CHAPTER SIXTY-NINE - BALBAS

5.7K 120 0
                                    

Kana's POV

Pagkatapos ng pasabog ni Daddy kay Lucas ay iniwan na nila kami. Nakaupo ako sa kama habang si Lucas naman ay nasa gilid at tahimik lang. Napindot ata ni Daddy ang mute button bago sila lumabas, hindi na makapag salita eh.

Mga limang minuto na din ang lumipas at wala paring nagsasalita sa amin. Panay lang ang buntong hininga naming dalawa, minsan nagkakasabay pa nga kami eh. Ang weird diba?

"I'm sorry." nagsalita din siya sa wakas.

"I'm sorry dahil nasaktan kita, sorry dahil i never listened to you, sorry dahil kinalimutan ko ang magiging epekto sayo ng mga plano ko sa SPI, sorry naging sobrang selfish ako sayo. Sorry dahil nanganib ang buhay mo dahil sa kabobohan ko." nag unahan ang mga luha niya sa pag patak, sinubukan pa niyang yumuko para hindi ko makita peru huli na ang lahat. I saw it with my own eyes, umiiyak siya.

"Nasaktan kita, sobrang nasaktan kita kaya kung hindi mo ako mapapatawad ay tatanggapin ko, i will respect your decision Kana. Peru always remember na mahal kita, ginago kita at lahat peru mahal kita.  Mahal na mahal kita Kana." inabot niya ang kamay ko at pinaghahalikan ito.

"Please take me back Kana." bulong niya habang pinupunasan ang mga luha sa pisngi niya.

Para namang pinipiga ang puso ko sa natutunghayan ko ngayun, peru hindi ko makuhang umiyak. Naubusan na ata ako ng luha dahil sa dami ng dramang nangyari sa buhay ko lately.
Galit ako sa kanya, hindi ko ikakaila yun peru na miss ko tong taong to. Mahal ko parin siya at hinding hindi ko kakayanin kapag nakita ko siyang nasa piling ng iba, ikakamatay ko promise.

"I missed you." tanging saad ko.

Agad siyang tumayo at niyakap ako ng pagka higpit higpit. Kung hindi ko ikinamatay ang saksak ay baka dito sa mga yakap niya na ako matuluyan. Sobrang tagal bago niya ako binitawan, okay lang din naman sa akin dahil na miss ko siya at ang bango niya.

" I missed you more love." sagot niya saka ako pinupog ng halik.

"Missed you more ka diyan eh ni hindi mo nga ako dinalaw dito, ngayun lang!" tampo ko.

"Hey, andito kaya ako araw araw." saad niya.

"Sus, lokohin mo yung kapitbahay mo at wag ako Lucas." Biro ko sa kanya.

"Kahit tingnan mo pa ang visitors log book sa labas ay naku puno ng pangalan ko dun walang absent." pagmamalaki niya, hindi parin nagbabago.

" Sus, binayaran mo lang yung security sa labas eh." saad ko.

"Hindi no! Mararangal ang mga security dito sa hospital namin kaya walang ganyan dito." pagmamalaki niya ulit.

"Hospital niyo to?" tanong ko.

"Oo, ipagkakatiwala ba kita sa iba?" aba, sinagot ba naman ng tanong ang tanong ko.

"Naku, baka ang mahal dito ha. Pang mayaman lang ang hospital ninyu, baka hindi kaya ng budget namin ni Brandon." pag-aalala ko.

"Trust me Kana, kayang kayang bilhin ng mga magulang mo ang hospital na ito sa isang kisap mata." ganun ba talaga sila ka yaman?

"Sila ang mayaman at hindi ako." saad ko.

"Ganun narin yun, anak ka nila eh." tumabi na siya sa akin sa kama,  siksikan na naman kaming dalawa.

"Bakit hindi ka nag ahit?" tanong ko habang hinihimas himas ang balbas niya.

"Wala akong lakas para mag ahit." siniko ko siya ng malakas sa tagiliran.

"Gaano na ba kabigat ang shaver ngayun at kailangan na ng sobrang lakas para makapag ahit ha Lucas?" napatawa siya bigla.

"Wala namang masama kahit hindi ako mag shave ah, gwapu parin naman ako ah." tumatawa niyang saad.

"Kaawaan ka sana ng puong maykapal,  sobrang taas ng tingin mo sarili hoy Lucas. Umayos ka dahil kapag ako nakalabas dito ako ang aahit sayo gamit ang itak ng kapitbahay ko doon sa skwaters." muli ay napatawa siya.

"Love, may mapag gagamitan naman tong balbas na to eh." bigla nalang siyang pumaibabaw sa akin, nakatukod ang dalawang kamay sa magkabilang gilid.

"Kaya nga aahitin yan diba kasi useless?" saad ko.

Bigla nalang niyang ibinaon ang mukha sa leeg ko at parang ikinikiskis sa leeg ko ang balbas niya ng dahan dahan.

"Dito love, dito ko siya magagamit." bulong niya habang pinagpatuloy ang ginagawa.  Nag standing ovation lahat ng balahibo ko sa katawan dahil sa kiliti, gusto ko siyang tumigil na ayoko.

"Lord have mercy!" napatalon si Lucas mula sa pagkakapatong sa akin nang marinig namin pareho ang shocked na boses ni Mommy.

"I'm so sorry ma'am, it's not what you think-" hindi natapos ni Lucas ang sasabihin nang itaas ni Mommy ang kamay at dumiretso sa akin.

"Your wound isn't fully healed Elly, you can't put too much pressure on it okay?" mala ma'am charo na boses na paalala ni Mommy, sobrang sweet.

"Thanks Mom." Niyakap niya ako at nakita ko si Lucas sa likod namin na dinaig ang apple sa pagkapula ng mukha.

"And you young man, don't rush okay? She needs rest so don't pressure her." mabilis namang tumango si Lucas na hindi parin makatingin sa akin dahil tatawanan ko talaga siya.

Sunod sunod na silang nagsipasok sa kwarto, si Elliot, Daddy at Brandon kaya kung kanina ay sobrang tahimik namin ni Lucas. Nagyun naman ay sobrang ingay na ng kwarto, kaliwa't kanan ang tawanan at kwentuhan. Si Dad at Lucas seryoso sa pinag-uusapan nila sa may mini sala ng room, habang kami nila mommy, Elliot at Brandon ay puro katatawanan ang pinag-uusapan hanang nakapalibot sila sa akin.

Magaan sa pakiramdam, masarap sa pakiramdam. Wala kang iniisip na problem, walang bumabagabag sayo, walang galit sayo at walang kalungkutan na humihila sayo. Masarap pala pag may pamilya ka, masarap pala kapag may tinatawag kang mommy, mama, nanay, ina , daddy, papa, tatay at ama. Parang sobrang safe ko at maraming nagbabantay sa akin, parang sobrang blessed ko at maraming nagmamahal sa akin.

Ano pa ba ang kulang sa buhay ko?

Ano pa ba ang kailangan kong abutin?

Ano pa ba ang kailangan kong hintayin?

The Billionaire's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon