Kana's POV
Tatlong araw.
Tatlong araw na akong nasa mga kamay ni Fernan. Tatlong araw na niya akong pinagnanasaan at pinapaliguan ng nakakadiring tam*d niya. Sobrang lapot na ng katawan ko at malansa na ang amoy ko, nasusugatan na ang mga kamay ko dahil sa higpit ng pagkakatali niya, ang mga paa ko naman ay parang hindi ko na maramdaman dahil namamanhid ito.
Isang beses lang niya ako kung pakainin sa isang araw at hindi naman ako makapag reklamo dahil wala nang space ang mukha ko para sa bagong pasa. Occupied na ng mga pasa ang mukha ko dahil sa tuwing nagrereklamo ako ay sampal o di kaya ay suntok ang lagi niyang isinasagot sa akin. Hindi ko na makuhang mag isip ng maayos dahil sa gutom at uhaw, wala na rin akong lakas para subukang makaalis mula sa pagkakatali.
"Ang baho mo na!" nakangiwi niyang saad habang pinapainom ako ng tubig.
"Talaga ba? Akala ko hindi mo napapansin na nangangamoy na ako Fernan." sarkastiko kong saad.
"Kahit pala gaano ka ganda ang babae nangangamoy din?" bobo talaga.
"Hindi ka lang pala tanga Fernan, bobo ka rin." saad ko.
Isang malakas na sipa sa tiyan ang natanggap ko pabalik mula sa nanlilisik ang mga matang si Fernan. Sisipain pa sana niya ako ulit peru may ugong ng sasakyan kaming narinig mula sa labas ng warehouse.
"Tumahimik ka, kapag gumawa ka ng kahit maliit na ingay ay papatayin talaga kita." banta niya bago lumabas at tiningnan kung sino ang dumating.
Habang wala siya ay ginamit ko ang natitira kong lakas para matanggal ang pagkakatali ng mga kamay ko. Sobrang sakit na ng mga braso ko peru pinililit ko paring putulon ang taling ginamit niya sa akin. Biglang lumuwag ang pagkakatali braso ko kaya nabuhayan ako ng loob, tatanggalin ko na sana ang tali sa aking mga paa peru bigla namang bumalik si Fernan kasama ang isang babaeng naka sombrero at sunglasses.
"Alam na ng lahat na nawawala siya, alam na ng buong mundo na nawawala si Kana kaya ayusin mo ang trabaho mo Fernan. Puro kalibugan yang inaatupag mo!" galit na saad ng babae na pamilyar ang boses, hindi ko lang makita ng maayos ang mukha dahil sa suot niyang sombrero at sunglasses.
"Wag kang mag-alala hindi siya makakawala sa akin at ikaw naman kasi hindi mo pa ako pinagbibigyan kaya sa kanya ko tuloy nailalabas lahat ng pantasya ko sayo." nakakadiring saad ni Fernan.
"Work before pleasure Fernan yan ang tatandaan mo." pagkatapos magsalita ng babae ay bigla balang siyang hinalikan ni Fernan sa labi.
Nakangiwi ako habang pinagmamasdan silang mainit na naghahalikan di kalayuan sa kinalalagyan ko, nang parang naging sagabal sa ginagawa nila ang sombrero ay tinanggal iyun ni Fernan at itinapon sa gilid, sumunod naman ang suot na sunglasses. Doon ako nanigas at nabigla dahil sobrang hindi makapaniwala ang isip at puso ko sa nakikita ng mga mata ko ngayun. Naging sobrang bait niya sa akin, marami siyang naituro sa akin, sobrang dami na rin niyang naitulong sa akin. This can't be true, hindi niya magagawa sa akin to, hindi niya magagawa to kay Lucas.
"Anna?" bulong lang ang pagkakasabi ko peru narinig niya ako dahil napalingon siya sa kinaroroonan ko.
Nahinto ang paglulumpungan nilang dalawa at dahan dahang lumapit si Anna sa kinaroroonan ko. Nakangiti siya, ngiti na walang bahid ng takot, ngiti na walang bahid ng pagsisisi at sa halip ay puno ng saya at satisfaction.
"Yes Kana?" isang dipa ang layo namin sa isa't isa peru parang ang labo ng paningin ko sa kanya, hindi siya si Anna, hindi pwedeng siya si Anna.
"Bakit?" tipid kong tanong habang naninikip ang dibdib dahil sa betrayal na ginawa niya sa akin at kay Lucas.
"Simple, nagiging sagabal ka sa plano ko." sagot niya habang nakangiti.
"Plano? Ako sagabal sa plano mo?" naguguluhan kong tanong.
"Yes, dahil kung hindi ka sana dumating ay ako na sana ang nagmamay-ari ng SPI ng ngayun. Ako na sana ang dakilang asawa ni Lucas na tutulong sa kanya sa negosyo at dadalhin niya kung saan niya gusto. Peru dumating ka at nawala na ang atensyon ni Lucas sa akin, napunta sayo lahat. Puro nalang Kana, Kana, Kana, punyetang Kana!" malakas at mahapding sampal ang dumapo sa aking mga pisngi mula sa kanya.
"Lucas doesn't like you." hindi ko man siya malalabanan ng pisikalan dahil nga nakatali ang paa ko at kailangan kong umarte na nakatali parin ang mga kamay ko ay lalabanan ko nalang siya gamit ang katotohanan na hindi ata niya alam.
"Yun ang akala mo, gusto ako ni Lucas at malapit na sanang maging gami peru umepal ka!" sampal ulit, sobrang sakit na ng mga pisngi ko.
"Kapatid lang ang tingin ni Lucas sayo Anna kaya wag kang assuming." kung kanina ay sampal ang binibigay niya sa akin, ngayun naman ay suntok at hindi ko inaasahan na malakas pala sumuntok ang loka, putok ang labi ko sa lakas ng suntok niya.
"Ikaw, ano ba sa tingin mo ang tingin ni Lucas sayo? Hindi mo ba alam na ginamit ka lang din niya para sa negosyo niya? Ginawa ka lang niyang promo ng SPS Scent Kana at dahil pumatok ka ay jinowa ka niya para magamit ka pa niya sa iba niyang negosyo. Peru ang kumag nahulog sayo kaya pinanindigan ang pagiging boyfriend mo, alam ko naman na nagtitiis lang siyang makasama ka dahil hindi niya type ang mga katulad mo na walang breeding, walang pinag-arala at walang class." Noot hanggang buto ang mga sinabi niya, hindi ko alam kung totoo o gawa gawa lang niya peru sobrang naapektuhan ako, parang dahan dahang nabibiyak ang puso habang nagsisink-in ang lahat ng sinabi niya.
"Masakit ang katotohanan diba?" tumatawa niyang saad habang pinagmamasdan ang mga luha ko na naghahabulan sa pagpatak.
"Well at least naging kami, eh kayo hanggang amo at sekretaya nalang kayo." kutya ko sa kanya.
"Tama na nga yan at ipagpatuloy natin ang nasimulan natin kanina bago ka pa sumabog diyan." saad ni Fernan saka hinila si Anna papunta sa higaan niya mga anim na hakbang sa likod ko.
Habang naririnig ko ang mga ungol nilang dalawa ay napapaisip naman ako kung totoo ba ang mga sinabi ni Anna.
Kung totoo bang ginawa lang akong promo ni Lucas.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Girl
RastgeleWalang pinag-aralan, nakatira sa skwaters, madumi, mabaho peru matapang. Yan si Ellise Cruz, dalawamput tatlong taong gulang, nasubok na ng panahon ang katatagan kaya nagkukubli sa pagiging matapang. Sa skwaters na kanyang tinitirahan, tinitingala s...