlay niyang saad habang nasa pagkain na tinutusok tusok niya lang nakatingin.
"I want to ask you out, people are asking about us, about what's going on with us. Dahil after that night wala na silang nakitang pictures of us together." lahat ng sinabi ko ay gawa gawa ko lang, yun ang nasabi ko dahil yun ang unang pumasok sa isip ko.
"Paano kong ayoko muna ngayun?" sagot niya na muli nagpapakulo ng dugo ko, hindi pwedeng masayang ang effort ko today. Wala na akong nagawa sa opisina dahil inuna ko siya tapos aayawan niya ako?
"You signed the contract Kana, you can't refuse to whatever i say." puno ng awtoridad kong saad sa kanya.
Huminga siya ng malalim bago tumayo at tinungo ang kwarto ni Brandon. Hindi man lang ako tiningnan.
Halos kalahating oras siyang naghanda, you know women and their routine. Pwede akong umalis dahil sa tagal niya at ayoko talagang pinaghihintay ko peru hindi ko alam kung bakit pinagtatyagaan ko siya.
Paglabas niya ay parang may malakas na hangin umihip sa akin at nawala lahat ng ano mang inip na nararamdaman ko kanina, she look so good in her spaghetti strapped white dress that showed her perfect shoulder and collarbone, she's wearing minimal make-up peru sobrang ganda parin niya, she doesn't need make-up actually, her shoes goes well with the whole outfit and made her feet look more gorgeous, her hair looks lovely as well. She looks lovely, very lovely.
"Aalis ba tayo o hindi?" inip niyang saad.
"Oh yes, let's go." kung hindi pa siya nagsalita baka buong araw ko nalang siyang titingnan.
I just hope today will go as planned, oh i forgot i don't have any plan. For the first time in my life, ngayun lang ako umalis ng condo na walang schedule na nakahanda sa akin. Should i call Anna and ask for help?
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Girl
AcakWalang pinag-aralan, nakatira sa skwaters, madumi, mabaho peru matapang. Yan si Ellise Cruz, dalawamput tatlong taong gulang, nasubok na ng panahon ang katatagan kaya nagkukubli sa pagiging matapang. Sa skwaters na kanyang tinitirahan, tinitingala s...
